Nakaka bwisit ang mga sumunod na araw. Araw-araw, ang una naming makikitang mukha ay ang kay Mom. You simply can't miss her gym clothes and diamond chandelier earrings. Nakakainis rin dahil sa napakaplastic niyang mukha. Ngumingiti-ngiti siya sa aming magkakapatid, pero alam ko na sa likod ng ngiting iyan ay isang babaeng naiinis sa sariling mga anak.
Si Dad naman ay palaging nakatutok sa laptop niya. Minsan nagmumulti task siya- kumakain, naglalaptop, kumakausap sa sinumang tumatawag sa kanya. At sa tuwing lalapit kami, masama ang tingin niya.
Isang umaga, bago kami pumasok ay kumain muna kami nina Kuya at Ate. Kakatapos lang naming kumain nang nakita namin ang bruha naming nanay na nasa kusina nagaantay sa amin. Nakataas ang isa sa mga perfect eyebrow niya at parang fashion model sa pagpose pa siya.
"Excuse us, Mom. Kailangan na namin ilagay ito sa kusina." Wika ni Ate.
Hindi kumibo si Mom. Napansin kong naiirita na si Kuya. "Mom. Please."
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "I will only move if this little bitch will do me some respect." Taena nga naman ano?!
"Excuse us, Mom." Wika ko. Pero naiinis na talaga ako sa kanya. Gusto ko na siyang sapakin o sampalin- basta umalis lang siya para makapasok na kami.
Umalis siya sa doorway at pumasok kaming magkakapatid. Lalabas na sana kami nang tumayo siya sa aming harapan at nagsabing, "Hindi ba kayo tinuruan na hugasan ang pinggan ninyo pagkatapos kumain?"
Hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko. Tinulak ko siya nang malakas at bumagsak siya sa sahig. Malas nga naman, hindi nabagok ang ulo niya. Tumingin muna ako kay Dad. Ni hindi man lang niya inangat ang ulo niya. Binalik ko ang tingin kay Mom at tinitigan ko siya sa mga mata.
"Pagod na ako sa kamalditahan mo. Pagod na ako. Kung ayaw mong ibagok ko nang tuluyan iyang ulo mo, manahimik ka na lang."
Lumabas kami tatlo, dala-dala ang mga bag namin. Nang nasa sasakyan na kami ni Ate, tumingin siya sa akin habang inaantay niyang bumakas ang automatic na gate. Nakangiti siya nang nagsabi siyang, "Ginawa mo kung ano ang dapat gawin. Inilagay mo siya sa tama niyang lugar."
Napangiti na rin ako. Baka magiging maganda ang araw ko mamaya sa school.
*~*~*~
Which totally did not happen. Magkasunod-sunod ang mga subject namin na nagbigay ng project. Nakakatakot naman ang mga groupmates ko. Sa Geology, groupmates ko ang magpinsang Reyna Ventresca at Pierroto Orsini. Nakakapangilabot tingnan ang mga mata nilang parang gustong titigan ka mula labas hanggang sa kaloob-looban ng iyong kaluluwa at ieexamine ang mga kasalanan mo, considering na lumaki sila sa Italy, si Reyna sa Cremona at si Pierroto sa Vatican, at religious upbringing ang naranasan nila. Para naman sa Chemistry, groupmate ko sina Shayliee, Sochi, at Patrice which is intimidating, considering na sina Shayliee at Sochi ay nasa student council, habang si Patrice naman ay member ng formation committee. Halos maiyak ako nang pinagalitan ako ni Sochi dahil sinabi kong hindi ako makakasama sa paggawa ng project sa Saturday dahil nangako na ako sa magpinsan na sa kanila ako sasama.
"Ano ka ba naman, Cat. Grade mo 'to. Hindi ba puwedeng hatiin mo iyang oras mo sa dalawang grupo?" Tanong ni Sochi. Mukhang pagod na yata siya sa excuses ko.
"Hindi talaga puwede eh. Alam mo naman kung paano magalit ang magpinsang iyan." Sagot ko naman. "Saka kailangan pa naming manghalukat ng mga bato. Hindi madali ang trabahong iyan."
Napakamot na lang ng ulo si Sochi habang napa facepalm si Shayliee. "Siya na lang kaya ang bibili ng materials?" Wika ni Patrice.
"Hindi puwede. Alangan na man na pera niya ang gagamitin sa pagbili ng materials? Dapat kasi hati-hatiin nating apat ang bayad. Loss natin kapag siya ang bumili pero wala naman siyang ginawa." Ani Shayliee.
BINABASA MO ANG
Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa Tekken
Teen FictionWelcome to hell. Grade 10. Last year na ng junior high school sa Loyola International School, pero the stress- umabot na sa maximum point. IPs, thesis papers, economics- di na yata kinaya ng mga taga 9-Lithium- na ngayon ay umapgrade na sa 10- Keple...