Hindi makapaniwala si Ate Christina nang sinabihan ko siya na may ka- M.U. na ako.
"Hindi ka ba nagbibiro? Catherine, huwag mo akong biruin!" Sigaw niya.
"Hindi nga ako nagbibiro Ate. Ano ka ba." Pumula ang pisngi ko.
"Ayiiiiieeeeeeee!!!!" Hindi mapakali si Ate at nagsimulang tumalon sa higaan niya. si Kuya naman na tahimik na nakaupo sa desk ni Ate ay naistorbo sa kanyang pagbabasa.
"Tumigil ka na nga! Parang bata." Naiiritang sinabi ni Kuya.
Inirapan siya ni Ate at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Seryoso ba iyong lalaki?" Lumaki ang kanyang mga mata dahil sa pagka eksayted at tuwa.
"Oo naman, Ate. Seryosong-seryoso. Mas seryoso pa siya kesa sa huli kong naka M.U."
Sumimangot si Ate. "Eh, gago iyong huli mong naka M.U. Biniro ka lang nun. Pero siguraduhin mong hindi ka sasaktan ng boylet mo, ha? Lagot sa amin ni Antoine ang lalaking iyan kapag sinaktan ka niya. Naku!"
"Huwag mo akong idamay!" Sigaw ni Kuya at itinapon ang kanyang libro sa higaan. Tinawanan lang namin siya ni Ate at nagtalon-talon kaming dalawa.
"Anong nangyayari dito?"
Napatingin kaming magkakapatid sa pintuan. And surprise, surprise, nandoon ang pinakamalditang nanay sa balat ng planetang Earth.
"Bakit ba ang ingay ninyo? Hindi niyo ba alam na may natutulog?!" Galit na galit siya at parang gusto niya kaming sakalin ni Ate.
"Sorry po." Tahimik lang ang boses ni Ate, pero randam na randam ko ang inis niya.
May sasabihin sana ako nang napansin ko na nasa likuran na ni Mom si Dad. Binubulungan niya si Mom na kumalma at iwan na lang kami. Parang ayaw ni Mom na umalis pero eventually, umalis rin siya. Puno ng galit at pagkairita ang mga mata niya habang hinihila siya ni Dad palayo.
And I swear, bago pa isinara ni Dad ang pinto, nakita ko sa mga mata niya ang iba't-ibang emosyon: pagkahinayang, kalungkutan, at ang sakit na nararamdaman ng isang ama para sa kanyang mga anak.
Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit ganoon na lang ang tingin niya sa aming tatlo.
BINABASA MO ANG
Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa Tekken
Teen FictionWelcome to hell. Grade 10. Last year na ng junior high school sa Loyola International School, pero the stress- umabot na sa maximum point. IPs, thesis papers, economics- di na yata kinaya ng mga taga 9-Lithium- na ngayon ay umapgrade na sa 10- Keple...