Matagal akong hindi kinibo ni Moe. Tahimik lang siya habang tinititigan ang mga damo na nasa harapan namin. Sobra-sobra pa siya magaalala kesa sa akin.Bigla siyang nagsalita. "Ganito na lang. Magpalit ka na ng number para hindi ka na matawagan ng stalker mo. Ayokong mapahamak ka. Isave mo sa number na iyon ang number ko, ng mga magulang at kapatid mo, at saka iyong sa mga kabarkada natin. That way, malalaman natin kung sino ang tumatawag kasi sila lang ang nakakaalam ng number mo at sila rin ang magbibigay nito sa ibang tao."
"Postpaid ako, Moe." Napabuntong-hininga ako. "Magagalit sina Mom at Dad kapag pinalitan ko ang number ko. Nagagalit na nga sila kapag hindi ako naghugas ng pinggan, magpalit pa ng number pa kaya." Sumimangot ako.
"Ayokong nakokompromiso ang kaligtasan mo."
Tinampal ko nang mahina ang kamay niya. "Ikaw talaga, ang overprotective mo."
Ngumiti siya. "Hahayaan ko bang may mangyari sa prinsesa ko?"
Pumula ang mga pisngi ko. Ayokong-ayoko kapag binobola ako. Paano nga naman, parang akong tomato kapag nagbublush ako. Ang pula-pula! Parang overripe na kamatis!
"Uy, flattered siya." Pagbibiro ni Moe. "Pero seryoso. Iblock mo na lang kaya ang number na iyon?"
"Oo nga." Kinuha ko ang iPhone ko at binuksan ito. Pero laking gulat ko nang makita ang call log ko. "Hala!"
"Bakit? May nangyari ba?" Puning-puno ng pagaalala ang mukha at boses ni Moe habang tumitingin sa screen.
"Nawala iyong number!"
Nagkatitigan kami. Ano na namang klaseng kababalaghan ito?
"Sino ang nanghiram ng phone mo?" Marahan lang ang boses niya. Marahan pero nakakatakot.
"E-ewan..." Bulong ko. "Marami sila na gumagamit nito eh..."
*~*~*~
Sumakay ako sa bus na maagang umaalis. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ang nag text sa akin. Sabi nga ni Moe sa akin, tao, at hindi multo ang may kagagawan nito.
Nanggaling ako sa isang Catholic school, wika nga ni Moe sa akin. Dahil dun alam ko kung ang isang bagay ay isang milagro, kababalaghan o ano. Pero sa pagkakataong ito, alam ko na tao ito.
Bigla akong inatake ng hika kaya nag inhaler ako. Habang naghinihigop ko ang powdered spray, nag vibrate ang phone ko. Binasa ko ang message na natanggap ko at nakaramdam ako ng paglalamig sa spinal cord ko.
Umuwi ka na.
Natakot na ako kung ano ang gagawin ni Mom sa akin. Ano na naman kaya ang nasa utak niya? Nanginginig ako habang tumititig sa labas ng bintana.
Nang na drop na ako sa harap ng bahay ko, napa sign of the cross ako. Sa takot ay halos di ko mabuksan ang gate. Buti na lang at lumabas si Yaya at pinapasok niya ako. Pagbukas na pagbukas ng front door isang sampal ang nakuha ko.
"Aray!" Sigaw ko. Sa lakas ng pagsampal ay parang nag numb ang facial muscles ko. "Ano'ng problema mo?!" Sigaw ko kay Mom.
Hinila niya ang buhok ko. "Hindi bat sinabihan na kita na huwag na huwag kang sumam diyan sa mga hampaslupa mong mga kaibigan?!" Itinulak niya ako at muntik na akong mawalan ng balanse. "At may boyfriend ka pang Muslim! Hindi mo ba alam kung gaano sila kadumi? Mga terrorista sila! Hindi sila naliligo! Mga pobre silang lahat!"
"Huwag mong idamay ang iba diyan sa pinagsasabi mo! Hindi lahat ng Muslim terrorista, at mas lalong hindi marurumi ang mga Muslim!"
"Bastos ka ah!" Hinila ulit ni Mom ang buhok ko at ipininid ako sa dingding. Hinawakan niya ang leeg ko at halos di ako makahinga.
"S-sila a-ang pamilya k-k-ko." Buong tapang kong sinabi. "A-a-at hindi k-ko boyfriend s-si M-Moe."
Mas hinigpitan pa niya ang kanyang kapit sa akin. Hinila siya ni Dad palayo sa akin.
Itinuro ni Mom ang kanyang index finger sa akin. "Sa susunod huwag ka nang lumapit sa mga matapobreng iyan, lalong-lalo na doon sa Muslim. Ayokong makarinig ng mga chismis na naguusap ug nagsasama pa rin kayo. Dahil kung hindi, ipapalayas kita."
Gusto kong sumambat, pero pinigilan ako ni Dad. Pumasok ako sa aking silid, galit at nagtataka kung sino ang nagsabi sa mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Moe.
BINABASA MO ANG
Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa Tekken
Fiksi RemajaWelcome to hell. Grade 10. Last year na ng junior high school sa Loyola International School, pero the stress- umabot na sa maximum point. IPs, thesis papers, economics- di na yata kinaya ng mga taga 9-Lithium- na ngayon ay umapgrade na sa 10- Keple...