Nang bumalik na si Mohammed, kinausap ko siya.
"Nagalit sila sa akin..." Wika ko, pero pinigilan niya akong magsalita.
"Ni ano? Ni Erwin?" Nang tumango ako, ngumiti siya. "Pautot lang niya iyon. Di naman talaga siya galit. Sinabi ko kasi na maggalit-galitan siya sa iyo."
"Mga bastos kayo, pinaiyak niyo si Julie!"
Tumawa lang siya at inakbayan ako. "Tahan na, ililibre kita ng ice cream."
Hindi ako kumibo. Galit pa rin ako sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang siya at nagiba ng tono. "May kailangan akong sabihin sa iyo."
"Ano? Me chika ka?" Ngumiti ako sa kanya. "Sige sabihin mo, ano namang kababalaghan ang nalaman mo?"
Nagbuntong-hininga siya ulit. Tumingin na lang siya sa Bio Garden kung saan tumatambay ang ibang esudyante. "Paano kung..." Pagsisimula niya. "Kung sabihin ko na gusto kita? Magugustuhan mo rin ba ako?
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makasagot. Tumingin ako sa kanya, pero di man lang niya ako tiningnan. Diretso pa rin sa Garden ang mga mata niya.
"Moe?..." Tanong ko.
Hindi siya kumibo.
Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari, pero bigla kong nasabi ang mga salitang: "Gusto rin naman kita, Moe. Kaya walang problema."
*~*~*~
"M.U. NA SILAAAAAAAAAAA!" Sigaw ni Erwin.
Pumula ang mga pisngi ko nang sabihin niya iyon. Kailangan pa ba talagang sabihin iyon? Napatingin-tingin ako sa paligid namin at napasabi ng, "Erwin, necessary pa ba na iaannounce mo iyan sa buong sa LIS?"
Tinitigan niya ako. "Bawal ba?"
"Oo naman. Baka pagalitan tayo ni Sir Sauniere at mayari kaming dalawa ni Moe." Tumingin ako kay Moe na ngumiti lang sa aking tabi. Si Sir Sauniere kasi ang Prefect namin na French at medyo strikto pero mabait naman siya, in general.
"Ah, bahala na." Tumingin si Erwin sa buong soccer field at sumigaw ng "EVERYONE LISTEN! M.U. NA SINA GRUKE AT DIMAPORO!"
Bigla kaming nakarinig ng palakpakan at hiyawan mula sa batchmates namin. Napayuko kaming dalawa ni Moe at ngumiti sa isa't-isa. Medyo nakakahiya, pero nakakatuwa ang ginawa ni Erwin.
Nang maupo na siya, malungkot ang naging ngiti niya. "Ako na lang yata sa barkadang ito ang wala pang lovelife."
"Nakalimutan mo ata sina Julie at Michaelangelo." Wika namin ni Erin.
Tumawa kaming lahat, puwera na lang ni Michaelangelo. Tahimik lang siya at di umiimik. Nang tumingin ako sa kanya, umiling lang siya at nagsimulang maglaro sa phone niya.
May problema kaya siya? Lalapit sana ako sa kanya nang bigla siyang tumayo at nagsabing uuwi na siya bago siya umalis. Medyo nabagabag ako sa ginawa niya pero agad ko itong nakalimutan nang pagtawanan nila si Erwin.
"Ayan. Torpe ka kasi." Pagbibiro ni Erin.
Sumimangot lang si Erwin nang pagtripan naman siya ni Jonathan. "Ang lapit ng upuan ninyo, pero hindi mo kayang makipagclose sa kanya? Sus, wala kang lovelife tuloy."
"Huwag kang magalala Erwin. Sasabihan ko ang parish priest na kunin ka at gawin kang pari para may makasama ako sa kumbento." Ngumiti si Julie at mas malakas pa ang nabitawan naming halakhak.
"Takot lang kasi ako na baka ibabasted lang ako ni Chanel." Malungkot niyang sinabi. Si Chanel kasi ang crush niya magmula pa grade 9 at ang dahilan kung bakit nagaaral ng French si Erwin. Half-French kasi si Chanel Marie Trousseau.
"Ano pa ba ang dahilan ng pagaaral mo ng French? Hindi ba si Chanel? Kung ganyan ang mentality mo, ewan ko na lang Erwin. Wala ka talagang pagasa." Wika ko naman.
"As above, so below." Sabay na winikia nina Jonathan, Erin, at Julie.
"Ah, curfew na pala?" Change topic talaga itong si Erwin.
"Ah sus, iniiba mo ang pinaguusapan- wait, what?" Napatingin ako sa relos ko at nagpanic. "Holy shit, curfew na nga! Baka wala nang bus pauwi!"
Nagsitakbuhan kaming lahat dahil sa panic at kaba na baka hindi na kami makauwi nang libre. Muntik na akong matapilok sa isang bato at mahuhulog na sana nang saluin ako ni Mohammed.
Napablush ako at nagpasalmat sa kanya. Nginitian niya lang ako at laking gulat ko nang hinawakan niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko at ngumiti siya sa akin, ang kanyang mga mata nakapikit. So kawaii.
"Tatakbo tayo. In one, two, three... Go!"
Tumatawa kaming dalawa habang tumatakbo patungong parking area. May dalawang bus na lang ang naiwan. Papasok na sana ako sa isa sa mga bus nang tinigilan ako ni Moe.
"Magingat ka pauwi." Paalala niya.
"Ikaw rin, magiingat ka." Ngumiti kami sa isa't-isa at hinawakan niya ang buhok ko.
Bumisina ang bus na sasakyan ko kaya napilitan akong tumakbo palayo sa kanya. Nang makapasok na ako at maupo, nakita ko siyang papasok na rin sa bus na sasakyan niya na nakangiti sa akin at kumakaway para magpaalam.
Umuwi akong nakangiti at masaya matapos ang mga nangyari sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa Tekken
Teen FictionWelcome to hell. Grade 10. Last year na ng junior high school sa Loyola International School, pero the stress- umabot na sa maximum point. IPs, thesis papers, economics- di na yata kinaya ng mga taga 9-Lithium- na ngayon ay umapgrade na sa 10- Keple...