Nag ring na ang lunch bell, and I swear parang nasa langit ako nang marinig ko ang pagtunog nito. Kumaripas ako nang takbo palabas ng classroom patungo sa canteen. Nag reserve na ako kaagad para sa mga kabarkada ko. Mahirap na, baka agawan pa kami.
Nagantay lang ako para sa kanila hanggang sa napansin kong may umupo sa long chair sa harap ko. "Excuse me-" Sabi ko, pero agad akong natigilan. Si Mohammed pala. Isa sa mga kabarkada namin. Napangiti na lang ako at napasabi ng "Hi, Moe."
"Hi." Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang kanyang packed lunch. "Nasaan sila?"
"Idk. Baka bumababa na."
Tumango siya at pinasahan niya ako ng isang papel. "Ayan. Test ko sa math. Mataas ang grade, kaso nga lang may ibang items na hindi ko talaga makuha-kuha. Nakakainis." Sumimangot siya habang nakangiti akong bumabasa sa papel niya.
Kumuha ako ng isang papel at ballpen sa bag at nagsimulang magsulat. Medyo nakatayo na siya sa upuan niya at yung puwet niya naka suspended sa hangin. Nagalala ako kung may taong mabibiktima ng kanyang utot na napakabaho (pramis, ang baho talaga. Naamoy ko na noong isang beses na nasa bahay kami ni Julie Anne) kaya sinenyasan ko siya na umupo sa tabi ko.
Ang bango niya. Amoy chamomile at lavender siya. Gumagamit yata siya ng perfume ng ate o nanay niya. Hala. Shit. Wrong move. Weakness ko ang mababangong lalaki.
"May problema ba?" Tanong niya. Nakita niya siguro ang nanlalaki kong mga mata.
"Ang bango mo...."
Tumawa siya nang malakas na napatingin sa amin ang mga esudyante sa kabilang table. "Ano? Ako? Mabango?" Tumawa siya ng mas malakas pa. "Alam mo ba na kanina pang recess ako pinagpapawis at sabi nila na amoy Smoky Mountain na raw ako, tas ngayon sasabihin mo na ang bango ko?" -insert malakas na tawa here- "Nangulangot ka ba kanina nong naligo ka? Kasi parang may problema iyang pangamoy mo, kailangan na yata tanggalin ang mga maliliit na bagay diyan sa ilong mo." -insert MAS malakas na tawa here-
"Hindi mo naman kailangang kutyain ako. Sinabi ko lang na mabango ka." Tumingin ako sa ID kong umiikot-ikot at sa aking mga kamay na nasa aking lap.
Parang na stress siya sa pagiging malungkot ko. "Ay, hala, sorry..." Tinapik niya ang likuran ko.
Bigla akong tumawa nang mas malakas pa sa tawa niya kanina. "OH AYAN, AKALA MO NA NASAKTAN AKO ANO? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! SIGE PA TAWA PA MORE HAHAHAHAHAHAHAHA-"
"Ms. Gruke! Silence!"
Napatingin ako sa teacher na kontrabida. At surprise, iyong teacher na pinagalitan ako ngayon ay the same person as iyong teacher na pinagalitan ako kanina. In fairness, alam na niya ang aking pangalan. Ngumiti na lang ako sa kanya at yumuko. Putong masarap ka, Ma'am Delgado!
"Ayan. Sige. Tumawa ka pa nang mas malakas at hihilain ka na ng kalabaw palabas ng canteen." Ngumiti si Mohammed at kinurot ang pisngi ko.
Oo nga pala. Codename ni Ma'am Delgado ang 'kalabaw' dahil sa laki ng katawan niya. Tumawa ako, but this time, more quiet, more gentle, more lady-like. "Pero seryoso, ba't ba ang bango mo?"
Ngumiti lang siya. "Ginagamit ko kasi ang sabon ni Ina. Hehehehehehe."
"Ina?" Tumaas ang kilay ko. "Parang ang old fashioned naman ng tawag mo sa nanay mo."
Liniitan niya ako ng mata kahit na maliit na nga ang natural na hugis ng kanyang mata. Hay naku, Moe. Shunga ka talaga.
Eksakto namang dumating ang mga kumag. Ngumingiti-ngiti sila habang mukhang nase-stress si Erwin.
"Oh, Erwin? May problema?" Tanong ko.
"Ay wala, wala." Inirapan niya ako. "Nakita mo na nga meron, nagtatanong ka pa."
Ang sarap mong sapakin Erwin Ustend. "Sorry na nga, nagkoconfirm lang."
Tumabi si Jonathan kay Erwin at tinatapik-tapik ang likod nito. "Nakita niya kasi ang French teacher niya. Si Madam du Poinsett, kilala mo?" Without waiting for my reply, nagpatuloy siya. "Nagkita sila nang papalabas na kami ng classroom. Ayun, kinausap siya. Nalaman lang namin na pinagalitan na siya nung umalis na si Madam at sinabi ni Erwin na pinagalitan siya ng teacher niya. Pero parang ang imposible naman, mahinahon kasi ang boses ng guro niya."
"Pinagalitan niya ako, okay? Di ka kasi nakakintindi ng French." Galit na sinabi ni Erwin.
"Tama na nga iyan. Nagaaway kayo nang walang dahilan." Wika naman ni Erin, ang gf ni Jonathan. "Kumain na lang kaya tayo." Papaalis na sana siya ng table para bumili ng pagkain nang biglang hinila ni Jonathan ang kamay niya at bumulong sa tenga niya.
Paano, #Single #NBSB #SMP #Team Bitter #NaiinisAkoSaTuwingMayNakikitaAkongNagpPDAdahilWalaAkongLovelifeThereforeWalaAkongkaPDA ako. Buntong-hininga.
"Paano, NGSB ako, wala akong ka ganyan." Napa buntong-hininga si Mohammed. "Kapag ako nagkaroon ng girlfriend, tiyak, sa tuwing dadating siya dito sa school, aantayin ko siya doon sa may foyer at saka ako ang magdadala sa gamit niya, at kung di naman masyadong matao, hahawakan ko ang kamay niya habang pumupunta kami sa classroom niya. Hay naku, isa na namang paniginip ang hindi matutupad." Yumuko si Moe na tila ay bumagsak na sa kanya ang lahat ng problema sa mundo.
Di ko maiwasang malungkot para sa kanya. Masakit kaya ang maging single. Oo naman, sa iyo ang pagkain, sa iyo lahat ang pera panggala, pero iba pa rin ang pakiramdam na may minamahal ka, may inaalagaan, may iniingatan.
Ewan, parang nagiging madrama na ako. At ayoko ng drama. Inakbayan ko na lang si Mohammed at bumulong, "May lakad ka sa Sabado?"
Tumingin siya sa akin. "Wala naman. Bakit?"
"Mga gawi ng single." Feel ko na parang ngiti ng mga manyak ang ngiti ko ngayon.
"Ang humindi, pangit." Maniacal na rin ang ngiti ni Mohammed. "Sure, why not?"
BINABASA MO ANG
Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa Tekken
Teen FictionWelcome to hell. Grade 10. Last year na ng junior high school sa Loyola International School, pero the stress- umabot na sa maximum point. IPs, thesis papers, economics- di na yata kinaya ng mga taga 9-Lithium- na ngayon ay umapgrade na sa 10- Keple...