Chapter 6

73 3 5
                                    

"Weh, di nga?" Pagbibiro ni Moe.

"Wala nga eh!" Inis na inis kong sinabi. Tumawa siya nang malakas at inakbayan ako. Linapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.

"Ang cute mo kapag naiinis."

Tinulak ko siya. "Mohammed, ano ka ba!" Nagdabog ako at tumakbo palayo sa kanya. Am I blushing? Am I? Pumasok ako sa pinakamalapit na CR at tumitig sa mukha ko. Ang pula ko! What the hell man.

Binuksan ko ang pinto pagkatapos kong manghilamos at laking gulat ko na si Mohammed ang nasa labas, naantay sa akin. "Ano'ng kailangan mo?"

He shrugged. "Inantay kita. Basta ka na lang kasing umalis."

Mas pumula ang pisngi ko. "Moe naman, kung maka flatter, wagas."

"Wala kang magagawa. Kasalanan mo kinaibigan mo ako."

I stuck my tongue out at him and ran. Napangiti siya at hinabol ako patungo ng racing oval.

Sa mga sumunod na araw, siya ang kasa-kasama ko sa recess, lunch, at paglabas ng school tuwing dismissal. Inaaway ko siya palagi habang pinagbibiroan naman niya ako. Nakakainis siya minsan, pero at least, may nagdadala ng bag ko. Isang araw, umabsent siya kaya sumama ako sa mga kabarkada ko sa recess at lunch time. Malamig ang tingin ni Erwin sa akin habang parang nalilito sina Julie at Erin. Si Jonathan naman, as usual, masayang makita ako. Hindi ko naman mabasa ang expression ni Michaelangelo. Natutuwa ba siyang makita ako, o nabibwisit dahil ngayon lang ako sumama?

Ang awkward habang kumakin kami. Wala na ang maiingay na tawanan at biruan. Ang tense nila habang kumakain. Kinakabahan naman ako. Dahil sa ayaw ko ng mga awkward silence, kinausap ko si Sochi na sumama sa aming barkada at katabi ko lang sa upuan.

"So, Sochi." Wika ko. "Huwag mong mamasamain ha, pero bakit ka nga ba nandito?"

Nagliwanag ang mga mata niya. "Ah! Eh kasi, member na ako ng subgroup ng barkada niyo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Subgroup? Di yata ako nainform ah. "Ano'ng subgroup?" Tanong ko.

"Pad Paper." Sagot naman niya. "Member diyan sina Jonathan, Erwin, at Mich- este, Tech." Malaki ang ngiti niya habang nagsasalita.

"Kuwentohan mo nga ako kung paano nabuo iyang barkada niyo."

At kinuwento nga niya. Sinabi niya sa akin na naging kagrupo niya sina Erwin, Jonathan, at Tech sa Geology na project at nabuo ang grupo nila noong ginawa nila ang project sa bahay ni Tech. Naisipan nilang sumayaw ng "Panky Town" at nagpost sila ng video sa Facebook na nagsasayaw sila.

"Buti na lang at di sumama si Marcus." Pagaamin ni Sochi. "Hindi sana mabubuo ang Pad Paper kung meron siya."

Tumango ako. Tama nga naman si Sochi eh. Kontrabida talaga ang tabatchoy na iyon at walang respeto sa amin na nakakatanda sa kanya sa class.

"Ang daming event na namiss ko." Napabuntong-hininga ako.

"Parati kasing kayong dalawa ni Mohammed lang ang magkasama eh. Kinakalimutan niyo na kami." Galit na galit si Erwin sa akin.

"Sinasamahan ko naman siya eh!"

"Guys tama na!" Sumambat si Erin. "Kung gusto niyong magaway, lumabas na kayo. Huwag niyong paiyakin si Julie." Niyakap niya si Julie na muntik nang maiyak.

Tinitigan ko nang masama si Erwin. Inirapan niya ako at nagpatuloy na kami sa pagkain ng aming lunch. Naunang natapos si Erwin at agad siyang umalis ng canteen. Umiyak na ng tuluyan si Julie at napayuko ako sa hiya. Ano'ng nagawa ko? Sinira ko ang barkada dahil sa ginawa ko. Taena, when kalandian strikes nga naman ano?

Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa TekkenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon