"Andiyan na ako......"
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi, hindi ito puwedeng mangyari.
"Ready ka na ba, hm?..."
Nagsimula na akong magpawis. Hindi pa ako ready. Diyos ko, tulungan niyo po ako!
"Ayan na!"
Wala na akong magagawa. Si Mohammed na ang may control. Kontol this life ma men!
"BEYOND GODLIKE!!!!!!"
Nganga lang ako habang nakatitig sa computer screen. Isa-isang pinapatay ni Moe ang lahat ng characters sa DOTA. Nganga lang din ako habang inaannounce na tapos na ang laro at ipinakita sa screen ang statistics. Number 2 ako.
"Aba, bastos kang bata ka." Inis na inis na sinabi ni Tech.
Ngumiti lang si Moe. Lahat kami ay inirapan siya dahil sa inis.
Napatitig ako sa bubong. Ang pro niya. Tinalo niya kami lahat. Napahikab ako at tumingin-tingin. Nasa loob kami ng isang internet cafè malapit sa school namin. Maingay rin ang ibang mga player. Karamihan sa kanila ay mga taga LIS rin.
Sumenyas ako sa mga kabarkada ko na lumabas na. Nagsitayuan kaming lahat at lumabas na ng cafè.
"So, saan tayo?" Tanong ko sa kanila.
"Mag jeep tayo. Pupunta tayo ng SM." Sagot naman ni Erwin.
"Libre mo?" Pabirong sinabi ni Jonathan sa bestfriend niya.
Erin rolled her eyes. "Kelan pa ba naglibre ang taong iyan?"
Tumawa kaming lahat habang nakaktitigan sina Erwin at Erin. "Ikaw babae ka..."
"Ano naman ha?" Erin challenged. "May problema ka sa akin? Suntukan na lang tayo brad!"
"Tama na!" Sigaw ni Julie Anne. "Alam niyo ba sinabi ng Diyos na huwag kailan man saktan ang isang tao? Wala kayong respeto sa isa't-isa!" Mukhang iiyak na siya habang nakatingin sa nagtatalong Erwin at Erin.
Tinapik ko ang likod ni Julie Anne. "Um, Julie... Naglalaro lang naman sila eh... Hindi sila magaaway...."
"Kahit na!" Nagdabog si Julie at nagsimulang umiyak.
Buntong-hininga.
Rule #1 ng barkada: Never ever fight sa harap ni Julie. Parang nakalimutan yata nila ang rules namin ah. Tumayo ako sa gitna ng dalawang nagaaway at pinagsabihan sila. "Alam niyo naman na sensitive si Julie at ayaw na ayaw niya ang away. Tigilan niyo na ito. Please."
Natigilan ang dalawa at nag sorry sila kay Julie.
"Puwede ka na maging nanay." Pagbibiro ni Mohammed.
"Hala, bakit?" Sarcasm meter: over 100!
Ngumiti siya ng kaunti at sinabing, "Natigilan mo sila magaway. Diba dapat ganyan ang mga nanay, tinitigilan nila ang away-magkapatid. And well, you handled it so well."
Pumula ang pisngi ko. Moe naman ehhh..... "Ikaw talagang Muslim ka, naku, kung makaflatter ka, sobra pa kay... Kay..."
"Sino?" Mukhang naguluhan pa siya.
"Yung ka-churva ni Samson...."
"Ah!" Tumawa si Moe. "Si Delilah!"
Nganga. Muslim siya. Kristiyano ako. Memorize niya ang bible. Ako hindi. Jusmeo, what am I doing with my life?!
"Wow. Alam mo kaagad?" Manghang-mangha si Tech kay Mohammed. Napangiti lang si Moe.
"Alam niyo naman siguro na kasama ko si Victoria sa pagtransfer dito sa LIS. Sabay rin kaming nagaral doon sa Cagayan-"
"Valley?" Sambat ni Jonathan.
"De Oro, tanga." Wika naman ni Moe. "Doon kasi kami sa isang Catholic school nagaral, kaya alam ko ang bible. Memorize ko pa rin ang basic prayer ng mga Catholic magpahanggang ngayon." Ngumiti siya.
"Wait, teka, sino si Victoria?" Naguguluhang tanong ni Erin. Tumango rin kami. Wala naman Victoria sa aming batch ah.
"Ay, si Reyna pala." Napakamot ng ulo si Moe. "Hehehe. Naiinis kasi siya noon kapag Reyna ang tinatawag sa kaniya. Dito lang siguro siya naging komportable na- Catherine!" Nanlaki ang mga mata niya.
"Huh?"
Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit, pero narinig ko ang isang sasakyan na humahaharurot at napabuntong-hininga si Moe. Binitawan niya ako at tumingin sa aking mukha. Hindi mo maikakaila na alalang-alala siya. "Ayos ka lang ba?"
"Oo..." Sagot ko naman. "Pero... Bakit mo ba ako niyakap?"
"May sasakyan kasing paparating. Umoover-take yata. Muntik ka nang masagasan."
"Ah, salamat." Mas pumula ang aking pisngi sa gesture niyang iyon.
Tumingin-tingin si Jonathan sa langit. "Parang uulan na yata. Uwi na tayo?"
"Oo nga." Tumango si Julie Anne. "Ilang oras rin tayo naglaro ng computer. Nakalimutan kong mag rorosary pa kami sa bahay." Napahikab siya.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nangakong magtetext-text lang. Habang naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep, bigla akong nakaramdam ng takot. Tumingin agad ako sa aking paligid. Wala. Walang kahina-hinalang tao o kung ano man.
Pero hindi pa rin ito nawala kahit na nasa loob na ako ng jeep pauwi.
*~*~*~
Binuksan ko ang pintuan ng aming bahay. As usual, tahimik lang ito. Apat lang kasi kami dito sa bahay. Ako, si Ate Christina, si Kuya Antoine (prounounced as ahn-TWAN), at si Yaya Nene lang kasi ang nakatira. Pagkalaki-laking bahay, kaunti lang ang nasa loob.
Gusto kong umakyat patungo sa aking silid at matulog nang mahimbing. Ang layo kaya ng nilakad ko mula sa gate ng subdivision hanggang sa bahay. At mas malayo pa ang nilakad ko mula sa isang kanto hanggang sa gate ng subdivision. Ayaw ko kasi mag taxi, mauubos ang pera ko eh. Jeep lang ang sinasakyan ko mula school hanggang sa kanto para makatipid.
Pumasok na ako at as usual pa rin, napaptingin ako sa taas kung nakasabit pa rin ang crystal chandelier na mas matanda pa sa akin. Nakasabit pa rin. Thank God. Naglakad na ako patungo sa mataas naming hagdan nang bigla kong napansin na di mapakalipng naglalakad-lakad si Ate Christina sa grand sala. Muntik na niya masagi ang fiberglass na coffee table, at ilang beses na siyang nakakabangga ng sofa na galing pa ng Paris.
"Ate?" Tanong ko.
"Catherine!" Yinakap niya ako. "Mabuti naman at nandito ka na. Kanina pa kita tinatawagan, pero hindi mo sinasagot ang mga tawag!"
"Sorry Ate. Nasa jeep kasi ako nung time na tinawagan mo ako."
Tumango si Ate at tumingin sa aking mga mata. "May kailangan akong sabihin sa iyo."
"Ano?"
"Nandito sila."
Napatitig ako sa aking kapatid. Dalawang salita... Dalawang salita lang at parang gumguho na ang aking mundo.
Narinig ko ang pintuan ng parlor na bumbukas. Lumabas si Kuya Antoine na umiiyak at parang hindi alam ang gagawin. Linapitan namin siya ni Ate at niyakap nang mahigpit.
"Huwag ka nang umiyak Antoine. Ayaw kong nakikita kang umiiyak." Wika ni Ate. Tumingin siya sa akin at nagsabing, "Catherine, pumasok ka na. Dapat mo na silang harapin."
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa silid na kinatatakutan ko simula pagkabata.
BINABASA MO ANG
Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa Tekken
Teen FictionWelcome to hell. Grade 10. Last year na ng junior high school sa Loyola International School, pero the stress- umabot na sa maximum point. IPs, thesis papers, economics- di na yata kinaya ng mga taga 9-Lithium- na ngayon ay umapgrade na sa 10- Keple...