Nang isinara ko na ang pinto, parang tumigil ang tibok ng aking puso.
Sa loob ng silid ay nakita ko ang aking mga magulang. As usual, formal attire ang suot nila. At parang bumata rin. Nawala ang mga wrinkles ni Dad at ang fine lines ni Mom. (Nagpa stem cell yata sila.) With poise and confidence sila habang nakaupo sa mga limited edition Kevin Cobonpue na upuan.
I felt inferior, lalo na sa tuwing tinitingnan ko ang perfect makeup ni Mom.
"Good afternoon." Wika ko.
Tumayo si Mom at lumapit sa akin. Nang face to face na kaming dalawa ay bigla niyang hinila ang aking buhok. "At saan ka galing?"
"Sa- sa labas p-po...." Ang hirap magsalita dahil sa napasakit na paghila ni Mom sa aking ponytail.
"Kasama ang mga low-class mong mga kaibigan? Shame on you, Catherine!" Tinulak niya ako palayo sa kanya at muntik nang nabangga ang ulo ko sa malalaking pintuan ng parlor. Tumayo ako at napakamot sa aking puwetan. Ang sakit kaya ng impact ng tulak.
"Catherine, I heard na first honor ka raw?" Napatingin ako kay Mom na daig pa ang pinakaplastic kong classmate sa pagngiti sa akin. Sugar coated rin ang ka sweetan ng pagsasalita niya. Kung hindi ko lang sana nanay ang babaeng ito, baka sinuntok ko na 'to.
"Yes." Sagot ko naman.
"I am not satisfied." Nawala ang plastic niyang ngiti at seryosong-seryoso ang tono niya. "Before I left you two years ago, sinabi ko na dapat mong maagaw ang top 1 position sa classmate mo. At ngayon malalaman ko lang na top 2 ka lang? Ano'ng pinagagawa mo for the past two years?"
"Nagaaral po..."
Sinampal ako ni Mom. "Sinungaling. Gumagalagala ka lang kasama ang mga low class mong kaibigan."
Yumuko na lang ako habang sinesermonan niya ako. "Sinabihan na kita noon na huwag na huwag kang lumapit sa mga classmate mong daig pa ang minero sa pagiging gold digger. At tingnan mo naman sila, they don't even belong to our part of the society. Nasa high class tayo, Catherine! And you are wasting your time on peasants!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Kayo ang nasa low class, Mom. Daig pa ng personality mo ang amoy ng landfill."
"Catherine!" Sigaw ni Dad. "How dare you talk back to your mother?!"
"Mother? Ha!" Tumawa ako nang malakas. "My blood made me related to you, but you were never family to me."
"What the fu-"
"Blood makes us related. Love, care, concern and loyalty makes family. Wala kayo sa criteria."
Sinampal ako ni Dad. "You ungrateful bitch. Manahimik ka. Binigay namin ang lahat ng gusto niyo, at ito lang ibabalik niyo? Walang hiya, walang modo!"
"Shut the fuck up!" Sigaw ko. "You never were a father to us! Ikaw pa naman sana ang dapat magturo ng kaganadahang asal sa aming magkakapatid, pero wala! Wala kang kuwentang ama!"
"Get out!"
Lumabas ako ng parlor at isinara nang malakas ang pinto. Napatakbo patungo sa akin sina Ate at Kuya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ate.
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Instead, sinabi ko na: "Sinagot-sagot niyo rin ba sila?"
Napatingin sila sa isa't-isa bago nila ibinalik ang tingin sa akin. "Oo."
"Thank God." Napabuntong-hininga ako. "Hindi pala ako nagiisa."
Niyakap ako ni Ate habang hinimas-himas ni Kuya ang aking buhok. "May bad news ako." Wika ni Kuya Antoine.
"Ano?" Sabay naming sinabi ni Ate.
BINABASA MO ANG
Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa Tekken
Teen FictionWelcome to hell. Grade 10. Last year na ng junior high school sa Loyola International School, pero the stress- umabot na sa maximum point. IPs, thesis papers, economics- di na yata kinaya ng mga taga 9-Lithium- na ngayon ay umapgrade na sa 10- Keple...