Chapter 10

52 2 10
                                    

Rainy Saturday? Frustrating.

Nganga lang ako habang tinititigan ang labas ng bintana na basang-basa sa ulan. Hindi ko alam ang gagawin bukod sa matulog, kumain, maglaro ng DOTA, or LoL man kaya, o humilata sa higaan at maglaro ng Tekken.

Hindi ko alam.

Ayoko ring distorbihin si Moe. Nung nagtext kasi kami kagabi, sinabi niya kasi na gagawa sila ng project ngayon. Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin puwera na lang sa pagupo sa higaan at tumungangang humarap sa bintana.

"Parang iniisip mo kung ano ang dapat mong gawin dito sa mundo."

Itinaas ko ang aking ulo at nakitang papasok si Kuya Antoine. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa bintana.

"Saan si Ate?" Tanong ko sa kanya.

"Pumunta ng school. May klase kasi siya." Sagot naman ni Kuya.

Tumango lang ako at tumingin ulit sa bintana. Habang nakatitig kami sa ulan na bumabagsak sa labas, biglang nagsalita si Kuya. "Catherine, naalala mo pa ba noong hindi pa ganyan si Mom?"

Napasimangot ako, pero hindi ako tumingin kay Kuya. "Nangyari na ba iyan?"

"Ewan. Napapaginipan ko kasi."

"Sus, panaginip lang pala." Napa-'pft' ako at muntik na akong matawa.

"Pero parang totoo..." Bulong ni Kuya. "Parang totoo..."

Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dad. As usual, poker-face siya. Walang kaemo-emosyon na tao.

"Catherine. Antoine. Lumabas kayo. Kakausapin kayo ng Mom niyo."

Ano na namang kababalaghan ito?

Nang maupo kami ni Kuya sa harap ni Mom (Nasa parlor kami), hindi ko maiwasang mabagabag sa ginawang redecoration ng buong parlor. Nawala na ang mga antique na sofa na mula pa sa France at pinalitan ng mga furniture na minimalist ang mga design at halatang mamahalin. Nawala na rin ang mga painting ng mga ancestors namin at napalitan na ng mga painting na abstract na parang gawa ng mga schizophrenic.

Mom took a long drag off her cigarette. "Eto." Inabutan niya kami ni Kuya ng mga sobreng puti. "Pera."

I don't want this. Gusto kong sabihin. What I want is an answer. Bakit ba ayaw na ayaw mo sa aming magkakapatid?

"Thanks Mom." Sabi ni Kuya at hinila ako palabas ng parlor. Nang makalabas na kami, pumasok si Dad at isinara ang pinto.

"Teka, hindi ko naiintindihan." Wika ko habang pabalik na kami ng aking silid. "Ayaw niya sa atin, pero may pera tayo-"

"Huwag na lang tayong magtanong. Baka magalit pa siya. Itago mo ang pera. Huwag mong gagastusin. Kung iiral iyang pagkakrung-krung ng utak niya, maibabalik pa natin ang pera. Kahit na pagalitan pa niya tayo."

Tumingin lang ako sa kapatid ko at naguguluhan ang isip ko. Hindi na umiimik si Kuya.

"Kuya, puwede mo ba akong kuwentohan? Iyang mga panaginip mo." Pakiusap ko sa aking kapatid nang makabalik na kami.

Tumingin siya sa akin. "Huwag na. Maguguluhan ka lang."

"Pero Kuya-"

"Kung sabi kong huwag, edi huwag!" Galit na si Kuya at di ko alam ang dahilan. Dahil ba sa pagiging matanong ko?

Yumuko na lang ako nang lumabas si Kuya at sinara ang pinto nang napakalakas. Hindi naman ganyan si Kuya. May isang bagay lang talaga ang nakakatrigger sa kanya. At hindi ko alam kung ano.

Sumakit na ng husto ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Gulong-gulo na ang utak ko. Bakit ba kami binigyan ng pera? Bakit ba nagalit si Kuya nang tinanong ko siya dahil sa panaginip niya? Bakit ba ayaw ni Mom sa aming tatlo? Bakit ba ganyan si Dad, parang walang pakialam? Bakit ba umuulan? Bakit?

Humilata na lang ako sa higaan at napaiyak. Totoo nga pala ang sinasabi nila na kapag masayang-masaya ka, bibigyan ka ng mundo ng maraming problema at malulungkot ka. Para balanse. Kung sa Mythology pa, si Fortuna at Nemesis.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Tinanggal ko kasi ang ringtone. Bawal kasi sa school ang maiingay na phone.

Sinagot ko ang tawag. "Hello?"

Heavy breathing sa kabilang linya.

"Hello, sino 'to?"

"Paano kung ang taong mahal mo, mahal rin ng kaibigan mo?"

I was caught off-guard. Ano'ng klaseng tanong iyan? "Teka, teka, sino 'to?"

Nagpatuloy sa pagsalita ang caller. "Paano kung ang taong minamahal mo, minahal ka noon, pero binalewala mo lang? At ngayong may mahal na siyang iba, bigla mo lang narealize na mahal mo siya, ano'ng gagawin mo?"

"Alam mo," Nagaalburoto na ako. "kung ayaw mong sabihin kung sino ka, hindi kita matutulungan diyan sa problema mo. Go face the shit. At huwag mo akong distorbohin, tangina."

Beep. Beep.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko matapos ko siyang babaan ng telepono. Gago iyon ah. Ano 'to, teleserye? May padrama-drama pang heavy breathing ang taong iyon ah. Ang sarap mong sapakin dre.

Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

Pinulot ko na lang ang cellphone ko at nagtext kay Moe. Nang magvibrate ang phone ko, saka ko lang na realize na... Na send pala ang text kay Tech. At ang topic... Ang tungkol kina Mom at Kuya... At hindi pa alam ng mga kaibigan ko ang sitwasyon...

Fuck, fuck, fuckity, fuck, fuck.

'Cat, may problema ba? Gusto mong tulungan kita?' Iyon ang text ni Tech sa akin.

Napalunok na lang ako. 'Wala, Tech. Wrong sent iyon.'

'Kahit na. Parang nararamdaman ko na may problema ka talaga. Sabihin mo na sa akin. Promise, hindi ko sasabihin sa iba.'

Kungsabagay, mapagkakatiwalaan ko naman si Tech. Kaya sinabi ko na lang sa kanya. Nang nasabi ko na ang lahat, pakiramdam ko na... Parang mali, eh.

'Ok lang iyan Cat. Lilipas rin 'to. Pagsubok lang naman 'to. Makukuha mo rin ang mga sagot sa mga tanong mo pagdating ng tamang panahon.'

Hindi na ako nagreply. Tamang panahon? Kailan pa? Kapag mawawala na ang mga magulang ko?

"Nakakabv ang araw na 'to." Bulong ko habang hinihila ko ang aking upuan patungong bintana. "Makatitig nga sa ulan."

Barriers- The Sequel to Nang Dahil Sa TekkenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon