Belle POV
Pumasok na ako sa bahay na umalis si Raf.
Tinawagan ko si Sellah ang pinsan ko.
Doon sana ako pupunta sa bahay nila Sellah kaya lang nakita ko si Raf. Nilait pa ako.
*Methusellah Aries- Me-too-sellah.
Bold (ako) Italic (Sellah)
"Belle"
"Nasaan ka na?"
"Pasensya na hindi ako makakapunta sa inyo ngayon araw"
"Sa ibang araw na lang ako pupunta. Sumama bigla ang pakiramdam ko"
"Ganoon ba? Hinihintay pa naman kita dito sa bahay"
"Pasensya na talaga, nagpapahinga kasi ako"
"Ano ba talaga? Masama ang pakiramdam o nagpapahinga?"
Ay shit.
"Pwedeng both?"
"Tinatamad ka lang"
"Nainis lang ako kanina"
"Bakit?"
"Lumabas na ako ng bahay para pumunta sa inyo kaya lang may nakita akong isang lalaki na sinabihan ako na Na ang pangit mo"
"Baka siya itong pangit"
Hindi siya pangit sobrang gwa.. sobrang pangit.
"Anong pangalan niya?"
"Ah eh ih hindi ko kilala"
"Ano iyon pumunta lang sa labas ng bahay niyo para sabihan ka na ang pangit mo? Anong klaseng trip iyon?"
"Papansin lang iyon"
"Imposible"
"Bakit imposible?"
Napatakip naman ako sa bibig ko.
Nasabi ko iyon?
"Kasi si Raf iyong pumunta"
"Ano? Si Raf iyong may pagka-seryoso, hindi palasalita at palakibo?"
Kailangan pa ba i-describe?
"Oo"
"Imposible nga"
"Baka naligaw lang iyon o baka naman nanliligaw"
"May boyfriend ako tsaka hindi ako iyong klaseng babae na magugustuhan niya"
"Maganda ka naman ah!"
"Maganda lang kaso hindi matalino"
"Hindi naman halata na hindi ka matalino"
"Kaklase ko siya"
"Ay!"
"Kumopya ka na lang kay Stella sa mga quiz, long test, sa exam para kapag mataas ang score mo. Matalino ka na"
"Loko ah!"
"Hahahaha biro lang baka totohanin mo iyong sinabi ko"
"Sira ka! Ibaba ko na ito. Magluluto pa ako ng hapunan"
"Sige bye"
Binaba ko na ang linya at nilagay sa bulsa. Pumunta na ako sa kusina para magluto ng hapunan.
BINABASA MO ANG
A Simple Girl Like a Flower
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...