Belle POV
Umaga na at nakauwi na sila Jane, Reign at Stella. Wala daw kasi magbabantay kina Julian at Julia, sumabay na rin si Stella para makatipid sa pamasahe.
Anong oras kaya ang uwi nila Mama?
Nandito ako sa kwarto nakahiga sa kama at naghahanap ng panonoorin sa YouTube.
Napansin ko ang isang video na ini-interview si Rafael. Agad naman ito binuksan.
Babae: Mr. Santos, madami nagtatanong na "Kung single ka ba daw?"
Rafael: Yes
Babae: May inspiration ka ba?
Rafael: Yes
Babae: Sino?
Rafael: My family, friends and supporters.
Babae: Nasubukan mo na ba magkagusto sa isang babae?
Rafael: Yes
Sino naman kaya?
Babae: Pwede mo bang sabihin kung sino siya?
Rafael: Hindi niya alam na gusto ko siya at wala akong balak na sabihin sa kanya.
Torpe ka?
Babae: Anong gusto mo sa babae?
Rafael: Simple lang. Gusto ko iyong pinapakita niya iyong totoong siya, hindi na niya kailangan magpanggap o baguhin ang sarili niya para lang magustuhan siya ng ibang tao.
Babae: May tinutukoy ka ba sa sinasabi mo?
Ngumiti lang si Rafael sa babae.
Rafael: Ang babaing nagugustuhan ko siya ang tinutukoy ko.
Na curious tuloy ako bigla kung sino.
Babae: Pwede ba bigyan mo kami ng clue sa babaing nagugustuhan mo?
Rafael: May asawa na siya.
Hindi ko na tinapos ang video, pinatay at tinabi ko na ang tablet kung saan ako nanonood ng YouTube kanina.
Rafael: May asawa na siya.
Si Jane kaya ang tinutukoy niya?
Naisipan ko na gumala sa mall.
Pero baka pauwi na sila Mama.
Kaya imbes sa mall ang punta ko sa park na lang ako pupunta.
Kinuha ko ang sandals at sinuot ito. Tatawid na sana ako.
Na may mabilis na sasakyan at nakita ko na may isang batang babae na nasa gitna ng kalsada na kumakain ng lollipop.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Biglang sumakit ang ulo ko na para bang nangyari ito sa 'kin dati ngunit hindi ko lang maalala.
Tumingin ako sa batang babae na nasa gitna ng kalsada kanina. Ngayon ay kasama na ng isang lalaki.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at hinawakan ang ulo ko.
Anong nangyayari sa 'kin?
Papunta na sana ako sa kwarto na bigla akong nahimatay.
~~~
"Mommy" tawag ng isang batang babae na naka-kulay pink na dress
"Bakit? Anak" tanong ng Babae
BINABASA MO ANG
A Simple Girl Like a Flower
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...