Belle POV
Nandito kami ngayon ni Stella sa park.
"Alam mo gusto ko bumalik sa pagkabata" sabi ni Stella habang nakatingin sa mga bata na naglalaro sa gitna ng park
"Bakit naman?"
"Wala kasi silang iniisip na iba kundi ang maglaro" sabi ni Stella
"Gusto ko ng kwek-kwek"
"Bumili ka" sabi ni Stella na lumingon sa 'kin
Tumayo naman ako.
"Ako na lang bibili, may nakita akong gwapo doon" ngising sabi ni Stella at tumayo
Umupo naman ulit ako at binigay ang pera sa kanya.
"Kwek-kwek lang ba?"
"Samahan mo na rin ng fishball" sabi ko
Lumakad na palayo si Stella habang ako pinapanood siya mula dito.
Wala pa pala kaming maiinom.
Lumingon ako sa paligid para maghanap na nagtitinda ng mineral water. Nakita ko na nasa kabilang kalsada ang meroon nagtitinda.
Tumayo naman ako at pinagpag ang suot ko. Nagsimula na ako maglakad papunta doon.
Mga ilang segundo ay huminto ako sa paglalakad.
Naramdaman ko na may parang nakatingin sa 'kin at pinagmamasdan ang aking kilos.
Agad ko naman tingnan ang paligid kung tama nga ang pakiramdam ko.
Tinuloy ko na ang paglalakad na makurpirma ko na walang nagmamasid sa 'kin.
Tatawid na sana ako na may humila agad sa 'kin.
"James" gulat kong sabi
"The one and only, Belle my wife" ngising sabi niya
Napansin ko na ang kamay ni James ay nasa bewang ko. Agad naman inalis ni James ang kamay niya.
"Sorry"
"Ayos lang" sabi ko
Tumingin naman ako sa motor na napaka-bilis magpatakbo at untik na ako mabangga kanina.
"Paano na lang kung hindi agad kita nakita?"
Hindi naman ako sumagot sa tanong ni James at nanatili nakatingin sa dinaanan ng motor.
"Salamat James, sa pag-ligtas sa 'kin" sabi ko
"Walang anuman, Belle my wife"
"Saan ka ba pupunta?"
"Bibili sana ako ng mineral water" sabi ko
"Ako na lang ang bibili"
"Ito iyong pera" sabi ko sabay abot ng pera
Hindi naman tinanggap ni James ang pera at ngumiti lang siya.
"Dito ka muna sa gilid ng kalsada" sabi ni James
Tumango naman ako bilang sagot.
Tumawid na si James hanggang makarating doon sa tindahan ng mineral water. Na makabili si James ay agad naman siya tumawid.
Napansin ko na may motor na sobrang bilis magpatakbo.
Iyong kanina na motor, iyong untik na ako mabangga.
"May motor, James" sabi ko
Na tumingin si James agad naman ito tumalsik sa sobrang bilis nag-pagtakbo ng motor.
BINABASA MO ANG
A Simple Girl Like a Flower
Fiksi Remaja[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...