Belle POV
"Kung hindi ka lang sana dumating buhay prinsesa na ako" ngising sabi ni Alteyah habang nakatingin sa 'kin
"Bakit ang kakambal ko ang iyong sinisisi? Kasalanan mo kasi nakikisama ka sa may pamilya na may pamilya"
"Kanina mo pa inuubos ang pasensya ko" galit na sabi ni Alteyah
Banggg
"Sh*t" mura ni Arian
Agad naman tinakpan ni Arian ang dugo na nasa braso niya.
"Ano ba ang problema mo?" Sigaw ni Arian
"Ikaw ang problema ko, masyado kang madaldal"
"Magaling, anak"
Lumingon naman kami sa nagsalita.
Si Tito Marcus at si
"Stella" sabi ko
"Bitawan niyo ako" luhang sabi ni Stella
Mahigpit ang hawak ng dalawang tauhan kay Stella.
"Belle" sabi ni Stella na magkatapat kami
"Bitiwan mo siya" sabi ko
"Sa isang kondisyon" sabi ni Tito
"Pirmahin mo muna ito" dagdag niyang sabi
"Ano iyan?" Tanong ko
"Mga papeles na binibigay mo sa 'min ang mga mana mo"
"Pipirmahan mo o papatayin ko ang kaibigan mo?"
Agad naman tinutukan ni Tito si Stella ng baril sa ulo.
"Pipirmahin ko"
Kinuha ko ang ballpen at aakmang pipirma na meroong nagsalita.
"Walang kikilos"
"Dahan-dahan ibaba ang mga baril na hawak ninyo"
"Humarap kayo dito"
Sinunod naman namin ang sinabi niya.
Napansin ko na napapalibutan kami at nakatutok sa 'min ang mga baril na hawak nila.
Sino ba sila? Kakampi namin sila o kaaway din?
Ang suot nila ay kulay gray.
"Asawa ko" tawag sa 'kin ni Raf
Lumingon naman ako sa kanya.
Nakita ko na kasunod niya ang mga nakasuot na naka-all white.
Ang pinagtataka ko ay bakit hindi rin sila tinutukan ng baril?
Tumingin ako sa babae na naka-usap namin.
"Pumunta kayo dito Belle, Stella at Arian" utos na nagsalita kanina
Bakit niya kami kilala?
Pumunta kami sa pwesto nila at niyakap naman ako ni Raf.
"Sino ka?" Tanong ni Tito
Inalis ko na ang pagkayakap kay Raf at tumingin sa kanila.
"Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko?" Tanong ni Tito
"Isa kang kriminal, bakit ko sasagutin ang tanong mo?"
Bigla naman natahimik ang paligid.
BINABASA MO ANG
A Simple Girl Like a Flower
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...