Epilogue

141 18 0
                                    

Belle POV

Pagkasabi ni Arian na nawawala daw si Raf agad naman ako pumunta sa kwarto.

Umupo sa sofa at binuksan ang t.v para maglibang.

Bakit ngayon niya lang sa 'kin sinabi ito?

Tok tok

Pumasok sina Dad at Mom sa loob ng kwarto ko.

Napansin ko na mukhang aalis sila dahil maganda ang suot nila.

"Aalis kami ng Daddy mo" paalam ni Mom

"Saan po kayo pupunta?"

"May date kami ng Mommy mo" ngiting sabi ni Dad

"Kailan po kayo uuwi?"

Nagkatinginan naman sina Dad sa tanong ko.

"Dipende anak, kung mag-eenjoy kami doon sa pupuntahan namin" sabi ni Mom

"Huwag kang mag-alala anak, matitiyak ko na magkikita mo kami" ngiting sabi ni Dad

"Iiwan niyo po ako dito" ngusong sabi ko

"Nandito naman ang kakambal mo" sabi ni Dad

"Nakapag-paalam na rin kami kay Arian" sabi ni Mom

Kiniss nina Mom at Dad ang noo ko bago sila lumabas ng kwarto.

Habang nanonood napansin ko na may pumasok sa kwarto ko.

Nakita ko si Arian na may hawak na popcorn, juice at gatas. Nilapag niya ito sa center table at umupo sa aking tabi.

"Kain na"

"Galit ka ba sa 'kin? Dahil hindi ko agad sinabi sa 'yo ang tungkol kay Raf"

"Pasensya na, ayoko lang na mag-alala ka"

"Hinahanap ko rin kasi si Raf, kaya lang ang buong akala ko mahahanap ko agad siya"

"I'm sorry, kambal"

Hindi pa rin ako kumikibo sa kanya nanatili lang ako nakatingin sa t.v.

"Para hindi sumama ang loob mo"

"May maganda akong sasabihin sa 'yo"

Lumingon naman ako sa kanya. 

"Hindi arrange marriage ang kasal ninyo ni Raf"

"Paano mo na sabi?" Takang tanong ko

"Inalam ko syempre"

"Alam kong magagalit ka sa 'kin dahil naglihim ako tungkol sa pagkawala ni Raf"

"Kaya kumuha ako na magandang balita para hindi ka magalit sa 'kin"

May pinakita siyang picture sa cellphone.

Ito iyong pinirmahan namin ni Raf.

"Itong pinakita ko sa 'yo ay peke"

"Paano mo na sabi?" Takang tanong ko

"Walang form na may liquid eraser at xerox"

"Tingnan mong mabuti iyong nasa taas"

Napansin ko nga na may liquid eraser iyong kung saan nakasulat ang ARRANGE MARRIAGE.

"Tinakpan nila ang totoo na nakasulat diyan"

May pinakita siyang isa pang picture.

"Dalawang form ang pinirmahan ninyo ni Raf di ba?"

A Simple Girl Like a FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon