Timeline: 2021
Belle POV
"Nandito na rin tayo sa Cavite" ngiting sabi ni Stella
"Na miss ko dito" ngiting sabi ko habang nakatingin sa paligid
"Sus! miss ka ba?" Asar na sabi ni Jane
"Ewan ko sa 'yo" sabi ko
Tumingin ako kay Reign. Na nagsundo sa 'min sa Pampanga.
"Salamat Reign, sa pagsundo sa 'min" sabi ko
Sinundo niya kasi kami ni Stella sa Pampanga at kasama niya sa pagsundo sa 'min si Jane.
Para tipid sa pamasahe.
"Wala iyon, basta para sa mal ko" kindat na sabi ni Reign
Nakita ko na biglang tumaas ang kilay ni Stella.
"Ang landi niyo" sabi ni Stella
"Inggit ka lang" asar na sabi ni Jane
"Hay! Bumalik tayo sa Cavite na hindi kasama si Alice" malungkot na sabi ko
"Nasaan na kaya si Alice? Isang taon na natin siya hindi nakikita. Wala pa rin tayong communication sa kanya" sabi ni Stella
"Hindi man lang pumunta si Alice sa kasal namin ni Reign" ngusong sabi ni Jane
"May communication ka ba kay Alice? Jane" tanong ko
"Wala, simula na bigla na lang siya nawala na parang bula"
"Baka busy lang si Alice sa mga business nila at business niya" sabi ni Reign
"Pumasok muna tayo sa bahay" sabi ko
Pumasok na kami sa bahay.
"Maupo muna kayo" sabi ko
"Ikukuha ko kayo ng maiinom" dagdag ko
Pumunta na ako sa kusina para magtimpla ng juice, kumuha din ako ng cookies at dinala na rin sa kanila.
Nilapag ko sa lamesa at umupo sa tabi ni Stella at katapat namin ang mag-asawa na sina Jane at Reign.
"Dito muna kayo matulog para makapag-pahinga na kayo" sabi ko
"Sigurado ka?" Tanong ni Jane
"Oo, wala naman akong kasama nasa tagaytay sina Mama, Papa at Prince" sabi ko
"Dito muna kami" sabi ni Jane
"Isa lang ang kwarto namin para sa bisita. Tabi na lang tayo Stella" sabi ko
"Sige" sabi ni Stella habang ngumunguya ng cookies
Cringg
Nag-katinginan kaming apat.
Kinuha ni Reign ang cellphone niya at sinagot niya ito.
"Hello"
"AC"
Tumingin naman ako kay Stella na naka-ngiti.
Narinig lang ang pangalan ni AC nabuhayan na. Iba talaga ang inspirasyon.
"Talaga? Sige salamat AC"
"Bakit?"
"Bawal pumunta doon?"
"Ganoon ba kakausapin ko si Thun kung pwede"
BINABASA MO ANG
A Simple Girl Like a Flower
Fiksi Remaja[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...