Belle POV
"L. Q kayo ni Raf?" Tanong ni Jane
Katatapos lang namin mag-hapunan dito sa bahay nina Daddy.
Ngayon ay nandito kami sa isang kwarto.
Balak kasi namin na matulog sa iisang kwarto para makapag-kwentuhan na rin.
Nasa kanyang-kanya kwarto na rin sila Mommy.
"Kanina pa kayo hindi nag-uusap bago tayo makarating dito" sabi ni Stella
"Hindi ko alam sa kanya"
"Gusto lang magpalambing ni Raf" ngiting sabi ni Stella
"Baka may problema ang asawa mo" sabi ni Jane
"Ano naman ang problema niya?" Tanong ko
"Bakit mo sa 'kin tinatanong ako ba ang asawa mo? Pino-problema niya siguro kung bakit ang pangit ng asawa niya?"
"Coming from you! Jane" sabi ko
"Sus! Parehas lang naman kayong pangit" birong sabi ni Stella
"Wow ha! Pangit ka din naman, hindi ka pinapansin ng crush mo" sabi ni Jane
"Maganda ako"
"Talaga lang Stella, bakit hindi ka pinapansin ng crush mo?" Ngising sabi ni Jane
"Kasi..kasi pakipot lang iyon"
"Hahahaha" tawang sabi ni Jane
"Narinig mo ang sinabi ng kaibigan natin, pakipot daw si AC" sabi ni Jane sa 'kin
"Kawawa ka naman Stella"
"Ewan ko sa inyo" pikon na sabi ni Stella
"Ayos lang maging pangit basta meroon nagmamahal na totoo sa 'min"
"Apir, Belle"
Agad naman kami nag-apir ni Jane.
"Kung hindi lang kayo buntis, babatuhin ko kayo ng unan" inis na sabi ni Stella
"Sa ating apat, si Alice ang maganda sa 'tin"
"Paano mo na sabi?" Takang tanong ko
"Oo nga" sang-ayon ni Stella
"May gusto sina Thunder at AC kay Alice"
"Kwento mo sa pwet ko" inis na sabi ni Stella
"Totoo iyong sinabi ko, sinabi sa 'kin ni Reign" sabi ni Jane
"Kaya pala ang bilis pumayag ng lalaking iyon sa sinasabi ni Alice"
"Kung nandito lang siguro si Alice, matagal na siyang nililigawan ni AC"
"Imposible" sabi ni Jane
"Bakit naman imposible?" Sabay na tanong namin ni Stella
"Dahil si Alice para kay Thunder"
"Kaya imposible iyang sinasabi mo"
"Walang balak ligawan ni AC si Alice"
"Mabuti naman" sabi ni Stella
"Hmm, Paano kung naisipan ni AC na ligawan si Alice? Anong gagawin mo?" Tanong ko
"Susuportahan ko si AC kay Alice"
![](https://img.wattpad.com/cover/211107812-288-k835720.jpg)
BINABASA MO ANG
A Simple Girl Like a Flower
Ficção Adolescente[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...