Chapter. 8

87 22 0
                                    

Belle POV

Nandito na kami sa loob ng hotel at naglalakad papunta sa

Saan ba kami pupunta?

"Sa tingin ko naliligaw na tayo dito" sabi ni Mama habang nakatingin sa paligid

"Akala ko ba ay natandaan mo kung saan" sabi ni Papa

"Nakalimutan ko na" sabi ni Mama

"Ngayon mo lang sinabi, kanina pa tayo lakad ng lakad" sabi ni Papa

Lumapit si Prince sa isang lalaki at lumapit sa 'min si Prince.

"Alam ko na po kung saan" sabi ni Prince

Nagsimula na kami mag-lakad hanggang makarating kami sa isang pintuan. Agad naman ito binuksan ni Papa at pumasok na kami sa loob.

Halos mamangha ako sa ganda ng paligid.

"Nandito na pala kayo" sabi ng isang dalagang babae

"Pasensya na kung ngayon lang kami sa katunayan ay nakalimutan ko kung saan" sabi ni Mama

"Ayos lang hindi naman kami nainip"

Sumunod kami sa kanya. Pinaupo kami sa upuan at sa harap ng upuan ay madaming pagkain.

Napalunok naman ako sa sobrang pagkatakam.

"Ikaw ba si Belle Aries?" Tanong ng isang binata

"Ako nga po" sagot ko

"Wala pa ang anak ko" sabi ng nakausap namin

Kung ganoon ay may anak na pala siya. Hindi halata, ang buong akala ko ay dalaga siya.

"Nandiyan na ang anak ko" sabi ng isang lalaki

Tumingin naman sila Mama sa likod samantala ako ay nakatungo at nakatingin sa cellphone.

Naramdaman ko na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Napansin ko na may nakatayo sa harap ko. Inangat ko ang pangin ko para makita kung sino siya.

"Raf"

"Belle"

Sabay na sabi namin ni Raf.

Si Raf ang ipapakasal sa 'kin.

"Mabuti naman ay magkakilala kayo" ngiting sabi ng Mother ni Raf

Umupo na si Raf sa harap ko.

"Kaibigan siya ni Alice at magka-klase kami" sabi ni Raf

"Nasabi na ba sa 'yo ng parents mo iyong tungkol sa arrange marriage?" Tanong sa 'kin ng Father ni Raf

"Opo" sagot ko

"Bago kumain hayaan mo kami magpakilala sa iyo Iha" ngiting sabi ng Father ni Raf

"Raven Santos ang Kuya ni Rafael"

"Rachel Santos ang Mommy ni Raf"

"Russel Santos ang Daddy ni Raf"

"Ikinagagalak ko po kayong makilala" ngiting sabi ko

Tumingin naman ako kay Raf.

"Kumain na tayo" sabi ni Tita Rachel

Nag-umpisa na kami kumain.

Ilang minuto ang nakalipas natapos na rin kami kumain.

Ngayon ay naglalakad kami papunta sa

A Simple Girl Like a FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon