Chapter. 15

90 23 0
                                    

Belle POV

Apat na buwan na ang nakalipas at ngayon ay tatlo buwan na simula na magsimula ang klase.

Bago makarating sa harap ng school ay pinahinto ko kay Raf ang kotse at bumaba. Pinaandar na ni Raf ang kotse habang ako ay naglalakad na may earphone na gamit.

Ganoon palagi ang ginagawa namin para hindi nila malaman na ako ang asawa ni Raf.

Na makarating sa harap ng school ay pumasok na agad ako. Dumiretso ako sa aming classroom. Nakita ko naka-upo na sina Jane at Stella sa pwesto namin.

Tumingin ako kay Raf na ang katabi ay sina James at Thomas. Umupo na ako sa gilid ni Stella katabi ng bintana.

"Miss ko na si Alice" bulong ni Sella

"Miss ko na rin" sabi ko

"Pa share-it naman ako" sabi ni Jane

"Ano kanta?" Takang tanong ni Stella

"Loko! Ano ang pinag-uusapan ninyo?"

"Na ang ganda mo kapag buntis" sabi ko

Apat na buwan, na buntis si Jane. Hindi sana siya papasukin ng asawa niya dahil nga buntis kaya lang nagpupumilit si buntis. Kaya walang nagawa si Reign kundi ang pumayag.

"Na ang seksi mo lalo kapag buntis" ngising sabi ni Stella

"I know right" sabi ni Jane tapos flip ng hair

"Landede" natatawang sabi ni Stella

"Ipakita ko pa sa 'yo" taas na kilay sabi ni Jane

"Palibhasa dalawa ang likod mo" ngising sabi ni Jane

"Ha.ha.ha, nakakatawa" inis na sabi ni Stella

"Pikon" natatawang sabi ni Jane

Hindi na lang ako nakisali sa usapan nila. Sumandal na lang ako sa bintana habang naka-soundtrip.

Nakaramdam ako ng pagkahilo at parang masusuka ako. Tinanggal ko ang earphone at dali-dali lumabas ng classroom, dumiretso ako sa C. R. Pumasok ako sa cubicle at doon sumuka.

Ano ba ang nangyayari sa 'kin? Tatlong buwan na ako hindi dinadatnan. Pansin ko ang paglakas ko kumain at sa pagtulog.

Hindi kaya may sakit na ako.

Napansin ko na tumutulo ang luha ko. Agad ako umiling na para ba mali ang iniisip ko.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo na nasa bulsa ko.

Paglabas ko ng cubicle nakita ko sina Jane at Stella na hinihintay ako.

"Ayos ka lang?" Alalang tanong ni Stella

Lumingon naman ako sa may pintuan at nakita ko na nandoon si Raf.

"Oo" sabi ko

"Bakit bigla ka lumabas ng classroom?" Takang tanong ni Jane

"Natatae kasi ako"

"Maghugas ka ng kamay" nandidiring sabi ni Stella

"Baliw! Hindi lumabas ang tae ko" natatawang sabi ko

Napansin ko na wala na si Raf sa pintuan.

"Nag-alala iyon sa 'yo" tukoy ni Jane kay Raf

Ngumiti naman ako at lumabas na kami ng C. R para bumalik nasa classroom.

Nakahinga naman kaming tatlo dahil wala pang ang professor namin.

A Simple Girl Like a FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon