"Dad, may gusto kumausap sa 'yo" sabi ng anak ko na makapasok sa pinto
"Bakit nandito ka?" Takang tanong ko
Lumapit ang anak ko sa table at nilapag ang hawak niya.
Isang envelope.
Agad ko naman ito binuksan. Mga papeles.
Napangiti naman ako sa sobrang tuwa.
"Nakapangalan na sa 'kin ang ilang mga kompanya at negosyo" ngiting sabi ng aking anak
"Labis akong natutuwa sa 'yo dahil alam kong hindi mo ako binibigo" ngiting sabi ko
"Hindi ko magagawa na biguin kayo, Dad"
"Tatawagin ko na iyong gusto makausap sa inyo"
Lumabas ang aking anak at mga ilang segundo ay kasunod na niya ang isang lalaki.
"Boss"
Umupo naman ang anak ko malapit sa harap ng table ko.
"Good news?" Tanong ko
"Bad news po, Boss"
"Gusto ko malaman, bakit bad news?"
"Napag-alaman ko na kakambal ang anak nina Marelinda at Allan Ayala"
"Ano?" Napatayo naman ako sa gulat
"Paanong nangyari iyon? Kung ganoon ay sino ang pinatay ninyo?" Tanong ko
"Hindi po namin alam Boss, kung sino sa kanilang dalawa ang pinatay namin"
"Noong pinatay po namin ang isang babae, may tumakbo ng isang babae at agad naman namin ito hinabol kaso nabangga ang batang babae na hinahabol namin"
"Ibig sabihin may nakakita sa inyo sa krimen na ginawa ninyo?" Sigaw ko
"Opo, Boss"
"Hanapin niyo ang kung sino ang batang iyon at patayin niyo na" utos ko
"Masusunod Boss"
Lumabas na ang tauhan ko at naiwan kami ng anak ko dito sa loob.
"Aalamin ko kung sino ang pinatay ng mga tauhan ninyo, Dad"
"Mabuti pa nga" sabi ko
"Ako na rin ang maghahanap sa batang nakakita ng krimen na iyon"
"Kaya mo?" Tanong ko
"Ako pa, nagmana ako sa 'yo Dad"
"Umuwi ka na sa inyo" utos ko sa anak ko
"Dito muna ako, naiinip ako sa bahay"
"Bakit hindi mo na lang ubusin ang pera nila?" Ngising sabi ko
"Bilhin mo kung ano ang gusto mo" dagdag kong sabi
Napangisi naman ang aking anak sa sinabi ko. Agad naman siya tumayo.
"Bye Dad"
"Kukuha na lang ako ng pera at ibibigay sa 'yo"
Ngumiti naman siya at lumabas na ng silid.
Umupo na ako sa office chair. Habang nakataas ang paa ko sa ibabaw ng table.
Sino kaya ang pinatay ng mga tauhan ko? Hindi ko akalain na kambal pala ang pinag-bubuntis ni Linda.
BINABASA MO ANG
A Simple Girl Like a Flower
Genç Kurgu[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...