Belle POV
Nandito na kami sa dati namin bahay. Naka-pwesto na rin ang mga tauhan at tauhan ni Arian.
Nasa gitna ng gubat ang dati naming bahay at wala pang mga kabitbahay.
"Nasaan si Alteyah?"
"Nasa kwarto, nakakulong" sagot ni Arian
"Maghanda na tayo" sabi ko
Pumunta kami ni Raf sa 2nd floor at tanaw namin ang sala dito.
Kinuha na rin ni Arian si Alteyah sa kwarto.
Narinig namin ang tunog ng mga sasakyan nila. Yumuko kami ni Raf para hindi kami makita.
"Nagkita rin tayo, Ariabelle Ayala"
"Dad, tulong" sigaw ni Alteyah
"Tito Marcus ikinagagalak ko ang makita ka muli"
"Anong muli? Ito ang unang beses na magkita tayo" takang tanong ni Tito Marcus
"Hindi 'to ang unang beses na magkita tayo, nakalimutan mo na ba?"
"Ang una kong nakita ay si.." sabi ni Tito na iniisip kung ano ang sasabihin
"Kung ganoon ay ikaw si Arianelle"
"Mismo" sabi ni Arian
"Ako lang naman ang babae na sinunong ng mga tauhan mo sa kulungan ng aso"
"Hindi ka patay" sabi ni Tito
"Hindi"
"Habang may hinahabol ang mga tauhan mo"
"May tumulong sa 'kin, pinatay nila ang apoy at dali-dali akong sinakay sa kotse"
"Sino ang nasa bangin na 'yon?" Takang tanong ni Tito
"Bakit hindi mo tanungin ang mga tauhan mo?"
"Mga inutil kayo" galit na sabi ni Tito
"Dad, tulungan mo ako" sabi ni Alteyah
"Manahimik ka impostor" sigaw ni Arian
"May ipapakilala ako sa 'yo, Tito"
"Dito ka lang, asawa ko" bulong ko kay Raf
Sinuot ko ang hoddie jacket para hindi ako mamukhaan sa taas.
Pababa ako ng pababa sa hagdanan. Inalis ko ang mask, shade at binaba ko ang hood.
"Ikaw si.."
Hindi natapos ang sasabihin ni Tito Marcus na magsalita ako.
"Ako si Maria Ariabelle Walle-Ayala"
Santos.
"Dapat patayin na kita" galit na sabi ni Tito at tinutok ang baril sa 'kin
"Subukan mo, sasaksakin ko ang anak mo" sabi ni Arian
"Bakit ka galit na galit kay Mom?" Tanong ko
"Dahil salot siya"
Salot? Anong salot?
"Kung hindi sana sila dumating sa buhay namin nina Daddy at Mommy"
"Edi! Sana maayos pa ang pamilya namin"
"Kaya pala madalas ko nakikita at naririnig nag-aaway sina Mom at Dad, dahil hindi mahal ni Dad si Mom"
"Ang masakit pa dito, Ang mahal ni Dad ay si Janelle"
BINABASA MO ANG
A Simple Girl Like a Flower
Ficção Adolescente[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...