Halos madapa na sa kakahabol sa papaalis na tricycle ang isang medyo may katabaan na ginang. Nakasuot ng daster at nakapusod ang mahaba nitong buhok. Malakas ang sigaw nito, ultimo mga tambay sa tabi ay napapatakip na lang ng kanilang mga tainga. Mahahalata rin ang mga ugat nito sa leeg na kaunting lakas pa ay parang hindi na nito kakayanin.
"Mavelin! Punyeta! Mavelin, bumaba ka dyan! May kulang ka pang isang daan! Bumaba kang babae ka! Hindi mo ako maaaring takasan!" Pinagduduro niya ang tricycle na ngayon ay nakalayo na.
Huminto na ang ginang dahil kahit ano pang pagtakbo ang gawin niya ay malabo na niyang maabutan ang pakay. "Hoy, Mavelin! Wala ka talagang utang na loob! Pagkatapos ng lahat, lalayasan mo ako tapos hindi pa babayaran! Tanginang buhay 'to!"
Angkas ng tricycle, pikit-mata, taimtim niyang inuulit ang panalanging Angel of God. Alam niyang malayo na siya mula sa boarding house ng kanyang Aling Martha, ngunit rinig na rinig niya pa rin ang malalakas nitong sigaw at malulutong nitong mura.
100 pesos na nga lang kulang ko sa renta, sisingilin pa niya. Hindi ba pwedeng pa-despedida na lang niya 'yon sa 'kin? Kaya walang nagtatagal na boarders, e. Napakaburaot at napakasungit. Buti nga nakatiis ako ng ilang taon sa kanya.
"Hija, maglalayas ka ba?" Awtomatikong napamulat at napalingon ang dalaga sa driver. Nasa trenta anyos na ito, may bigote at may nunal sa kanang pisngi.
"Hindi ko naman po siya kaano-ano kaya hindi po paglalayas ang tawag dito, manong." Paliwanag ni Mavelin bago bumuntong-hininga.
Pareho na lamang silang nanahimik matapos no'n. Habang binabagtas ng sasakyan ang daang palabas sa bayang iyon, may kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Aminin man niya o hindi, alam niya sa sarili niyang mami-miss niya ang mga naiwan niya.
★☆
1 month ago."Mavel, gising! Nandyan na si Sir Carbonel sa corridor! Talakan ka na naman! Hoy, gumising ka na!" Ramdam ni Mavelin ang malakas na hampas sa braso niya ng kanyang seatmate kaya't agad siyang bumangon at umayos ng upo.
BINABASA MO ANG
With You, My Milky Way
Short StoryMavelin Silverio decided to leave her hometown and live in a place that is far more different from what she used to live in. As she stepped on the land of Galak, her life is definitely not the same anymore. Meeting Toni Velarde and being with him wa...