Chapter 3: That Strong Independent Guy

97 28 64
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi, pogi!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hi, pogi!"

Para sa pagkain. Para sa pagkain.

Hindi kasama sa plano niyang purihin ang kaharap ngunit mas mainam na siguro 'yon. Isa pa, aminin man niya o hindi ay talaga namang totoo ang tinuran niya.

Hindi siya pinansin ng lalaki kahit na narinig nito iyon, nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa.

Demonyong lalaking 'to. Ang lakas kaya ng boses ko. Magdadamot pa talaga siya?

"Alam mo ba, ser, ang pogi mo pala sa malapitan. Medj hindi ko kasi napansin kanina pero legit ang pogi mo talaga. Lalo na ngayon!" Nakangiting wika ni Mavelin habang nakaupo ngayon sa maleta niya at pinagmamasdan ang mga iniihaw ng lalaki.

Okay? Sumobra ka ata, Mavel. Baka lumaki ulo niyan.

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi pa rin siya nilingon ng lalaki. Palihim itong napangisi. Sa galawan ng dalaga ay alam na niya agad ang pakay nito.

Shuta? Hindi pa rin effective? Step 3 na ba agad? Iniinis niya ako, e! Ani Mavelin sa isipan.

"Ser, baka naman maisipan mong pansinin ako? Alam mo kasi buong araw akong hindi kumain. Beke nemen?" Ginawa niya ang pinakanakakaawang tono ng boses niya with matching sad facial expression pa, ngunit sa kasamaang palad ay hindi man lamang lumingon ang kausap.

"Ser, wala ka bang puso? Okay, sige meron ka ngang puso pero wala kang konsensya! Sige na, oh! Kahit isang hotdog lang! Ipagdadamot pa kasi!" Ani Mavelin na hindi na napigilan ang naiinis niyang tono. Napatayo pa siya kaya't natumba ang maleta niya.

"Gusto mo ng hotdog?" Sa wakas ay lumingon na sa kanya ang lalaki.

"Hotdog mo? Oo namanーwait what? I meanーa-ano kasi pahingi kahit isang hotdog lang." My goodness. Anong iniisip mo, Mavel!?

Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngisi ng lalaki. Tumikhim ito para kunin ang atensyon ni Mavelin. "Bakit ka humihingi? Wala ka bang dala? Sinong matinong tao ang pupunta sa ganitong lugar na hindi prepared?" Lumingon ito sa dalaga, nakataas ang isang kilay.

With You, My Milky WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon