Chapter 14: Tripping, Dropping Things, and Twitches

60 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"In the universe, you are the milky way galaxy and I am the earth

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"In the universe, you are the milky way galaxy and I am the earth. I live in you. Waitㅡno, scratch that. I live for you."

Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin, kapag mas tumagal pa ang titig niya sa akin habang nakangiti ay mababaliw na ako sa kilig. Shuta, bakit ba siya ganyan!?

"I think I delivered that line pretty well." Napahagalpak na lang siya sa kakatawa bago umupo ulit sa tabi ko.

"Tangina? Joke lang 'yon!?" Hindi makapaniwalang sumbat ko.

Nakakainis! Pinaglalaruan ba niya feelings ko!? Aba, hindi pwede 'to! Muntik na akong maniwala!

"Bakit parang dismayado ka?" Tinawanan ulit niya ako.

Aba, punyeta nang-iinis talaga siya oh! Tapos kairita lalo kasi yung tawa niya parang windshield wiper!

Agad na lang akong tumayo at nagtungo na papasok sa tent ko. Bahala siya dyan! Bwiset siya.

"Hoy, Silverio! It's not 3 AM yet! Who would clean the mess? Tatakasan mo pa 'ko!" Natatawang sigaw pa niya pero hindi naman niya ako sinundan. Nakaupo pa rin siya ro'n.

"Leche! Ewan ko sayo! Matutulog na 'ko!" Sabat ko bago tuluyan nang pumasok sa tent ko.

☆★

Ala-onse na ako nagising at hindi pa talaga ako magigising kung hindi pa yuyugyugin ni Toni ang tent ko. Mabilis kaming nagbihis at agad na ring bumaba ng burol tapos dumiretso sa sasakyan niya. Pumunta muna kami sa bayan para kumain tsaka namin sinimulan ang paghahanap ulit ng bahay na marerentahan.

"Limang libo buwan-buwan. Kasama na doon ang tubig at kuryente. Malinis ang bahay kaso nga lang hindi pa kumpleto sa gamit. Ano? Kukunin mo pa rin ba?" Masungit na tanong ng landlady.

Lumingon ako kay Toni. "Okay na 'to," sabi ko sa kanya.

"This place is too small, Silverio. Mas malawak pa nga ata bahay ng aso nila oh." Sabi niya sabay turo doon sa bahay ng aso ng landlady na katapat ng bahay na rerentahan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With You, My Milky WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon