Chapter 2: The Hill, The Water Bottle, and That Man

116 27 74
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tama, bakasyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tama, bakasyon. Bakasyon ang isipin mo ngayon, Mavel." Pagmo-monologo ng dalaga matapos niyang makababa ng bus.

Maaliwalas ang paligid. Presko ang simoy ng hangin. Galak ang makikita sa mga mukha ng madlang kanyang nakikita. Tama nga ang nalaman niya, bayan ito ng kaligayahan. Ibang-iba ito sa bayang kinasanayan niya. Ibang-iba ito kumpara sa bayan kung saan siya lumaki at nagka-isip.

"Aray! Punyeㅡ" pagdaing ni Mavelin dahil sa naramdamang sakit sa kanyang balikat. May bigla na lamang kasing sumagi sa kanya. Natumba tuloy ang kanyang maleta.

Inilibot niya ang tingin sa paligid ngunit hindi niya matukoy kung sino sa mga taong bumaba ng bus ang nakasagi sa kanya. Bumuntong-hininga na lamang siya at dinedma ang nangyari. Itinayo niya ang kanyang maleta at hinawakan nang mahigpit ang strap ng kanyang backpack bago muli bumuntong-hininga.

"Dito ka maghahanap ng bagong tirahan, trabaho at kaibigan. Dito ka magpapatuloy ng kolehiyo kung sakaling papalarin ka. Dito ka mag-aasawa at dito ka na rin magkaka-anak kaya umayos ka. Umayos ka, Mavel." Wika muli niya sa sarili bago napagpasyahang pumunta patungo sa mga kainang nagkalat sa paligid.

"Maligayang pagdating sa Bayan ng Galak, hija! Anong putahe ang gusto mo?" Abot-tainga ang ngiti ng isang ale habang nag-aabang ng kanyang order.

Wala nga pala akong extra na pera. Malas na buhay, oh. Hala sige, mag-diet ka muna, Mavel.

"Pabili po ng tubig, ate."

"Bente-singko ang tubig, hija." Medyo dismayadong tugon ng ale dahil hindi pala kakain sa karinderya niya ang dalaga.

"Ang mahal naman. Tinunaw na ginto ba ang tubig nila rito?" Mahinang reklamo ni Mavelin na sa kasamaang palad ay narinig pala ng ale.

"Ang hirap pumeke ng ngiti, hija. Lumayas ka sa harap ko kung wala kang pera. Tangina nito." Napangiwi pa ito bago umirap.

Tinalikuran siya ng ale at ibinaling na lamang ang atensyon sa mga bagong dating. Napangiti muli ito nang maglabas ng wallet ang mga costumer.

Bayan ng Galak pala, ah?

With You, My Milky WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon