Sinilip ko muli sa huling pagkakataon ang mukha ko sa malaking salamin bago ako nagtungo sa may pinto at pinagbuksan si Toni. Halos mahulog sa sahig ang panga ko nang makitang nakabihis na siya.
Ang exaggerated pala ng halos mahulog ang panga. Basta na-shock ako, 'yon na 'yon!
"Nakabihis ka na! Aalis na ba tayo?" Sabi ko pa pero natawa lang siya.
Bathrobe lang suot ko ngayon. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya naman agad akong napayakap sa sarili ko.
Pumasok si Toni at umupo sa kama bago humiga. Iyong mga braso niya ginawa niyang unan. Tapos pumikit siya.
"How's the experience with the jacuzzi?" Tanong niya, nakahiga at nakapikit pa rin.
"O-okay lang, nakaka-relax. Feeling ko naging mayaman ako for less than an hour. E, ikaw? Anong feeling?" Sabi ko naman, nakatayo pa rin ako sa gilid habang yakap-yakap ang sarili ko.
"Except for the burning sensation, I guess I feel fine." Umayos na siya ng upo at tumingin sa akin.
Nakangiti na naman si Toni. Nilalandi na naman ako ng dimples, kilay, at mata niya.
Simpleng black t-shirt at pantalon lang naman suot niya pero ba't gano'n? Bakit parang close to perfection? Bakit ang pogi? Ano siya? Greek god? Hala sige, baka matunaw si Toni sa mga titig mo, self!
Para siyang boyfriend material, pero parang mas bet ko ata ang daddy material? Char lang!
Pero, I believe, jokes are half meant.
Char lang talaga, hoy!
"Magbihis ka na. May pupuntahan pa tayo." Sabi pa niya bago tumayo at dumiretso na sa pintuan.
"Saan?" Tanong ko naman.
"Sa mall. Let's buy some clothes, foods, anything."
"Oh! I remember that you have some canvas, paints, and paintbrushes sa maleta mo. You wouldn't bring those with you kung hindi ka artist, right? Why don't we buy some art materials kapalit ng nawala mong mga gamit? I want to see you paint. I'm pretty sure you're good at it." Ngumiti ulit siya bago tuluyang lumabas at isinara na ang pinto.
BINABASA MO ANG
With You, My Milky Way
Short StoryMavelin Silverio decided to leave her hometown and live in a place that is far more different from what she used to live in. As she stepped on the land of Galak, her life is definitely not the same anymore. Meeting Toni Velarde and being with him wa...