Kasalukuyang nagu-umagahan ang dalawa sa isang fast-food chain sa bayan. Magkatapat, kapwa umiinom ng mainit na tsokolate. Sobrang tahimik ni walang balak magsalita. Hanggang sa biglaang napaubo si Mavelin at naalerto naman si Toni kaya't agad siyang napatayo at nilapitan ang kasama."You okay?" Anito matapos niyang mapainom ng tubig si Mavelin at mapunasan ng tissue ang natapong hot chocolate sa mesa.
"Oo, okay na. Ang tamis naman kasi masyado. Tapos ang init pa. Napaso tuloy ako." Sabi pa ni Mavelin kaya't napatingin si Toni sa nguso ng dalaga na namumula na ngayon.
Bumalik na ang lalaki sa kanyang upuan nang makitang ayos lang naman ang kasama. "Of course, it is. They wouldn't call it hot chocolate if it's cold." Sabi pa nito bago kumagat sa kanyang burger.
Ilang segundong napatulala si Mavelin, nakatitig lang sa kumakaing si Toni. Hanggang sa bigla na lamang siyang napangiti. "Uhm... Toni, hindi ka na ba galit?" Nahihiyang aniya, napayuko pa.
Natigilan naman si Toni sa pagnguya at napalingon sa kaharap. Bago magsalita ay nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga. "You read it, don't you?"
"Toni... sorry na talaga. Hindi ko na uulitin makialam ng gamitー"
Hindi na natapos sa sasabihin niya ang dalaga dahil mabilis na sumabat si Toni. "It's fine. Okay na. Dapat galit ako pero hindi ko alam, bigla kasing nawala." Mahina pa itong natawa bago pinisil ang ilong ni Mavelin.
Kunot-noo, napahawak si Mavelin sa ilong niya. Hindi siya nasaktan dahil hindi naman masakit ang ginawa ng lalaki. Umayos na lang ulit siya ng upo bago nilingon muli ang kaharap.
"Pero... Toni, curious lang ako. Bakit ka gumawa ng bucket list mo? Sa mga napapanood ko kasi kapag may gano'n sila malapit na mamatayㅡ"
Pinutol muli siya ng lalaki. "Bakit ba palagi mong binabase sa mga napapanood mo ang mga bagay-bagay? Not all the things that can be seen in the movies are true. Hango man sa reality pero maraming binabago, hindi lahat pinapakita."
"And about the bucket list... for me, it is a must-have. If I accomplished all those things that are listed, then I would be very happy. Besides, it's my life so I can do whatever I want." Dagdag pa niya bago uminom muli sa kanyang hot chocolate.
BINABASA MO ANG
With You, My Milky Way
Short StoryMavelin Silverio decided to leave her hometown and live in a place that is far more different from what she used to live in. As she stepped on the land of Galak, her life is definitely not the same anymore. Meeting Toni Velarde and being with him wa...