Mag-camp or mag-homestay, iyan ang dalawang option. Pinili naminーeste nila ang homestay para less hassle tsaka makapag-prepare daw kaming lahat nang maayos para sa trek. Masasabi kong keri naman kasi very comfortable dito sa loob. May mga saksakan din para makapag-charge ng phones. May banyo pa for male and female. Tapos legit ang sarap ng mga inihandang pagkain ng tagaluto namin dito sa homestay.
After naming mag-lunch ay pinili ko na lang na matulog. Gano'n din naman si Toni. Tabi pa nga kami sa taas ng double deck at wala naman daw malisya kasi nga younger sister nga raw niya ako. Ampota 'di ba.
Tapos sa baba namin ay sina Josh at Justin. Sa kabilang bed ay 'yong dalawang boys na Mario at Luigi pala ang pangalan. Magkapatid sila at gaya namin ay joiner din. Pinili ko talaga rito para malayo sa mga mahaharot. Nasa kabilang kwarto kasi sila. Medj naaawa nga ako kay Dereck kasi mag-isa niyang lalaki tapos ang ingay pa ng girlfriend niya at ng dalawang bruha.
Nang magising ako ay alas-singko na nang tumingin ako sa phone ko. Mag-isa ko na lang pala rito sa kwarto. Bumaba ako ng double deck at lumabas. Dumiretso ako sa harapan at doon bumungad sa akin ang napakagandang sunset. Umupo ako sa mahabang kahoy na upuan.
Sa 'di kalayuan naman ay doon ko na nakita sina Toni at 'yong tatlong mahaharot. Siga, gandang bungad.
Hawak-hawak ngayon ni Toni 'yong DSLR niya at kinukuhanan niya ng litrato 'yong mga bruha. Kunwari candid shot pero scripted naman.
Turn na ngayon ni Rachel para sa solo shot kaya humiwalay 'yong dalawa at lumapit kay Toni. Umaawra na ngayon si Rachel at nagtatawanan naman sina Daniella at Chelsea sa tabi ni Toni. Mas nilakasan pa nila 'yong nakakarindi nilang tawa habang pasimple rin nilang kinukunan ng stolen shots si Toni sa phones nila.
Parang gustong manabunot ng mga kamay ko.
"Mavelin, right?"
Nagulat ako sa biglang nagsalita kaya napalingon ako sa taong katabi ko na pala ngayon. Nakaupo sa tabi ko si Dereck habang pinagmamasdan din sila Toni.
"Nagsasalita ka pala?" Natatawa kong tanong kasi ngayon lang siya nagsalita.
As in, sa buong biyahe mula Manila ay ngayon ko lang narinig ang speaking voice niya. Natawa naman siya sa sinabi ko pero ang atensyon niya ay nandoon pa rin sa girlfriend niya. Oo, kay Daniella na kasama na si Rachel. Hinaharot nila si Toni ngayon na busy pa rin sa pagpi-picture sa ikalawa niyang model na si Chelsea.
BINABASA MO ANG
With You, My Milky Way
Short StoryMavelin Silverio decided to leave her hometown and live in a place that is far more different from what she used to live in. As she stepped on the land of Galak, her life is definitely not the same anymore. Meeting Toni Velarde and being with him wa...