Mavelin Silverio decided to leave her hometown and live in a place that is far more different from what she used to live in. As she stepped on the land of Galak, her life is definitely not the same anymore.
Meeting Toni Velarde and being with him wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Silverio, gising! Silverio! Bangon na!"
Nagising ako dahil sa boses ni Sir Kilay—este Toni. Akala ko talaga lumilindol na pero inaalog-alog lang pala niya 'yong tent ko. Lakas talaga ng topak! Kitang sarap ng tulog ko, e!
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang pogi niyang mukha na nakasilip sa de-zipper na pinto ng tent. Nako! E, sino ba nagsabing masarap ang tulog ko? Mas masarap titigan si Toni, aba!
Napaupo ako, sumalampak. "Good morning po, Kuya Toni." Sabi ko pa habang naghihikab, kamay sa bunganga.
"Tara sa resort ngayon para maligo. Alam kong wala ka pang ligo, e. Tapos mag-jacuzzi tayo after." Sabi pa niya bago tuluyan nang pumasok sa tent ko.
Nakakaloka itong si Kuya Toni kasi basta-basta na lang siyang pumapasok. Hindi man lang kumakatok, walang pasabi.
Tapos naiilang na naman ako kasi naka-sando lang ako ngayon. Tapos wala akong bra kaya bakat mga kabundukan ko. Pero si Manong Toni, chill lang siya. Parang sobrang gaan masyado ng loob niya sa 'kin.
Tinakpan ko ng kumot ang bumabakat na dalawang tuldok. Teka, ang harsh ko naman sa sarili ko. Pasas, tama. Pasas na lang.
Alam ko namang napalingon siya sa bakat kong pasas kanina pero sa mukha ko na lang siya nakatingin ngayon. Hindi man lang siya naging uncomfortable dahil do'n. Dapat ba ma-offend ako kasi hindi man lang siya nailang o ma-turn on kasi hindi niya ako binastos dahil sa nakita niya?
Bitch, turned on! Sabi ng malanding Mavel na nasa kalooban ko. Grabe, mas lalong nakakailang!
"Ano? Game? I'm going to tell you again, Silverio. We only live once. Let's spend our lives happily and make good memories!" Sabi pa niya. Naka-smile pa rin siya.
Masyado talagang pa-fall 'yong makapal niyang kilay tsaka dimples niya. Isama mo pa 'yong pang-toothpaste commercial na sobrang puti na ngipin niya. Bukod sa physical appearance niya, saan pa kaya ako mamamangha at magugulat?