Chapter XII

339 18 2
                                    

Nabalitaan sa buong lugar nila ang pagkamatay ni Jerry. Hindi makaharap sa mga magulang ng biktima ang president ng Outdoor Activities Committee. Kahit hindi niya kasalanan ang nangyari, pakiramdam niya isa siya sa may kasalanan.

Isinara na muna ang Camp Matthews dahil sa kaso at krimeng naganap nung isang gabi. Bawal ito magpapasok ng kahit sino. Bantay sarado ito ng mga gwardya sa lahat ng sulok nito.

Nakiramay ang buong La Monica Academy sa pagkamatay ni Jerry. Walang sama ng loob ang mga magulang ng biktima sa school staff o campsite staff dahil alam niya na hindi ito ginusto ng kahit sino. Pero hindi nila matanggap ang pagkawala ng anak.

"Uhm.. Audies, di mo ba napapansin?"

"Ang alin, Chels?"

Magkakasama sa iisang table ang apat na magkakaibigan. Si Audrey ay tahimik lang as ever. Si Chelsea ay nagbabasa ng manga ng Detective Conan. Pinagmamasdan naman ni Alvin ang paligid, samantalang nagbabasa ng Divergent ni Kevin.

"Na palaging 2 am ang pagkamatay ng mga biktima."

"Hmm... oo nga 'no. Hindi naman siguro sinasadya di ba?"

"Sana nga. Sana coincidence lang lahat. Kasi kung titignan sa kahit anong anggulo, may pumapatay talaga at hindi aksidente ang lahat."

Napatingin ang dalawa kay Alvin. Seryoso ang tingin nito sa lamesa na tila may iniisip mabuti.

"Uh, pasensya na. Matagal ko na rin kasi pinag-iisipan eh. Si Audrey nga, nagising siya mula sa bangungot niya dati saktong 2 am. Ewan ko lang kung naaalala mo pa."

"Seryoso? Alas dos talaga? Tsaka, oy! Di ako binangungot 'no."

"Oo, uncanny nga para sayo eh."

Natahimik na naman sila. Hindi naman kasi talaga nananaginip si Audrey ng ganun. Usually, mga bagay na seryoso ang napapanaginipan niya. Yung tipong kailangan ng masusing pagdedesisyon.

***

"Dad, bakit ganun? Coincidence lang ba talaga lahat? Eh palagi na lang alas dos ng madaling araw may namamatay eh. Come to think of it, ngayon lang nagkaganito satin. Ewan ko na lang nung mga panahon na hindi pa kami buhay ni Audrey."

"Oo nga, daddy. Bakit nga ba ganun?"

Naghihintay silang dalawa ng sagot mula sa kanilang ama. Seryoso lang ito na parang may inaalala.

"Hindi coincidence. Dati, nung mga bata pa kayo, may ganito na ring sunod-sunod na kaso ng pagkamatay. Hindi nga lang iisa ang time of death. Pero regular yung interval ng pagpatay. Nung una, inakala naming lahat na aksidente o iba-iba ang suspect. Pero hindi, iisa lang siya. Sabi ng mga pulis, isang baliw na babae daw yun. Pero hindi nila nahuli dahil nagpakamatay siya."

May kakaibang takot ang bumalot sa paligid matapos magsalita ng daddy nila. Tahimik lang silang dalawa, parang naghihintay ng susunod pa.

"Hey! Wag kayong ganyan ha, nakakatakot mga tingin niyo."

"Sorry, dad. Gusto lang namin malaman kung isa si mommy sa mga namatay."

Nag-iba ang muka ng daddy nila. Mas naging seryoso ito sa kanina.

Naghihintay na naman sila ng kasagutan. Ngayon lang ulit sila nagtanong ng tungkol sa mommy nila. Take note, si Audrey pa ang nagtanong.

"Hindi ko alam. Siya ang huli sa kanila. Pagkatapos niya mamatay, wala ng sumunod pa."

Natakot sila Audrey at Alvin. Iniisip nila na ang nanay nila ang dahilan kung bakit natigil ang mga pagkamatay. Baka ang nanay nila talaga ang kailangan ng murderer.

"Nako, matulog na lang tayo. Gabi na o, may pasok pa kayo bukas."

"Sige, dad. Taas na kami."

"Love you, daddy."

"Love you too, mga anak."

***

Mabilis makatulog si Audrey, hindi gaya ng kapatid na parang may insomnia dahil sa kakaisip kay Chelsea.

"Argh! Chelsea naman! Patulugin mo naman ako, please."

Ganyan ang epekto ng love kay Alvin, nagkaka-insomnia siya. Maghapon na niyang iniisip si Chelsea at hanggang ngayon pa nga.

Kanina, hindi siya makagalaw dahil kaharap niya lang ang sunshine ng buhay niya. Natatakot siya na baka ma-offend niya ito.

Ang torpe kasi niya. Matagal na niyang gusto ni Chelsea pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagtatapat.

Naka-dalawang anniversary na nga siya ng 'secret crush/love para kay Chelsea' eh. Yan, ganyan siya ka-torpe. Kasama na niya araw-araw di pa niya masabi.

Dati akala niya, kaibigan lang ang nararamdaman niya para rito. Pero nung time na na-realize niya lahat lahat, nakaka-dalawang anniversary na pala siya.

*beep*

Dinampot niya ang cellphone sa lamesang katabi ng kama. Tinignan niya kung sino ang nag-text.

Si Chelsea, his sunshine.

Hi, guys~! Goodnight :) Sleep tight. Ingat palagi. :*

Para siyang yelong natutunaw na nahulog sa kumukulong tubig, sabay ng pagkapaihi at pagkatae niya. Ganun siya kiligin. Kahit normal na gu-group message si Chelsea, iba pa din ang dating nito sa kanya.

Lalo pa dahil may kiss emoticon. Feeling niya para sa kanya lang yun. Feeling niya katabi niya si Chelsea at sinabihan siya ng goodnight. Feeling niya hinalikan siya nito. Ang feeler niya. In love eh.

Niyakap niya ang cellphone at narinig ang mahinang crack nito. Agad niyang ibinalik sa lamesa ito. Baka daw kasi hindi na niya mabasa ang mga susunod na text ni Chelsea.

***

Nagpalit na si Audrey ng PJs. Mahilig siya magsuot ng ganito kahit hindi naman malamig. Nasanay na kasi siya, ganito siya simula bata.

Malamigin kasi siya. Kaya naman nagsuot pa siya ng fluffy na medyas at fluffy na gloves. Balot na balot pa siya ng kumot.

------------------------------------------------------------------

Author's Note: Hi, guys! Kakadaan lang ni Ruby. Stay safe sa mga falling debris at lamp posts. Late UDs na nga dahil sa bagyo kaya bumaba ang rank natin. Hohoho!

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon