Chapter II

725 30 22
                                    

Lumipas ang oras at ngayon ay uwian na. Magkakasama silang naglalakad pauwi dahil malapit lang naman ang mga bahay nila. Well, dun sila nakatira sa subdivision na isang poste ng ilaw ang layo mula sa school, kaya naman walking distance ito. Nagtatawanan silang apat habang naglalakad. Pinag-uusapan nila kung gaano nakakaawa si Darbie nung nagsasagot ito sa board.

"Hahahahaha! Grabe kahit kelan di yata yun nag-aaral eh." Sabi ni Chelsea habang tumatawa.

"Wow, makapagsalita ka parang nag-aaral ka ha." Pambabara ni Alvin dito.

"Nako, Alvin! Wag mo sabihing nahuhulog ka kay Darbie at pinagtatanggol mo? Kitang-kita kaya namin ni Kevs na nilalandi ka kanina. Di ba Kevs?"

"Oo, hahahahaha! Kunwari ka pang suplado gusto mo rin pala."

Naasar si Alvin sa pinagsasasabi ng dalawa. Kahit kailan talaga nakakainis ang mga ito para sa kanya. Palagi naman sila nag-aaway pero pagdating sa pangloloko sa kanya, palaging magkakampi. Hindi maipagkakailang bagay ang dalwang ito. Kaya lang, sa pag-iisip sa dalawa na nagkukulitan, nalungkot siya. Hindi niya alam kung bakit, pero inalis niya muna sa isip yun.

Malapit na ang bahay ng kambal kaya nag-goodbye muna si Chelsea kay Audrey at Alvin. "Bye, guys. Yung panaginip niyo ha."

"Sure, Chels." Sang-ayon ni Audrey at pumasok na sa gate nila.

Sumunod naman si Alvin na malungkot pa rin at naiinis dahil magkasama na naman si Chelsea at Kevin. Hindi sa may gusto siya kay Chelsea, sadyang ayaw niya lang na makikitang magkasama ang dalawa. Well, siguro nga may gusto na siya dito. Ayaw niya lang aminin.

Sa kabilang banda, tahimik naman na naglalakad si Chelsea at Kevin. Ngayon lang sila naging awkward na magkasama. Dati ay nagtatawanan sila at nagkukulitan. Siguro nahihiya lang si Chelsea sa sinuggest niya kanina.

"Dito na pala ang bahay namin. Sige papasok na ako. Bye, Kevin. Ingat ha." Pagkapasok na pagkapasok ni Chelsea sa bahay, agad niyang tinanong ang sarili kung bakit awkward kanina.

Baka naman may problema si Kevin? Hmm.. maitanong nga bukas. Kasi ako wala naman akong problema sa kanya. 

Natulog na si Chelsea pagkatapos niya kumain at mag-ayos ng sarili. Wala naman silang homework ngayon, bagay na ikinatuwa niya dahil hindi na sasakit ang ulo niya ngayong gabi. Excited siyang managinip dahil may mapag-uusapan na naman sila bukas.

***

Maaga din natulog si Audrey dahil ayaw niya mapuyat ng walang dahilan. Mamamayat siya at magkaka-pimples kapag nagpuyat. Si Alvin naman ay naglaro muna ng Tekken bago matulog. Kelangan daw niya manalo para ilibre siya ni Audrey bukas. Nagbuklat ng ilang notes ni Kevin bago natulog. Nakasanayan na niya kasi na magbasa bago magpahinga.

Nine o'clock. Tulog na silang apat at mahimbing na nagpapahinga. Tumutulo ang laway ni Chelsea dahil nanaginip na naman siguro 'to ng pagkain. Matakaw kasi siya pero hindi nataba. Si Alvin ay tahimik lang matulog, walang kagalaw-galaw gaya ni Kevin. Si Audrey, ay kasalukuyang hindi mapakali kahit tulog. Nananaginip na kasi siya at naguguluhan dito.

***

"S-sino ka? Bakit... nasa panaginip kita?" Naguguluhang tanong ni Audrey.

"Huwag kang matakot sa akin, kaibigan ako. May ipapakita ako sayo. Matagal mo na dapat itong nalaman." Bulong ng isang malumanay na boses sa kanya.

"Ano yon?" Sa panaginip na rin niya sinasagot ang boses na kausap niya.

"Halika, gusto mo malaman ang pagkamatay ng mommy mo di ba?"

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon