Chapter XIII

360 21 5
                                    

Author's Note: Kaway kaway sa readers ng story na 'to! Survey lang, nakakatakot ba? XD Ang totoo, hindi ko ginagawan ng next chappie ito kapag gabi. Bakit? Kasi ako mismo natatakot sa pinagtatatype ko. December 13 ngayon, birthday ni Taylor Swift! *o* (12/13/14 ko tinype ang chappie).

Author is listening to All Too Well (TS). Favorite ko kaya 'to! The feels!

Nga pala, hindi ako makakapag-update kaagad. Wala kaming permanenteng internet. Mahirap lang kami huhu. Pero after christmas mag-uupdate ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagkaron ng update ang kaso nila Loris at Mark. Sa loob ng halos isang buwan na magsusuri ng mga pulis at detectives, ngayon lang sila may nahanap.

Nasa school ngayon silang lahat, may pasok kaya. Napag-uusapan ang balitang ito ngayon ng lahat ng studyante.

"Uy, may update na tungkol sa kaso nila Loris."

"Oh? Ano daw?"

"Hindi daw nila mahuhuli ang suspect dahil walang fingerprint kahit isa sa katawan nila."

"What?! Pano yun nangyari?"

Nag-uusap si Chelsea at Audrey nang dumating si Kevin at Alvin. Galing ang mga ito sa canteen.

"I know right! Pano nga yun mangyayari eh kung ikaw yung killer, dapat mahahawakan mo ang biktima mo kahit isang beses lang."

Nakisali si Alvin sa usapan. Tahimik naman si Kevin na kumakain ng tuna sandwich.

"Ikaw, Kevs. Yun din ba ang nabalitaan mo?"

"Oo. Nakakapagtaka nga eh."

Kahit nakakapagtaka ang information na nakuha nila, natanggalan pa din sila ng isang maliit na tinik sa dibdib. Dahil kahit papano, may progress ang pagsasaliksik sa mga kaso.

"Eh yung kay kuyang guard ng campsite?"

"Hmm... wala pa din eh. Wala pa ding nakikitang bakas dun sa golf bat ni Chelsea."

"Hay, ang dami ng nangyayari."

"Kaya nga eh. Halos patayan na lahat."

"Di lang halos. Puro patayan na nga. Sino kaya ang susunod na biktima?

***

Kinabukasan, nagmamadaling ni-dial ni Audrey ang phone number ni Chelsea. Humahangos siya palabas ng bahay dahil kanina pa siya hindi mapakali. May biktima na naman ng mystery murder.

"Bakit Audies? Ano nangyare?"

Huminga muna ng ilang beses si Audrey bago nagsalita.

"M-may biktima na naman!"

"Ha?! W-wait! Pano mo nalaman?"

"S-si daddy kase! Nagpunta siya sa likuran ng bahay namin kani-kanina lang gawa magdidilig siya ng mga halaman namin."

"O tapos?"

"Ayun! May nakita siyang bangkay sa may halamanan!"

It doomed Chelsea. The thought is frightening and scary. Una, bakit sa likod bahay nila Audrey mapupunta ang bangkay? Pangalwa, bakit nga ba sunod-sunod ang mga kaso ng pagpatay sa lugar nila? Ano ba kasi talagang nangyayari?

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon