Chapter IX

363 19 13
                                    

Author's Note: Ang saya saya ko ngayon! Kasi paiba-iba ang rank ng story na 'to! Alam ko magbabago ang rank niya after ng UD pero okay lang. I'm after the readers and their comments. Sinisingit ko nga lang ito kahit busy dapat ako sa research ko. Defense week na kasi o.o

Nga pala, sorry sa late UDs kasi nagkabagyo eh. Hopefully, hindi binaha ang bahay namin so nakapag-type ako hanggang next next next chappie!

-----------------------------------------------------------------

Ngayon na yung camping ng boys. Naghahanda na sila Alvin at Kevin ng mga kailangan nilang dalahin. Hindi kasi pwedeng magpadala sa parent o guardian.

Tinutulungan ni Audrey na mag-impake ang kakambal niya. Siya ang nag-aayos ng mga damit na kakailanganin nito.

"Kadiri naman 'to, kuya! Labhan mo nga ayos ang brief mo!"

Hinagis ni Audrey ang undies ng kapatid sa may sahig. Agad naman itong pinulot ni Alvin. Walang awkwardness sa kanila pagdating sa mga ganito dahil close sila.

"Ako na nga dyan! Ikaw kaya maglaba."

Sumigaw naman si Alvin pabalik.

Lalapit na sana siya kay Audrey para siya na ang mag-ayos ng damit niya nang may lumipad na brief sa muka niya.

"Audrey naman!"

"Hahahaha!"

Dahil doon, hinabol ni Alvin si Audrey. Ganito sila palagi kapag nagkukulitan. Kaya walang problema ang daddy at yaya nila. Magkasundo kasi sila palagi.

"Audrey! Alvin! Itigil niyo na yan, mag-aalas singko na. Kailangan na ni Alvin pumunta sa school niyo."

Sinaway ng yaya nila silang dalawa. Nagkalat na kasi ang mga damit sa buong salas nila. Naihagis nila lahat ng naka-impake ng mga damit. Mga medyas na lang ang natitirang hindi nagagalaw sa loob ng luggage.

Kaagad namang sumunod ang kambal sa utos ng Yaya Emy nila. Isa pa itong ugali nila na ikinatutuwa ng daddy nila. Masunurin sila sa nakakatanda.

***

Nasa school na ngayon si Alvin kasama ng kapatid. Madami na rin namang mga tao dito dahil malapit na mag-ala sais.

Maya-maya, dumating si Kevin kasama ni Chelsea. Di gaya ng dati, hindi na nagkukulitan ang mga ito. Tahimik lang si Chelsea na naglalakad sa likod ni Kevin.

"Kevin! Ngayon lang ulit kita nakita after ng camp natin ah. Ano bang nangyari sayo?" Bungad ni Audrey.

"Oo nga, Kevs! Ang seryoso mo nga nung camp eh. Nung nasa tent na tayo, di ka kaagad natulog. Parang may pinag-iisipan ka. Ikaw ha! Di ka na nagshashare samin." Sabi ni Chelsea sabay hampas kay Kevin.

Tumingin lang siya sa mga kaibigan na naghahantay ng kasagutan kung bakit ang seryoso niya these past few days.

Oo, seryoso naman talaga si Kevin pero iba ang pagkaseryoso niya ngayon. Parang may itinatago siya sa iba,

"Ganun ba? Pasensya na ha. May tinapos lang kasi ako."

Nagkatinginan ang tatlo sa sagot niya.

Tinapos?

Anong tatapusin? At bakit may tatapusin?

"Don't get suspiscious, okay? Hindi ako yung killer." Yun lang ang sinabi niya ulit at naglakad na siya palayo.

Nagkibit-balikat na lang ang tatlo sa sinabi niya. Ano naman kaya ang tinapos ni Kevin?

***

Nasa campsite na ang boys. Naiwan sa La Monica Academy sila Audrey at Chelsea. Nag-uusap sila tungkol sa chismis sa school nila ngayon.

"Alam mo na ba?" Tanong ni Chelsea.

"Ang alin?" Nagtatakang tanong ni Audrey pabalik.

"Kahit kelan ang ignorante mo talaga."

"Eh di ako mahilig makichismis."

"Balita kasi ngayon, ni-rape daw ni Drew si Richie."

"Talaga?"

"Oo, kaya daw hindi napasok si Richie for a month. Pero sabi hindi naman 'rape' ang nangyari. Kasi si Richie daw ang nagyaya kay Drew na mag-ano sila. Pinagtatakpan daw ni Richie yun para hindi masira ang reputasyon niya."

"Sa bagay, sikat siya eh."

"Naku! Kaya ikaw, Audrey umayos ka. Alam mo namang gagawin lahat ni Richie matalo ka lang niya. Pero alam kong di yun mangyayari kasi ikaw ang the best sa campus 'no."

"Hahaha hindi naman."

Si Richie ay kaklase nila Audrey. Section 1 kasi silang apat. May galit si Richie kay Audrey dahil sa mas sikat ito kesa sa kanya. Mas madami din kasing manliligaw si Audrey. Kaya nama naiinggit siya dito.

Mean girl si Richie. Pina-plastik niya minsan si Audrey, but mostly, she talks nasty things about her.

Dahil mabait si Audrey, hindi nalang niya pinapansin si Richie. Bagay na ikinatutuwa ng marami dahil hindi siya war freak.

"Oh, look who's here."

Napatingin si Chelsea at Audrey sa kabilang direksyon.

Nakita nila ang ilan sa mga sorority members ni Richie. Papalapit sa kanila si Maddy, Peggy, at Mincy.

Sila ang pinakasikat mula sa Richie's Friends. Kilala sila bilang 'The Trio'. Kung may susunod sa pagka-mean kay Richie, sila na yun.

"Hi, Audrey. Ang ganda ng hair mo ngayon." Bati ni Mincy sa kanilang dalawa ni Chelsea.

Si Mincy ang engot sa tatlong ito. Pinsan siya ng magkapatid na Maddy at Peggy. Mabait naman siya kaya lang, napilitan siyang maging mean dahil sa mga pinsan.

Si Maddy yung umaastang leader nilang tatlo. Nagpa-blonde siya ng buhok, muka daw kasi siyang American ayon sa kanya.

Kapatid niya si Peggy. Mas maitsura ito kesa kay Maddy kaya lang ay takot siya sa kapatid kaya hinahayaan niyang isipin nito na mas maganda siya.

"Salamat, Mincy." Nakangiting sumagot si Audrey.

"Ano ka ba, Mincy? Stop talking to trashes! Oo, gurl. Maganda nga yang buhok mo. Magandang hilahin."

Bago pa masabunutan ni Maddy si Audrey, hinila na ni Chelsea ang buhok ni Maddy.

"Aray! You stupid monster!" Sigaw nito sa kanya.

Nginitian lang ito ni Chelsea at saka hinila palayo si Audrey. Palagi niyang pinagtatanggol ang kaibigan sa kahit sino, lalo na kila Richie.

"And don't ever chika about Richie! You don't know anything. Kaya kung ako sa inyo, I'll shut up na." Pahabol ni Peggy, conyo siya.

Inalalayan nila ni Mincy ang nasabunutan na si Maddy. Halos kalahati yata ay nabunot ni Chelsea. Sa lakas ng babaeng yon.

"Ouchie! My hair! My beautiful blonde hair! Nangalahati na lang siya dahil sa pagsabunot ng amazonang Chelsea na yun. How dare she!"

Pilit na umiiyak si Maddy sa sakit. Hindi kasi siya mapaiyak ngayon. Nilagyan pa niya ng eye drops ang gilid ng mata para magmukang umiiyak.

"It's okay, sis. There's a shampoo for pagpapatubo ng hair eh. Let's go na nga! I'll buy you a bottle."

"Oo, nga tutubo pa yan."

***

"Hay, grabe manlagas ang buhok ng bruha! Tignan mo, nakaisang hila palang ako nakakalahati na."

Tinapon ni Chelsea ang mga 'blonde' na hair strands sa daan. Halos kalahati ang nabunot niya mula dito. Ngayon ay mukang kinalbo sa ilalim si Maddy.

"Hahaha! Grabe ka kinawawa mo nama si Maddy."

"Eh sasabunutan ka eh. Eh di unahan ko nga."

Nagtawanan silang dalawa habang pauwi sa kani-kanilang mga bahay. Tatlong araw din mawawala sila Alvin at Kevin.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon