Chapter I

1.2K 37 31
                                    

May apat na magkakaibigan, dalawang babae at dalawang lalaki. May kambal sa kanila, isang babae at isang lalaki. Ang kambal ay sina Audrey at Alvin. Si Audrey ay maganda, simple, sikat, at mabait. Maraming nanliligaw at nagkakagusto dito ngunit wala pa siyang sinasagot kahit isa. Si Alvin naman ay gwapo, matangkad, matalino, at may kayabangan. Hindi naman siya babaero dahil hinihintay niya ang tamang babae para sa kanya. Ang dalawa nilang kaibigan ay sina Chelsea at Kevin. Si Chelsea ay maganda rin ngunit mas maganda si Audrey. Hindi siya sikat gaya ng kaibigan pero palakaibigan siya. Si Kevin ay isang nerd, hindi naman ganun kalalang nerd pero masasabing grade conscious. Sa kanya kumokopya paminsan-minsan ng assignment ang tatlo. Masaya silang lahat dahil mayroon silang "friendship".

"Kevin, pakopya naman nung assignment sa Trigo." Sinalubong ni Chelsea si Kevin sa hallway ng may kasamang pagpapa-cute.

"Okay, basta tumigil ka na sa ginagawa mo dahil nakakatakot." Maraming naghiyawan sa hallway sa narinig na sagot ni Kevin.

Para kasi sa mga ibang schoolmates and classmates nilang apat, may something kay Chelsea at Kevin kahit walan naman talaga. Sweet lang talaga sila sa isa't isa dahil magkaklase na sila simula elementary. Marami din ang nagtataka kung bakit hindi sila nagkakagustuhan gayong ang tagal na nilang magkasama.

Sanay na silang apat sa panunukso ng buong school sa dalawa. Kung minsan nga, ginagawan pa sila ng issue na sila na. Pero lahat ay false alarm. Wala talagang something sa kanila.

"Chels, nandyan na ba yung kambal?" Tanong ni Kevin kay Chelsea. Close na close talaga sila kaya ganun na ang tawag nito kay Chelsea.

"Wala pa eh. Hintayin na lang natin habang nakopya ako." Binuklat ni Chelsea ang notebook ng kaibigan na kinuha niya kanina sa bag nito.

"Hay nako, babae ka. Kelan ka ba matututo na hindi mangopya?" Napailing na lang siya sa tinuran ni Chelsea.

"Guys, andito na kami! Itigil na yang pag-uusap na yan at baka ma-issue na naman kayo." Niyakap ni Audrey si Chelsea pagkadating na pagkadating nito.

"Ew, may yuri na naman." Reklamo ni Alvin sabay takip ng mata.

"May pagtakip pang nalalaman! Sino kaya ang mga nanonood ng porn dito?" Naiinis na sagot ni Chelsea.

Di gaya ni Audrey, walang bahid ng pagkamahinhin itong si Chelsea. Napapangiti na lang tuloy si Audrey sa mga kaibigan niya. Hindi naman sa hindi siya comfortable kasama ang mga ito. Sadyang matured at elegante lang siya kumilos.

*bell rings*

"Oy mga engot! Time na, tara na." Sigaw ni Chelsea sa dalawang lalaki.

"Engot" ang tawag niya sa mga ito na kasalukuyang nagtatawanan. Siguro may pinagtripan na naman kahapon ang mga yun. Maloloko kasi sila.

Natatawa si Audrey sa tatlo. Sinisigawan kasi ni Chelsea ang mga lalaki. Ayaw pa kasi pumasok ng room eh sila nalang ang nasa labas. Ilang minuto na lang at dadating na ang kanilang teacher.

"Guys, tara na. Makita pa tao ni Ma'am Toledo." Agad sumunod ang dalawang lalaki sa sinabi ni Audrey.

"Err, Audies pano mo napapasunod ang mga engot?"

"Hindi ko rin alam eh."

Pumasok na sila sa loob ng room. Binabatukan ni Chelsea ang dalawa dahil ayaw pa rin nila tumigil sa kakatawa. Si Audrey naman ay tahimik na naupo sa pwesto niya. Maya-maya, dumating na ang adviser nila, si Ma'am Toledo.

First subject nila ang Trigo at si Mrs. Toledo ang teacher nila dito. Napabuntong hininga si Chelsea dahil natapos niya kaagad kopyahin ang sagot ni Kevin. Ibinalik niya ito kay Kevin, magkatabi lang naman sila kaya hindi yon kita ng teacher. Sa may gitna nakaupo ang dalawa samantalang si Audrey ay sa gilid, sa tabi ng bintana. Sa kabilang dulo ng classroom nakaupo si Alvin na ngayo'y nilalandi ng mean girl ng klase nila.

"Hi, Alvin. I'm Darbie by the way. You know me naman di ba? Can we be friends? Matagal ko ng gusto makipag-kaibigan sayo eh. You know, ang gwapo mo pala sa personal. It's my first time na makatabi ka kasi." Conyo ang babaeng ito at spoiled. Siya ang nag-iisang anak ng mayamang Alvarez.

Hindi siya pinapansin ni Alvin kahit kanina pa niya ito kinakausap. Pero persistent nga si Darbie at gusto niya talaga makuha ang atensyon ni Alvin kaya hinawakan niya ang kamay nito. Inalis lang ni Alvin ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Nabigla si Darbie sa reaction ni Alvin. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya inayawan ng lalaki. Pero wala namang pakialam si Alvin dito. Ayaw niya sa mga malalandi. Yung mala-Chelsea ang gusto niya.

"Okay class, let's check your assignment. Number one, Kevin; two, Darbie; three,  Angelica. You should have better scores. Isang linggo na tayo dito."

Pumunta na sa harapan ang mga tinawag para magsagot. Unang natapos si Kevin dahil may pagka-nerd ito. Sumunod si Angelica, ang kanilang 6th honor. Naiwan si Darbie na hindi alam ang gagawin dahil hanggang ngayon, wala pa rin siyang naisusulat bukod sa given.

"Miss Alvarez, I think you should have your tutor."

Inirapan lang ni Darbie ang teacher. Sinenyasan niya ang isang kaklase na nakaupo sa tapat niya. Dahil takot ang ito sa pwede niyang gawin, binigay kaagad nito ang notebook niya. Napailing lang si Mrs. Toledo sa nakita.

Natapos ang isang oras nilang Trigo at dumating na si Ms. Bautista, ang teacher nila sa English. Wala naman silang assignment dito kaya nagpabasa lang siya ng excerpt na nasa libro.

"Class, intindihin niyo mabuti ang nasa excerpt na yan. May reading journal kayo about dyan na isusubmit niyo next week. I'll be leaving now cause the principal called me. Magbasa, okay? Wag puro laro, ang tatanda niyo na."

Dahil sadyang pasaway ang klase, nagkwentuhan at nagdaldalan lang sila pagkaalis ng teacher. Sa bahay na lang daw nila babasahin. Mas maiintindihan daw nila dun dahil walang disturbances. Maging sila Chelsea ay hindi na rin nagbasa.

*bell rings*

Recess na. May kanya-kanyang baon ang apat kaya hindi na sila pumunta pa sa canteen. Hassle kasi ang pagbili, mahaba ang pila at mainit. Nagpunta sila sa rooftop ng building nila. Doon sila palaging kumakain.

"Oy, mamayang gabi dapat may panaginip kayo ha. Tapos bukas isha-share natin. Kelangan malaman natin kung ano ang tumatakbo sa isip ng bawat isa kapag gabi." Out of the blue, may sinuggest na naman si Chelsea.

"Ano namang gusto mo malaman?" Tanong ni Alvin.

"Malay ba naman ni Audies kung in love na pala kayo."

Nagtawanan silang lahat sa idea ni Chelsea. Kahit kailan talaga madami itong pauso.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon