Chapter IV

584 23 26
                                    

Another day, another pasakit sa ulo ayon kay Chelsea. Medyo naka-get over na siya sa kalungkutan kahapon. Kahit siya lang ang nakapag-share, masaya na siya at least may napag-usapan sila. Ayaw niya talaga ng taimik. Siguro nga may trauma siya dito dahil pinatay ang kapatid niya noong isang gabing madilim at tahimik, na tanging ang ilaw lang na nagmumula sa buwan ang saksi sa mga pangyayari. Hindi niya nakita kung paano pinatay ang kanyang kuya. Basta nakarinig lang siya ng sigaw sa baba, oo sumigaw ang kuya niya. Sumigaw ito para ipaalam kay Chelsea na may mga masasamang nilalang sa ground floor ng bahay nila. Hindi siya nakagalaw sa takot nang marinig ang putok ng baril at tawanan ng mga lalaki. Siguro dahil na rin sa takot kaya siya nakatakas mula sa bahay nila. Umakyat sa second floor ang isang lalaki, lahat naman ng mga lalaki ay hinahalughog ang buong bahay.

"May nakita ka na ba? Ang alam ko ay may nakababatang kapatid pa si Kiko." Tanong nung isang lalaki sa mga kasamahan niya.

"Talaga? Babae ba? Kung babae yan, may masarap na tayong maiiulam ngayong gabi. Hahaha!" Nahintakutan siya sa narinig.

Dahan-dahan siyang kumilos papunta sa secret door ng kwarto niya. Bawat kwarto dito ay may ganitong lagusan na makikita sa ilalim ng carpet. Wala itong hawakan kaya hindi ito halata kung titignan. Sanay na naman si Chelsea kaya madali siyang nakatakas. Nagpunta siya sa subdivision manager's office upang isumbong ang nangyayari sa kanilang bahay. Agad namang pinapunta ng manager ang ilang mga pulis. Doon muna pinatulog si Chelsea. Kinabukasan, malinis na ang lugar na tila walang nangyaring krimen. Ang bangkay ng kuya niya ay inihatid sa funeral home ng subdivision para sa pag-eembalsamo nito. Maghapon at magdamag na umiiyak si Chelsea. Walang makapagpatahan sa kanya kahit ang kaibigan na si Kevin.

Isang gabi, tahimik lang siya at nakatulala sa buwan. Pinasamahan na ng manager si Chelsea sa isang katiwala ng subdivision upang mabantayan ito. Dito na rin muna natulog ang pamilya ni Kevin para maalagaan si Chelsea. Natatakot silang magpakamatay ito dahil hindi nakayanan ang labis na pangungulila. Ang kuya na lang niya ang meron siya sa buhay niya, ngunit kinuha pa ito.

Lumipas ang ilang buwan, naka-move on na naman si Chelsea sa nangyari. Tanggap na niya na wala na ang kuya niya at napatawad na niya ang mga pumatay dito. Masaya na siyang namumuhay kasama ang mga kaibigan at ang yaya niya na kasama niya sa bahay. Silang dalawa na lang ng yaya niya ang magkasama araw-araw sa bahay nila Chelsea, kung saan naganap ang krimen. Ngunit sa kabila nito, naroroon pa rin ang takot niya sa tahimik na gabi kung saan liwanag lang ng buwan ang makikita... at mag-isa siya.

***

Sabado ngayon, kaya ang laki ng ngiti ni Chelsea pagkagising niya. May pupuntahan kasi siya maya-maya, at iyon ay ang birthday ni Audrey at ni Alvin. Nakapag-plano na silang dalawa ni Kevin ng mga dapat gawin sa special na araw ng kambal. Kumakanta-kanta pa siya habang bumababa ng hagdan. Nakita niya sa lamesa ang yaya niya na naghahanda ng pagkain para sa kanilang dalawa. Pamilya na ang turing ni Chelsea sa kanyang Yaya Malou. Kaibigan ito ng yumao niyang nanay at tatay kaya malaki ang tiwala niya dito. Namatay sa pag-aanak sa kanya ang nanay nila. Sumunod naman dito ang tatay nila na may sakit sa puso. Ang Yaya Malou niya na lang ang maituturing niyang pamilya bukod sa tatlong kaibigan.

"Oh, Chelsea, kain na tayo. Ang ganda yata ng gising mo ha?" Tanong ng yaya niya na umupo na rin upang mag-almusal.

"Ya, birthday kasi ng kambal! May plano na kami ni Kevin eh. Excite na nga ako kyaaa!" Natawa naman ang kanyang yaya sa reaction niya.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang ipakita sa balita ang murder case sa isang babae at lalaki.

"Magandang umaga sa lahat. Pasintabi sa mga kumakain ngayon. Kaninang alas dos ng madaling araw ay may naireport na kaso ng pagpatay sa likod ng La Monica Academy. Isang babae umano ang napatay kasama ang sinasabing boyfriend nito, ayon sa guard ng nasabing school. Huling nakita ng mga tambay ang dalawa na magka-akbay papasok ng school. Pinagbawalan nila itong pumasok pero hindi ito nakinig. Mangayri lamang po na ingatan ang inyong mga anak at pagbawalan lumabas simula alas nueve ng gabi."

Nagkatinginan ang mag-yaya. Napailing naman si Yaya Malou sa balita, ganun din si Chelsea. Ang La Monica Academy ang school nila Chelsea at ng mga kaibigan niya. May guard ito sa loob sa may gate ng school kaya nakakapagtaka na hindi ito napansin ng guard na pumasok na magkasama. Pero sabi sa balita, ang guard ang nag-report. Ibigsabihin narinig niya ang pagsigaw o paghingi ng tulong ng magkasintahan.

"Hay nako. Kaya ikaw Chelsea, wag na wag kayong gagala ng mga kaibigan mo sa gabi ha. Hindi lang mga manyak na tambay ang naghihintay sayo kundi pati ang suspect ng kaso na yun." Pagpapaalala ng yaya Malou niya.

"Opo, ya. Hindi naman ako nalabas pagpatak ng 6pm di ba?" 

Masunurin kasi sa yaya si Chelsea. Siguro takot na rin siyang kumilos na mag-isa dahil sa trauma sa nangyari sa nakaraan. She loves her yaya that much, and she can't afford to lose her.

***

Naghihintay na silang dalawa ni Kevin sa restaurant nila Audrey at Alvin. Pinamanahan kasi ng mommy nila ang kambal ng kanilang business. Kaya kapag Saturday at Sunday, o kapag walang pasok, nagtatrabaho sila dito kasama ng iba pang trabahador ng restaurant. Kasabwat na nila ng lahat ng nandito, maging daddy ng magkapatid. Tanging si Audrey at Alvin na lang ang walang alam.

Isang common na surprise lang ang inihanda ng dalawa pero magiging memorable ito. Sarado pa rin ang restaurant ngunit nagkakagulo sa loob. May spy pa sila sa labas, yung security guard ng restaurant. Sa wokey-tokey sila nag-uusap para hindi halata dahil nga guard ito.

"Andito na sila. Be ready on a minute, kakausapin pa ako." Bulong ng guard sa kanyang wokey-tokey. Sapat na ito para marinig nila Chelsea.

"Guys, guys, pwesto na." Utos ni Kevin sa mga nasa loob ng restau.

***

Sa labas naman, kinakausap ni Audrey at Alvin ang security guard. Nagtataka sila kung bakit sikat na ang araw ay nakasara pa rin ang kanilang restau, pero may guard naman.

"Sir Chavez, bakit ho sarado pa ang restau? Tanghali na ah, baka hindi tayo kumita niyan." Usisa ni Audrey sa guard.

"Ma'am, hindi ko rin po alam eh. Basta pumasok na ako sa trabaho ko na bantayan at siguraduhing ligtas ang restau ninyo." Magalang na sagot niya.

"Ganun ba? Mukang hindi papasok ngayon si Angie. Ako na lang ang magbubukas nito ha." Sabi naman ni Alvin na may hawak ng susi.

Pagkabukas na pagkabukas ni Alvin, nagulat silang magkapatid sa nakita...

*** 

"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY, AUDREY AND ALVIN!!!!" Sigaw nila Chelsea at mga nagtatrabaho sa restau.

"Hooh. Akala ko naman hindi papasok ang buong crew." Napabuntong hininga si Alvin.

"Salamat! Jusko maraming salamat talaga." Mahinhin ngunit pilit na sigaw ni Audrey. Hindi talaga siya maingay kagaya ni Chelsea.

"Oh, kain na kayong dalawa. Kanina pa kami kumakain dito eh." Utos ni Chelsea sa kambal.

"Ikaw lang ang kumakain dito! Naunahan mo pa yung may birthday." Sabat ni Kevin kay Chelsea.

"Hoy kumain din kaya si Angie ng pansit!" Sigaw ni Chelsea.

"Nako, ikaw naka-dalawang plato ka na ng spaghetti." Pambubuking ni Kevin sa kaibigan.

Nagtawanan lang lahat sa bangayan ng dalawa. Kahit kelan talaga, para silang aso't pusa. Hindi sila nagkakasundo at laging nag-aaway. Sa nakita, may parte sa puso ni Alvin ang kumirot. Hindi pa niya ma-identify kung ano yon. Maghapon silang nagsaya at nagkwentuhan ng mga memories nila Audrey at Alvin nung mga bata palang sila. Maging ang daddy nila ay nakisama sa party. Masaya silang lahat. Isa ito sa pinaka-memorable na nangyari sa buhay nilang apat.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon