Chapter XV

301 16 3
                                    

Nagpapanic ngayon ang mga pulis dahil sunod-sunod na mga kaso ng pagkamatay ang hindi nila nasosolusyunan. Matagal na silang nagsasaliksik pero ni isang clue ay wala. Sadyang magaling ang killer o killers. Marahil ay isang sindikato ito o kaya, iisa lamang ang pumapatay.

"Chief, hindi ba may ganito na ring mga kaso dati?"

Nagtanong ang isang pulis.

"Oo, ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao at ang biglaang pagkamatay ni Lily. Ang sabi dati, isang baliw na babae ang pumatay sa mga tao. Nakilala na siya pero sabi, nagpakamatay siya."

"Pero pano si Lily?"

"Hmm.. yun nga ang huling misteryo sa ating lugar."

"Hindi kaya... si Lily ang baliw na killer?"

Natahimik ang lahat. Ngayon lang nila ito narinig. Pero kung titignan nga naman sa ibang anggulo, lahat ng kaso ay nasolusyunan. Huhulihin na sana ang baliw na babae pero nagpakamatay ito. Si Lily, biglang namatay. Ayaw magsalita ng asawa nito tungkol dito. Matapos nito, wala ng namatay.

Maaaring si Lily nga ang killer at dahil sa baliw siya, nagpakamatay siya. Pero hindi naman pwedeng basta mag-akusa ang mga pulis. Kailangan ng confirmation.

"Kailangan makausap si Charles." 

***

Sama-samang nanonood ang buong pamilya nila Audrey ng Supernatural. Favorite kasi ito ni Audrey at Alvin.

"Daddy, blank case ba talaga ang pagkamatay ni mommy?" 

Nag-stiff ang buong katawan ni Charles sa tanong ng anak na babae. Blank case nga ba ito o may ilang tao ang nakakaalam ng buong pangyayari?

Naghihintay ng sagot si Audrey pati na rin si Alvin. Sampung taon na ang nakakalipas simula ng mawala ang mommy nila. Hanggang ngayon, wala pa rin silang idea kung ano ang totoo.

"Patawad mga anak, kung itinago ko ito sa loob ng napakadaming taon." 

Maluha-luhang sagot ni Charles sa mga anak.

"Dad, okay lang. Sige ikwento mo na, makikinig kami." 

Napabuntong hininga siya. Matagal na niyang pinag-iisipan kung dapat ba niyang sabihin sa mga anak ang katotohanan. Sa tingin niya ito na ang tamang panahon. Tutal malaki na naman ang kambal, kaya maiintindihan nila ang lahat.

"Gaya ng nangyayari noon, may mga blank cases ng murder sa lugar natin, dito mismo. Halos dalwang buwan ang itinagal. Sabi ng mga imbestigador, isang baliw na babae ang palihim na pumapatay ng random na tao. May mga nakakakita sa isang babae na nakaputi bago may mamatay. Tanging ang mga biktima lang ang nakakakilala talaga sa killer. Hanggang isang araw, nahuli ko ang mommy Lily niyo na nakangiti sa harap ng malaking salamin at may hawak na kutsilyo. Natakot ako dahil akala ko magpapakamatay siya. Galit na galit siya noon, parang di nga niya ako kilala. Sabi niya 'kailangan mamatay si Kiko'..."

"Ang kuya ni Chelsea!" Napasinghap si Audrey.

"Pero di ba mga lalaki ang pumatay kay Kiko?" Tanong ni Alvin.

Napailing si Charles.

"Tama, mga lalaking nakaitim. Maghapon kong binantayan si Lily noon. Nung gabi, kakaiba ang ikinikilos niya. Tulog na kayo nung mga oras na yun. Palihim ko siyang sinundan hanggang sa makarating ako sa bahay nila Chelsea. Nakita ko ang mommy niyo na pumasok sa loob. Sumilip ako sa bintana. Akma na niyang sasaksakin si Kiko pero may tatlong lalaki ang pumasok sa loob. Ikinatakot ko na baka madamay ang mommy niyo kaya kaagad ako pumasok at hinila siya palabas ng bahay. Nanginginig siya nun sa takot, hindi na siya yung baliw na Lily! Sabi niya gusto niya umuwi kaya umuwi na kami. Pagdating sa bahay, may mga pulis na hinahanap si Lily. Ikukulong daw siya sa rehabilitation center. Hindi na ako nagtanong kung bakit kasi alam ko na lahat. Isusuko ko na sana siya kaya lang sinaksak niya ang sarili gamit ang dala-dalang kutsilyo. Lahat kami nasindak sa nangyari. Sinugod siya sa ospital pero dead on the spot na, sa leeg kasi siya nagsaksak." 

Hindi makapagsalita ang magkapatid sa narinig. Dumating ang yaya nila na may dalang tubig at tatlong baso. Uminom silang tatlo.

"So, si mommy ang crazy killer?" Kinaklaro ni Alvin ang sinabi ng daddy nila.

"Oo, patawad mga anak. Gusto ko lang kayo protektahan dahil maingay ang balitang yun noon. Ayaw ko na mapapahiya kayo palagi dahil baliw ang mommy niyo. Patawad ha?" 

Umiiyak na si Charles, maging ang magkapatid ay di na napigilan ang mga luha.

"Opo, daddy, opo."

"Salamat po sa pagsasabi samin ng totoo. Pangako, di kami magsasalita tungkol dito." 

Umiiyak na nagyakapan ang mag-aama. Nahahabag ang yaya nila sa nakita. Alam niya ang lahat simula sa kaso ni Lily hanggang sa mga kaso ngayon.

May hinala siya sa nag-iisang killer.

***

Tulog na lahat maliban kay Alvin na hindi makatulog. Iniisip niya na maaaring ganito din ang nangyayari ngayon. Marahil nga na tama si Kevin. Iisa ang killer based sa patterns. Marahil ay taga-subdivision lang din siya. Marahil ay baliw din siya. Pero sino nga ba siya?

Bumaba siya at nagpunta sa kusina para uminom ng gatas. Naalala niya nung mga bata pa sila ni Audrey. Hindi sila makatulog kapag di uminom ng gatas. Mukang hanggang ngayon ay ganun pa din... dahil nasa kusina din ang kapatid niya.

"Audrey, nagtitimpla ka din ba ng gatas?" 

Kinuha niya ang paboritong baso at nagsimulang magtimpla.

Hindi sumasagot si Audrey. Nakatingin pa din ito sa lagayan ng mga kutsa, tinidor at kutsilyo. Siguro nananaginip lang, sleep walking at nakatulog na sa kakatingin sa mga kutsara.

Ininom niya ang gatas at hinugasan ang baso na ginamit.

"Tutulog na ako ha? Tulog ka na din, wag dito muka kang tuleg." 

Nakahakbang na siya ng isa pero di pa rin natitinag ang kapatid. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na nakaharang sa muka nito.

Hindi niya inaasahan ang nakita. Hindi ito ang kapatid niya!

Itim na itim ang mga mata nito na dati ay kulay brown. Nakangiti ito na nakakaloko at may hawak na kutsilyo sa kaliwang kamay. Naka-gloves pa din siya gaya ng nakasanayan.

"Audrey! A-Anong meron sayo?" 

Hindi siya makaalis sa kinatatayuan. Nakatitig pa rin sa kanya si Audrey, hindi kumukurap. Tatawagin na sana siya ang daddy nang mahulog si Audrey sa sahig.

"Kuya, anong nangyayari? Bakit ako nandito?" 

Nakahinga siya ng maluwag. Inalalayan niya ang kapatid hanggang sa kwarto nito. Pagkatapos ay dumiretso siya sa sariling kwarto.

Si Audrey, ang kapatid niya. Halata sa muka nito kanina na handa itong pumatay. Pero bakit? Nababaliw na ba ito?

***

"Argh! Sh*t panaginip lang pala." 

Tinignan niya kung anong oras na. Past 2 am.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon