Chapter VI

467 23 21
                                    

Ilang araw na ang nakalipas at nailibing na ng maayos sina Loris at Mark. Hindi pa rin naalis ang kirot sa puso ng mga pamilya ng magkasintahan. Dahil hanggang ngayon, hindi pa nahahanap ang killer o kahit isang suspect man lang. Umaasa pa rin sila na mabibigyang hustisya ang biglaang pagkamatay ng dalawa.

***

Friday ngayon, halos walang klase ang buong La Monica Academy dahil iniimbestigahan pa rin ang kaso nina Loris at Mark. Maya't maya ay ini-interview ng mga pulis at mga detective ang mga studyante kung weird ba ang dalawa nitong nakaraang araw. Halos wala namang maitulong ang mga studyante dahil normal lang naman ang mga pangyayari. Wala namang nakakaaway si Loris o si Mark. Wala rin namang galit sa dalawang ito. Ito ang kauna-unahang misteryo na naganap sa school nila Chelsea.

"Guys, outdoor camp kaya tayo?" Napatingin lahat sa sinabi ni Alvin.

"Hmm.. sa bagay, gusto ko rin." Sang-ayon ni Chelsea na ikinasaya na naman niya.

"Pero kakamatay lang nila Lor---" Pinutol si Audrey ang sasabihin sana ni Kevin.

"Dun lang tayo sa campsite sa may dulo ng subdivision. Kilala naman tayo ng mga tao doon eh, kaya walang magtatangka satin."

Napatango silang apat sa suggestion ni Audrey. Kahit kelan talaga maaasahan ito sa mga outdoor activities. Madami kasi itong kakilala kahit mahinhin ito.

***

Gabi na at nasa campsite na silang apat. Napapayag nila ang mga magulang sa activity nila dahil sinama naman nila ang mga ito para matiyak ang kaligtasan nila. Naitayo na ang tatlong malalaking tent. Yung kulay itim ang tutulugan ng apat na magkakaibigan, yung pula sa kanilang mga magulang, at yung blue para sa mga pagkain at gamit nila. Handang-handa na silang lahat para sa camping nila, kahit malapit lang ito sa mga bahay nila.

"O mga bata, maaga matutulog ha. Tsaka maglagay kayo ng insect/mosquito repellant para hindi lamukin." Sabi ng daddy nila Audrey bago umalis ang apat.

Nagpunta sila sa maliit na kakahuyan sa site. May mga ganito kasi dito, para feel mo na nagcacamping ka. May bonfire area din ito kaya lang di na sila nagganun kasi madilim na nang magpunta sila, wala pa silang dalang panggatong.

"Wag kayo lalayo ha. Dapat sama-sama tayo." Saway ni Audrey kila Alvin at Kevin na lalayo sana.

"Oo nga, mamaya nandito din pala yung killer hala kayo." Pagbibiro ni Chelsea kaya binatukan siya ni Kevin.

"Imahinasyon mo talaga eh, layo ng naaabot. Killer ka dyan, baka nga nandito yun." Nagtawanan lang silang apat sa tinuran ni Kevin.

May dala-dala silang mga flashlights at baseball bats. Baka daw kasi may manakit sa kanila, at least may pang-self defense man lang sila. Siguro 8pm na ngayon dahil madilim talaga ang gubat. Tanging ang bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa daan bukod sa mga flashlights nila. Nagtatakutan at nagbibiruan silang apat dahil sa sinabi ni Chelsea na nandoon rin ang killer nila Loris at Mark.

"Ayan Chelsea, hala ka." Pang-aasar ni Mark.

"Tumigil ka nga! Pag nakilala ko yun ikaw ang ipapapatay ko." Nakangusong sagot ni Chelsea.

"Talaga lang ha."

"Oo, talagang talaga. Hmpf."

Natawa nalang sila sa bangayan ng dalawa. Kahit kelan hindi ito magkasundo. Ngunit natigil ang tawanan nang may kumaluskos sa bandang likuran nila.

"Narinig niyo yon?" Seryosong tanong ni Alvin.

"Nako kuya, baka isa na naman ito sa mga kalokohan niyo ni Kevin ha." Hinampas ni Audrey ang kapatid sa ulo gamit ang flashlight niya.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon