Chapter XIV

298 17 3
                                    

Naayos na ang mga papel at nailibing na ang mga namatay. Ang bangkay na natagpuan sa likod-bahay nila Audrey ay nadala na sa punerarya. Tinatayang alas dos ng madaling araw ito binawian ng buhay.

May nabuong pattern ang grupo nila Kevin. Ang pagkamatay ay tuwing alas dos ng umaga at madugo ang pagkamatay ng mga biktima. Yung tipong parang galit na galit ang killer ng mga ito. 

"Sa tingin ko, iisa lang ang killer."

Napatigil silang lahat sa sinabi ni Kevin. Itinigil ang ginagawa at napagdesisyunang makinig sa kaibigan.

"Bakit naman?"

Huminga ng malalim si Kevin bago sagutin ang tanong ni Alvin.

"Guys, sorry kung ngayon ko lang sasabihin sa inyo. Nung una akala ko coincidences lang lahat pero, mukang mali ako. Nung nasa camp tayong lahat, lumabas ako para umihi sandali. Tulog na kayong lahat maliban kay Chelsea na nagbabasa ng manga."

Tumingin siya kay Chelsea.

"Ah, oo! Pero inaantok ako nun kaya natulog din kaagad ako."

"Wala din nun si Audrey sa loob. Sabi ni Chels lumabas daw para magpahangin. Nung tapos na ako umihi, hahanapin ko sana si Audrey kasi baka kung san siya napunta. Kaso may natanaw ako na babaeng nakaputi na may dala-dalang stick o bat? Natakot ako kasi akala ko multo kaya nagmadali ako pumasok sa loob."

Natawa si Audrey.

"Hahaha! Duwag ka pala eh. Hahaha!"

Tumingin silang tatlo sa tumatawang Audrey.

"Tama, nagpahangin ako nun. Ewan ko ba, nakita ko nalang ang sarili ko sa gilid ng tent natin. Makalipas ang ilang minuto, bumalik na din ako at natulog."

Napatingin naman sila kay Alvin na namumula at tahimik.

"Oy kuya, bat ka namumula dyan?"

Siniko niya ang kapatid.

"So kami lang ni Chels ang naiwan sa loob ng tent?"

Tumawa si Audrey at Kevin, namula na rin naman si Chelsea. Lalo pa ngang namula si Alvin.

Sinipa ni Audrey ang paa ng kapatid sa ilalim ng mesa. Nasaktan ito kaya gumanti at inapakan siya.

"Aray naman kuya!"

"Hahaha! Ikaw kase sipa ng sipa."

"Argh bwisit!"

Nagtawanan si Chelsea at Kevin sa kambal. Ang cute talaga nilang dalawa kapag nagbabangayan.

"Teka muna."

"O sige na nga, ituloy mo ang eksplanasyon mo!"

"So ayun na nga, yung akala kong multo, tao pala, yung killer! Kasi nung camp nakita ko na naman siya sa kakahuyan. Pero maaga pa yun, gising pa lahat. Nakasilip siya samin tapos nawala nung tinignan ko."

"Ay nako, Kevin! Minumulto ka na ni Saff, hahahaha!"

Nainis si Kevin sa sinabi ni Chelsea.

"Ewan sayo! Wag mo na nga ipaalala yun."

Tumawa lang ng tumawa si Chelsea. Naiwang nagtataka ang magkapatid.

"Ahm, Chelsea. Sino yung Saff?"

Tumatawa pa din si Chelsea pero huminahon din makalipas ang limang segundo.

"Si Saff? Ahahahahaha! Yun yung may gusto kay Kevin nung elementary kami. Napaka-obssessed nga nun eh hahahaha di ba Kevs? Siya pa ang nanligaw kay Kevs tapos binasted naman ng kaibigan natin. Hahahaha. Naglaslas nung gabi, ayun tigok. Nako Kevs, minumulto ka na kasi di mo siya sinagot. Hahahaha!"

Nakasimangot lang si Kevin. Pati sila Alvin at Audrey ay nagtatawanan na din.

"Makikinig pa ba kayo o ano?"

"Hahaha, oo na!"

Napailing lang siya bago nagsalita muli.

"Nung gabi bago matagpuan ang bangkay sa likod-bahay nila Alvin, naglalakad kami ni mommy pauwi. Kumain kasi kami sa labas since tinatamad siya magluto. Andun na naman yung babae. Nakita rin ni mommy, akala niya daw si Audrey lol. Pero malabo naman yun eh, di ba? Bakit naman lalabas si Audrey ng past 12?"

Natigilan silang lahat, pati na si Audrey. Ngumiti siya at sinabi...

"Ha-ha-ha! Nga naman, bat ako lalabas ng ganung oras? Tsaka naka-lock ang buong bahay namin. Eh bakit naman past 12 na kayo nakauwi?"

Si Kevin naman ang natigilan.

"Nag-shopping si mommy eh."

***

"Chelsea anak, tignan mo ito oh."

Dali-daling nagpunta sa living room si Chelsea. Nandoon ang yaya niya na nanonood ng balita sa TV.

"Nagsampa na po kami ng kaso laban sa killer. Hustisya naman! Mga pulis, ayusin niyo naman ho mga trabaho niyo!" 

Sumigaw ang isang inang umiiyak. Pinapalabas ngayon sa balita ang pagrereklamo ng mga kamag-anak ng mga biktima.

Lahat nag-iiyakan. Lahat malungkot.

Pati si Chelsea ay nalungkot. Bakit nga ba hindi pa mahanap ang killer o killers? Ganun ba talaga siya o sila kagaling kaya di sila mahuli?

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon