Chapter XI

317 16 2
                                    

Pinauwi na ang lahat ng campers sa kani-kanilang mga bahay. They're so worried, they can't afford to lose another one.

"Kuyaaa!! Balita ko may namatay na camper?"

Sinalubong ni Audrey ang kapatid nang makita niya itong papasok ng gate nila. Kinuha niya ang luggage nito at pumasok sa loob.

"Oo nga eh. Alas dos na naman ang death time."

Seryoso ngayon si Alvin. Hindi niya maisip kung bakit may sunod-sunod na kaso ng pagpatay sa lugar nila.

"Alas dos na naman? Bakit nga ba palaging alas dos!" Hinila niya ang luggage ng kapatid papunta sa kwarto nito.

Sumunod naman si Alvin sa kanya. Wala ngayon ang daddy nila dahil may trabaho ito sa ospital.

"Kaya nga eh."

Nilibot ni Audrey ang paningin sa kwarto ni Alvin. Ngayon lang siya nakapasok dito.

Kulay puti ang lahat dito. Pati mga gamit ng kuya niya, kulay puti din. Naalala niyang ito nga pala ang paboritong kulay ni Alvin.

"Punta lang ako sa kwarto ko ha."

Lumabas na si Audrey at nagpunta sa sariling kwarto. Kanina pa siya mag-isa sa bahay. Nasa probinsya kasi si Yaya Emy niya para bisitahin ang mga kamag-anak nito.

***

"O, anak kamusta ang camp? Mabuti at ligtas ka. Nabalitaan ko nga yung kaso."

Mama's boy si Kevin. Matagal na kasing patay ang daddy niya. Gaya ng sa mommy nila Alvin, hindi malinaw ang sanhi ng pagkamatay nito.

"Okay lang, ma. Sige, tutulog muna ako."

Siya si Beth, ang nanay ni Kevin. Malungkot pa rin siya dahil hanggang ngayon, wala pang nakukuha ang mga pulis at imbestigador na dahilan ng pagkamatay ng asawa niya.

Namatay ito isang gabi, pagkauwing pagkauwi nila galing Australia. Ikinagulat nila talaga ito dahil wala naman silang kaaway o pinagkakautangan. Isa pa rin itong misteryo para sa angkan nila.

***

"Audrey? Alvin? Yaya Emy?"

Dumating na ang daddy ng kambal galing trabaho. Psychologist ito sa malapit na ospital.

"Daddy?" Naunang lumabas si Audrey. Tulog pa kasi si Alvin.

"Nasan ang kapatid mo, anak?"

"Natutulog po sa kwarto niya."

"Hay salamat. Akala ko nawala na rin ang kuya mo eh."

Nakahinga ng maluwag ang daddy nila sa nalaman. Kanina pa kasi ito nag-aalala dahil sa kakaisip sa mga anak niya. Nabalitaan din kasi niya ang pagkawala at pagkamatay ng isang camper na kasama nila Alvin kaninang umaga.

"Nasan nga pala ang yaya Emy niyo?"

"Ah, umuwi po ng probinsya para dalawin ang pamilya niya."

"Hmm.. dapat nagsabi nalang siya para nasamahan natin. Mahirap mag-byahe ngayon eh."

Si Yaya Emy, ang nag-aalaga sa kambal simula pagkabata. Siya din kasi ang yaya ng mommy nila nung bata pa ito.

Mabait at mapag-alaga si Yaya Emy. Para sa kanya, anak na niya ang kambal na sina Audrey at Alvin. Labis nga ang kalungkutan niya nang mamatay ang ina ng mga ito. Kaya naman pinangako niya sa sarili na poprotektahan niya ang mga alaga.

Dinial ng daddy nila ang phone number ni Yaya Emy. Dahil nga pamilya na ito sa kanila, niregaluhan nila ito ng sariling cellphone.

"Bakit po, sir?"

"Wala, gusto lang namin malaman kung safe ka."

"Oho, sir. Nandito na ako kasama ang pamilya ko. Uuwi ho ako sa makalawa."

"Susunduin ka namin, ya!" Sigaw ni Audrey sa background na ikinatuwa ng yaya nila.

"O siya, sige na Audrey. Ikamusta niyo na lang ako kay Alvin."

Inagaw ni Audrey ang phone ng daddy niya. Miss na niya talaga si Yaya Emy.

"Yes, ya. Kamusta din po dyan? Miss you! Sige po, bye na. May pasok pa po kami bukas eh."

"Sige, anak. Ingat kayo dyan."

"Opo, ya. Ingat din po kayong lahat ha?"

Masayang nagtatakbo papunta sa kwarto si Audrey. Mas close kasi sila nito kesa sa kapatid niya. Kay Yaya Emy niya sinasabi lahat ng mga sikreto niya dahil wala siyang tiwala sa kapatid. Pinagkakalat kasi nito sa iba.

-----------------------------------------------------------

Author's Note: Yas! Nakapag-UD din sa wakas. Yohoho. Sorry late UD. Binagyo kasi ang Cavite eh. Pero eto na ang UDs ko for Psycho.

Habang maaga, ipopromote ko na ang upcoming mystery/horror stories ko. Isusunod ko right after nito yung Alisa. It's about a cursed doll who's mad at a girl. After naman nun, yung Camp Matthews. Remember yung camp na pinuntahan ng mga boys? Aalamin natin ang misteryong bumabalot dun.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon