Chapter XVIII

310 15 2
                                    

Sinamahan ni Chelsea si Audrey umuwi. Natatakot kasi siya na baka may makapag-trigger ng other side nito. Masaya siya kasi nalutas na ang blank cases. Pero malungkot rin a the same time. Dahil kaibigan niya ang killer ng lahat. Wala siyang idea kung ano ang gagawin ng mga pulis kay Audrey.

Naisip niya na mas mabuti king sabihin muna ang lahat sa daddy at kapatid nito. Sila ang makakaintindi ng kalagayan ni Audrey. At maiidepensa rin nila si Audrey kapag nasabi na nila sa mga pulis.

"Chelsea, sure ka okay lang?"

"Ang alin?"

"Yung ginawa ko." 

Hindi makasagot si Chelsea. Alam niyang may kapalit ang lahat ng kasalanan ng kaibigan. Natatakot siya para dito.

"Ahm, oo okay lang." 

Naglalakad sila papunta sa bahay nila Audrey. Pinagtitinginan silang dalawa. Kumalat kasi ang balita na sa bahay nila Chelsea pumunta ang killer. Nagtataka ang lahat kung bakit maayos naman ang dalaga at kung bakit kasama nito ang kaibigan.

"Sigurado ka okay lang? Bakit ganyan ang tingin nila sakin? Dapat ko ba silang patayin?" 

Nagulat si Chelsea sa sinabi ng kabigan.

"No, no. No, Audrey. Hindi mo sila kailangan patayin. Mabait sila." 

May natitira pa ding takot at kaba sa isipan ni Chelsea. Lalo na nang marinig niya ang sinabi nito. Para siyang baliw na hindi ma-kontrol kahit anong gawin.

***

"Ganun ba? Audrey, mag-usap tayo mamaya." 

Tama ang hinala ni Charles. Nakuha nga ni Audrey ang sakit sa utak sa ina. Pero pwede nga bang makuha iyon through heredity?

Psychologist siya, pero di niya nasolusyunan kaagad ang problema ng anak. Matapos kasi ng pagkamatay ni Lily, nagtake siya ng BS Pschology upang mapalawak ang kaalaman sa mga psychos.

"Audrey, ikaw naman yan di ba?"

"Oo, kuya! Ako 'to, ang cute mong kapatid." 

Nakangiti siya nang sumagot. Ibang-iba sa Audrey na kilala ng lahat. Ang dating Audrey na tahimik at mahinhin ay wala na. Napalitan na siya ng Audrey na cheerful at masayahin. Ganito ba ang epekto ng pagkabaliw?

"Daddy, matutulog lang muna ako ha?" 

Nagtatakbo siya papunta sa kwarto. Naiwan silang tatlo doon sa may terrace.

"Dad, bat ganun? Naging cheerful na siya."

"Sa tingin ko nailabas na niya ang depression na itinago niya sa loob ng sampung taon. Naalala mo kung gano niya kamahal si Lily? At kung paano siya nag-react nang mamatay siya? Siguro nga, yun ang way para ma-release niya ang lungkot at hinanakit." 

Napatango si Chelsea bilang pagsang-ayon.

"Pero anong dahilan ng pagpatay niya?"

"Base sa naobserbahan ko, galit siya dahil biglang nawala ang mommy niya. Ilang taon niya yun kinimkim sa sarili. Siguro gusto niya di siya nag-iisa na namamatayan."

***

Nakaupo si Audrey sa kama niya. Ni-lock niya ang pinto dahil ayaw niyang makita ng lahat ang gagawin niya.

"Masyado na akong madaming napatay. Dapat lang na pagbayaran ko lahat ng yon." 

Nung gabing pumunta siya sa bahay ni Chelsea, doon niya napagtanto ang lahat lahat. Nalilito pa siya nung una. May nagsasabi sa kanya na sumuko na lang at may magsasabi din sa kanya na pumatay.

"Kinailangan nila mamatay bilang kapalit ng kapalit ng pag-aakusa nila sa mommy ko! Galit ako sa kanila, galit na galit!" 

Umiiyak na siya. Hinanap niya sa cabinet ang pinakatatako at pinakainiingatan niyang gunting. Regalo ito sa kanya ng mommy niya noong kinder siya. Mahilig kasi siya gumawa ng handicrafts.

"Ito lang ang tanging paraan... upang makasama ko ang mommy ko."

***

"Tito Charles, di ba sabi mo nagpakamatay si Tita Lily nang akusahan siya ng mga tao sa paligid niya?" Makahulugang tanong ni Kevin.

"Oo, bakit?"

"Naisip ko lang, kung sumusunod siya sa bawat hakbang ng mommy niya..."

Natigil siya ng saglit.

"Maaaring magpakamatay din siya?" Dinugtungan ni Chelsea ang sinabi ni Kevin.

Nagkatinginan silang lahat. Naalala nila ang pinakaimportanteng bagay para kay Audrey, ang gunting na regalo ng mommy nito sa kanya.

Dali-dali silang nagpunta sa kwarto ni Audrey ngunit naka-lock ito.

"Sh*t."

"Nagiging hobby mo na ang pagmumura ha."

"Tss."

Inabot ni Charles ang spare key ng kwarto ni Audrey. May spare keys siya ng lahat ng kwarto dito.

Inabutan nila si Audrey na hawak-hawak ang paborito niyang gunting na nakatapat sa leeg niya.

She's suiciding in a way her mom did. 

Hinawakan ni Chelsea at Alvin si Audrey. Kinuha naman ni Kevin ang gunting saka ito inilayo sa kaibigan.

"Audrey, anak... wag kang magpapakamatay."

"Pero gusto ko! Wag niyo ako pipigilan kundi, isa sa inyo ang isasama ko sa mga napatay ko!" 

Nagalit na naman si Audrey. Lahat ay nasindak. Pero naging kalmado lang si Kevin.

"Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Minsan kailangan mo magparaya para sa ikakasaya ng marami. Para sa ikakasaya namin."

"Ano ba Kevin! Hugot pa more. Kainis."

Inirapan lang ni Chelsea si Kevin.

Tumahimik si Audrey at humarap sa daddy niya.

"I love you, daddy!" Parang batang sigaw niya.

Naguluhan silang lahat.

"Wew, Audrey." Komento sa kanya ng kapatid.

"Okay na ha? Wag na magtatangka."

"Opo."

***

"Daddy, bakit kailangan ako ipadala dun?"

"Makakatulong yun sayo, Audrey."

"Magtatagal po ba?"

"Hindi. Saglit lang yun, anak."

"Sige po. Bye, kuya! Bye, yaya! Bye, Chelsea! Bye, Kevin! Dapat pagbalik ko si kuya at si Chelsea na ha?"

Namula ang dalawa sa huling sinabi ni Audrey. Siniko sila ni Kevin.

"Ah, oo! Pangako, kapatid."

Inuto nila si Audrey upang mapapayag ito na dalahin sa rehabilitation center. Tama si Charles. Mas mabuti ng ganito kesa mawala pa si Audrey.

Umiiyak sila nang makaalis si Audrey.

It's over.

The hunt's over.

Nakausap na nila ang mga pulis. Underage din naman kasi si Audrey kaya hinayaan na lamang ito mag-rehab. Binayaran na lamang nila ang bills at fees na hinihingi ng mga namatayan. Humingi sila ng tawad sa mga ito.

Ayos na ang lahat.

Nalutas na lahat ng kaso.

Hihintayin nila ang pagbabalik ni Audrey.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon