<AUTHOR'S NOTE>
Dinededicate ko ito sa aking Sis na si Vanessa. Salamat sa patuloy mong pagsuporta sa story ko. :))
__________________________________________________________
PROLOGUE
Noong unang panahon, may isang diwata na nakatira sa Bundok Makiling. Tinatawag siyang Maria Makiling. Isa siyang napakagandang nilalang. Maputi ang kanyang kutis. Mahaba at tuwid ang kanyang buhok.
Ayon sa mga kuwento, dati raw ay nakikisalamuha pa si Maria sa mga tao. Pinapatubo niya nang maayos ang mga tanim ng mga magsasaka. Pinapagbunga niya nang marami ang mga punong-kahoy. At sa iilang pagkakataon, para makatulong sa mga pamilyang naghihirap, ginagawa niyang ginto ang mga butil ng luya.
Pero dumating ang pagkakataon na umibig si Maria sa isang lalaking mortal. Hindi iyon dapat para sa isang diwata, pero nagdesisyon si Maria na sundin ang kanyang puso.
Ang masama, ipinagkasundo ang lalaking iniibig ni Maria sa ibang babae. Ayon sa mga magulang ng lalaki, walang mangyayaring mabuti sa pag-ibig nito kay Maria. Ang mga mortal daw ay para lang sa mga mortal. Walang nagawa si Maria kundi ang lumuha at magmukmok sa kaharian ng mga diwata. Nagkaroon siya ng pagkamuhi sa mga tao.
Lumipas ang maraming taon. Ikinasal si Maria sa isang lalaking diwata. Naging masaya naman sila kahit papano. Biniyayaan din sila ng isang magandang anak na kamukhang kamukha ni Maria.
BINABASA MO ANG
Romancing Miss Makiling (on hold)
Teen FictionFirst time ko siyang nakita, na-in love agad ako sa kanya. Lalo pa noong nakasama ko siya. Ang ganda niya kasi. Ang sweet pa. Pero hindi pala siya ordinaryong tao. At kahit gaano kami ka-close, mawawala rin pala siya sa akin isang araw...