Chapter 24
“Wait. Ibig mong sabihin you’re just acting, Mom?”
MAYA’S POV
Nanlaki ang aking mga mata nang lingunin ko ang taong humaltak sa akin.
“M-Mommy?”
Gulat na gulat ako sa presence niya.
“W-What are you doing here?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko kayang nasasaktan ang aking pinakamamahal na anak,” sabi niya.
At sa isang iglap ay naramdaman kong nasa kingdom na namin kami.
“Mommy…” Ang tangi kong nasabi at yumakap ako sa kanya.
“Ang baby ko… umiibig na,” sabi niya pa sabay haplos sa buhok ko.
“Mommy, I love Mario. I want to get married to him,” ang sabi ko.
“Hindi ngayon ang tamang panahon para pag-usapan ang bagay na yan, Maya,” sabi ni Mommy.
Napatingala ako sa kanya.
“What do you mean, Mom?” tanong ko.
“Maya, bata ka pa. Marami ka pang dapat matutunan sa buhay,” sagot niya at ngumiti siya.
“Bata pa ako? E, bakit gusto mo na akong ipakasal sa Adrian monster na yon, Mom?” nakasimangot kong tanong sa kanya.
Natawa si Mommy.
“Anak, hindi mo naiintindihan. Hindi dahil nakatakda na ang iyong kasal ay agad-agad na magpapakasal kayo,” mahinahon niyang sabi.
Napaisip ako sa sinabi ni Mommy.
“So, bakit mo ako ininform about my marriage?” tanong ko.
“Yan ang dapat mong madiskubre, Maya. Alam kong matalino ka. Kaya hinayaan kitang mamuhay sa lupa dahil malaki ang tiwala ko sa yo,” sabi niya.
Nabigla ako sa sinabi niya.
“You mean to say na hindi ka na galit sa akin, Mom?” tanong ko.
“Anak, hindi kailanman ako nagalit sa yo,” sagot niya.
“What?!” gulat kong tanong.
Natawa si Mommy.
“Kung may isa pang katangian ang iyong ina na hindi mo pa nadidiskubre ay ito na ang tamang pagkakataon para malaman ito,” sabi niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. Bigla kong naisip ang isang bagay.
“Wait. Ibig mong sabihin you’re just acting, Mom?”
Napatango siya at natawa nang malakas. Kakaiba si Mommy. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa nang malakas. Parang hindi reyna.
“Tama ka, anak. Yon ay para malaman ko kung ano talaga ang nilalaman ng puso mo,” sagot niya.
Napatitig ako sa kanya habang pinag-iisipan ang sinabi niya.
OMG! It can’t be!
MARIO’S POV
Ano itong nararamdaman ko?
Parang may kung anong kakaibang lakas ako na di pangkaraniwan.
Am I dreaming? Hallucinating?
Maya? Ikaw ba may gawa nito?
Unti-unti ay natatalo ko si Adrian.
“T-Taga-lupa! B-Bitiwan mo na ako. H-Hindi ko na kaya,” utos niya.
“Taga-lupa? Call me Mario,” sabi ko sa kanya. “Suko ka na ba? Akala ko ba malakas ka? Bakit parang hinang-hina ka na?”
“Taga-lu… Mario! P-Pakiusap. H-Hindi ko na talaga kaya…”
“Mangako ka muna, Adrian. Ipangako mong lalayuan mo na si Maya at hinding-hindi mo na kami guguluhin,” sabi ko.
“O-Oo. Nangangako ako, M-Mario,” sabi niya.
“Mapanghahawakan ko ba ang promise mo ha?” paniniguro ko sa kanya.
“O-Oo,” sagot niya na halos hindi na makapagsalita sa pagkakasakal ko.
Nang masiguro kong hindi niya na kayang manlaban o manakit ay unti-unti ko siyang binitiwan.
Sa aking pagtataka ay bigla na lamang siyang naglaho.
Napatingin ako sa paligid. Nasa school ground ako.
Kinapa ko ang aking putok na labi pati na ang aking mga mata.
Wala akong makapang sugat. Hindi ko na rin maramdaman ang sakit ng aking mukha at mata na kanina’y hindi ko halos maidilat.
Anong nangyari? Nananaginip lang ba ako?
Hinampas ko ang aking braso. Aray! Napalakas yata.
Nasaktan ako kaya siguradong gising na gising ako.
“Mario! San ka ba galing? Nasan na si Maya? Nagkita ba kayo?”sunud-sunod na tanong ni Melinda.
Napatitig lang ako sa kanyang mukha. Walang lumabas na salita sa bibig ko.
“Hello? Earth to Mario,” sabi ni Melinda sabay kaway sa harap ko.
“M-Melinda? Si Maya? Nasan nga ba si Maya?” naguguluhan kong tanong.
“Mario, okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo. Pumasok na nga tayo sa room. Kanina pa nagsisimula klase. Nagpaalam lang ako kay Mr. Agohoy na pupunta ng CR kaya pede umayos ka ha?” sabi niya.
“Hey! Looking for me?” Si Maya.
Napangiti ako nang Makita siya.
“Uy, Maya! Ano bang nangyayari sa bf mo? Nawawala yata sa sarili,” sabi ni Melinda.
Napatingin ako kay Maya. Bigla akong nabuhayan ng dugo pagkakita sa kanya.
“Hoy, lovers! Hindi ito ang oras ng pagtulala ha. Bumalik na tayo sa room. Baka mamaya dyan mawala na naman kayong dalawa. Hirap makipag-hide and seek sa inyong dalawa,” biro niyang sabi.
“Tara na, Maya” yaya ko sa kanya sabay hawak sa mga kamay niya.
______________________________________________________________
Author’s Note:
Medyo nagkakaroon na ng linaw ang lahat. Palagay ko mas makabubuting sundan nyo na lang ang next chapter. Enjoy! :D
BINABASA MO ANG
Romancing Miss Makiling (on hold)
Teen FictionFirst time ko siyang nakita, na-in love agad ako sa kanya. Lalo pa noong nakasama ko siya. Ang ganda niya kasi. Ang sweet pa. Pero hindi pala siya ordinaryong tao. At kahit gaano kami ka-close, mawawala rin pala siya sa akin isang araw...