Chap 5 - Oh-em-gee!

529 10 1
                                    

Chapter 5

“Oh-em-gee!”

MAYA’S POV

 

“Good morning, Princess Maya!” masiglang bati ni Lara sa akin.

Pupungas-pungas pa ako at naghihikab nang sandaling iyon. Antok na antok pa kasi ako. Parang gusto ko pang matulog.

“Lara, will you please get out of my sight? I want to sleep pa e. Istorbo ka!” naiinis kong sabi.

“Hey, Princess! Gusto mong mawala antok mo?” natatawa niyang sabi.

“Hello? Di ba sabi ko nga sa yo…”

Bigla na lamang niyang inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ko at inilipad ito papalabas ng room ni Aling Ela.

“Come and get it, Princess!” tatawa-tawang sigaw niya.

Napabangon ako sa inis at hinabol ko siya. Halos magkandarapa ako sa paghabol sa kanya nang tumigil siya sa harapan ng batalan at doon mismo inilaglag ang kumot sa may pinto.

“Hihihi! See you later, Princess!” sabi niya sabay lipad papalayo sa akin.

“Argh! Nakakainis ka, Lara,” sabi ko.

Narinig ko ang pagbuhos ng tubig sa batalan nina Mario.

Naisip ko na baka naglalaba si Aling Ela kaya lumapit ako para silipin siya at batiin. Pero nabigla ako sa nakita ko.

Nakatalikod si Mario at kasalukuyang naliligo. Nakahubad!

Napalunok ako. “Oh-em-gee!” bulong ko.

Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ko sinisilipan si Mario?

Matagal kong tinitigan ang kanyang mala-Jacob Black na katawan.

Akalain ko bang ganon na kalaki ang katawan niya e mukha namang patpatin siya.

Lalo ko pang pinagmasdan ang kanyang katawan. Nangingintab ang likod niya habang binabanlawan ito.

Ang landi mo, Maya! natatawang sabi ko sa sarili ko.

Napansin kong papatapos nang maligo si Mario at akmang haharap na sa kinatatayuan ko. Nagmamadali akong tumalikod at humakbang palayo. Hindi ko napansin ang kumot na inilaglag ni Lara sa sahig. Huli na nang mapansin iyon kaya bigla akong nadulas at bumagsak sa sahig.

“Ouch!” sigaw ko sabay hawak sa balakang ko. Ang sakit ng pagkakabagsak ko.

Romancing Miss Makiling (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon