Chap 27 - Hinding-hindi kita ipagtatabuyan. Promise. Mahal na mahal kita!

165 4 0
                                    

Chapter 27

“Hinding-hindi kita ipagtatabuyan. Promise. Mahal na mahal kita!”

MARIO’S POV

Napapalibutan ako ng mga nilalang na hindi pamilyar sa akin. Nakakatakot at nakakapanindig balahibo ang mga itsura nila. Saan sila nanggaling? Bakit parang nanlilisik ang kanilang mga mata? 

Teka. Nasaan ba ako? Anong lugar ito? May ganito bang lugar sa baryo namin? 

Bangon taga-lupa!” sigaw ng isang nilalang na napakaitim at ang tulis ng pangil.

“A-Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko.

“Ha! Wala nang maraming tanong. Sumama ka sa amin,” sabi niya sabay hablot sa braso ko.

“Teka lang. Saan nyo ako dadalhin?” naguguluhan kong tanong.

“Mario! Tulungan mo ako. Mario!” sigaw ng pamilyar na boses. Si Maya!

“Maya! Nasaan ka? Maya!” sigaw ko. “Bitiwan mo ako! Kelangan kong iligtas si Maya,” sabi ko.

“Hahaha! Nakakamangha ka naman taga-lupa. Anong pinagsasasabi mo? Isa kang mortal. At sa mundo namin wala kang magagawa. Wala kang ligtas sa anumang kaparusahan. Naiintindihan mo ba yon?” nanlalait na sabi ng bakulaw na kaharap ko.

“Hoy, bakulaw! Huwag na huwag mong mamaliitin ang kakayahan ko. Hindi ako natatakot sa yo. Hindi mo rin alam ang maaari kong magawa sa yo!” nanggagalaiti kong sabi. 

“Hinahamon mo ba ako taga-lupa?” galit na tanong nito.

“Bakit bakulaw? Natatakot ka ba?” nang-aasar kong tanong.

Bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko na tila mababali ang aking buto.

Kailangan ko siyang labanan. Kailangan kong mailigtas ang prinsesa ko.

Pinikit ko ang aking mga mata. Unti-unti ay nakaramdam ako ng kakaibang lakas. Idinilat ko ang aking mga mata.

“Yaaaaah!” sigaw ko sabay hawak sa kamay na nakahawak sa aking braso at inihagis sa grupo ng mga bakulaw.

Isang matinding liwanag ang bumalot sa lugar. Unti-unting naglaho sa paningin ko ang mga nakakatakot na nilalang.

“Maya! Maya! Nasaan ka?” sigaw ko.

Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

“Mario, gising. Nananaginip ka.” Si Maya.

Agad ko siyang niyakap. 

“M-Mario, anong nangyayari sa yo?” tanong niya.

“Maya, mahal ko. Akala ko kung napano ka na,” sabi ko.

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at tinitigan ang kanyang mga mata. 

Salamat at panaginip lang lahat. Pero parang totoo ang mga bad creatures na yon.

“Okay lang ako, Mario. Look! I’m fine. Don’t you worry,” sabi niya sabay haplos sa pisngi ko at ngumiti.

“Maya, wag mo akong iiwan. Please,” pakiusap ko sa kanya.

“Mario, hindi ako aalis unless ipagtabuyan mo ako,” nakataas ang kilay niyang sabi.

“Hinding-hindi kita ipagtatabuyan. Promise. Mahal na mahal kita!” sabi ko at muli ko siyang niyakap nang mahigpit.

Romancing Miss Makiling (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon