Chap 1 - Pssst! Pogi!

975 24 4
                                    

<AUTHOR'S NOTE>

Friend Mike, dedicated sa yo ang chapter na to. Salamat sa lahat ng suportang ibinibigay mo. :))

 

____________________________________________________________

Chapter 1

“Pssst! Pogi!”

MARIO'S POV

Isang hapon habang pauwi ako galing sa bukid, natanaw ko ang isang magandang babae sa ilalim ng punong mangga.

Balak ko sanang lapitan siya. Pero nang nasa tapat niya na ako bigla akong nahiya kaya napabilis ang lakad ko.

"Pssst! Pogi!"

Napatigil ako sa aking paglalakad at lumimgon sa pinanggalingan ng tinig.

Napangiti ako nang makitang ang babaeng nasa ilalim ng puno ang tumawag sa akin.

Wow, ang ganda talaga niya. Pero bakit ganun yung damit niya?

Hindi ko napigil na mapangiti sa kanya. "Ako bang tinawag mo?" sabay turo sa sarili ko.

"Oo naman, Pogi. Wala namang ibang lalaki dito, di ba?" ubod tamis ng kanyang ngiti.

Napansin ko ang pantay-pantay at puting-puti niyang ngipin. Parang model ng toothpaste.

Wow, ako talaga kinakausap niya. Ang ganda niya. Sino kaya siya?

"Kilala mo ko?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Hindi. Naligaw lang ako dito e. Hindi ko nga alam kung papano ako uuwi," sagot niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti.

Nagulat ako sa sagot niya. "Naligaw? Saan ka ba nakatira?" nagtataka kong tanong.

"H-Hindi ko alam e. Hindi ko matandaan," alanganin niyang sagot.

Napangiwi ako sa sinagot niya. Hindi niya alam? Ang labo naman. "Bakit hindi mo alam?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya at saka muling nagsalita. "Basta nagising na lang ako sa malapit sa ilog. Wala akong maalala. Naglakad-lakad lang ako kaya nakarating ako dito. Pagod na nga ako e," pagpapaliwanag niya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Wala kang maalala?" usisa ko.

"Wala. Hindi ko alam kung anong address ko, vital statistics ko, pangalan ng parents ko. Pero name ko, tanda ko. I'm Maya," sagot niya sabay abot ng kanyang kamay.

Romancing Miss Makiling (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon