Chapter 14
“Pede isa pa?”
MAYA’S POV
Para akong lumulutang sa alapaap pagkatapos kong halikan si Mario. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na gawin iyon sa kanya. Parang magnet siya na hinaltak ako palapit sa kanya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko pero hindi siya nagsalita. Tahimik lang niya akong pinagmasdan pagkatapos ko siyang halikan. Agad akong tumayo, nginitian siya at naglakad palabas ng bakurang iyon na hindi lumilingon sa kanya. Naka-first base na ako!
Naramdaman kong nakasunod lang siya sa akin. Dumistansya siya. Nahihiya siguro. Hay, ang torpe naman kasi e. Ako pa talaga ang gumagawa ng move para lang maka-score sa kanya?
Sa wakas nakarating na rin kami sa peryahan.
Marami akong nakikitang magbabarkada sa loob ng peryahan. Ang iingay nila.
“Mario?” tawag ko sa kanya sabay lingon sa likod ko.
Bigla akong nainis nang hindi ko siya nakita.
Saan naman kaya siya nagpunta? Huwag na huwag niya akong iiwan kundi lagot siya sa akin.
“Maya!” narininig kong tawag ng isang pamilyar na boses.
“Fredo?” sagot ko.
“Nag-iisa ka lang?” tanong niya.
Nginitian ko siya. “Hindi. Kasama ko boyfriend ko. Kaya lang bigla siyang nawala e. Nakita mo ba siya?”
“Si Mario? A, hindi ko napansin. Nandyan lang yon sa tabi-tabi,” natatawa niyang sabi.
Tumango na lang ako.
“Okay ka lang ba? Gusto mo bang samahan kita hanggang dumating siya?” nag-aalala niyang sabi.
“Okay lang ako. Magkikita rin kami. Sige na. Mukhang hinihintay ka na ng mga kasama mo,” sabi ko sabay nguso sa mga kalalakihang nasa di kalayuan.
“Sige, maiwan na kita,” paalam niya.
“Maya? Ikaw ba yan?” Mula sa likuran ko nanggaling ang tinig.
“Oy, Melinda. Nandito ka rin pala. Sino kasama mo?” tanong ko.
“Wala na. Kanina meron kaso nauna nang umuwi sa akin. Ikaw, sinong kasama mo?” tanong niya.
“Si Mario,” nakasimangot kong sagot.
“O, e bakit parang hindi ka masaya? Iniwan ka ba niya dito?”
“Ewan ko. Kanina pagpunta dito kasama ko siya. Paglingon ko sa likod ko wala na siya. Iniwan na nga yata ako,” sagot ko.
Bigla siyang napalingon sa likuran ko.
“Hindi naman siya nawawala, Maya. Ayun pa rin siya sa likuran mo, o!” natatawa niyang sabi.
Agad akong lumingon sa likuran ko. Nakita ko nga si Mario at may hawak-hawak siyang cotton candies.
Bigla akong napangiti. Nakalimutan ko ang tungkol sa pag-iwan niya sa akin. Agad kong kinuha ang kulay pink na cotton candy.
“Salamat dito ha,” masaya kong sabi at agad kong dinilaan ang cotton candy.
“Hoy, Mario! Akin yan, di ba?” sabi ni Melinda sabay kinuha ang isang cotton candy na hawak ni Mario.
Masaya kaming kumain ni Melinda. Napansin ko na nakatingin lang sa amin si Mario.
“Gusto mo?” alok ko sa kanya.
Umiling lang siya.
“Mario, bakit parang may kakaiba sa yo?” puna ni Melinda.
BINABASA MO ANG
Romancing Miss Makiling (on hold)
Fiksi RemajaFirst time ko siyang nakita, na-in love agad ako sa kanya. Lalo pa noong nakasama ko siya. Ang ganda niya kasi. Ang sweet pa. Pero hindi pala siya ordinaryong tao. At kahit gaano kami ka-close, mawawala rin pala siya sa akin isang araw...