<AUTHOR'S NOTE>
Dedicated ito sa yo, Bro Carlos. Alam ko lagi kang nandyan to support me kahit na madalas e silent reader ka. :))
____________________________________________________________
Chapter 3
“Bili na kayo!”
MAYA’S POV
“Good morning, Aling Ela!” bati ko.
“Good morning, Maya.”
“Si Mario po?”
“Kanina pa umalis papuntang bukid. Maghapon siya doon ngayon.”
“Magluluto na po ba tayo ng meryenda?”
“Oo. Pero kumain ka na muna ng almusal.”
After breakfast ay nagsimula na kaming magluto ng meryenda ni Aling Ela. Itinuro niya sa akin ang way ng pagluluto ng banana cue at turon.
"Maya, kukunin ko lang yung bilao na paglalagyan ng banana cue saka turon ha. Kapag mapula-pula na ang saging hanguin mo na," bilin ni Aling Ela.
"Opo. Tatandaan ko po," sagot ko.
Nang hahanguin ko na sa kawali ang banana cue ay bigla akong natalsikan ng mantika. “Ouch! It hurts,” naluluha kong sabi sabay ihip sa kamay ko na natalsikan ng mantika. Napangiti ako kasi wala nang bakas ng mantika sa kamay ko. Taglay ko pa rin pala ang healing power ko.
Hindi ko na malayan na nakabalik na pala si Aling Ela sa kusina. “O, napano ka, Maya? Narinig kong sumigaw ka,” nag-aalalang tanong ni Aling Ela.
“Natalsikan po ako ng mantika.”
“Naku, bata ka. Patingin nga. Nasaan? Parang wala naman a," nagtatakang sabi ni Aling Ela. "Mag-ingat ka. Ang kinis-kinis pa man din ng kutis mo. Anak mayaman ka siguro,” natatawang sabi niya.
Naku, Aling Ela! Kung alam nyo lang sana ang totoo.
“Hindi po. Kung totoo man po yon, e di sana hinahanap na nila ako,” nakangiti kong sabi.
“O, siya. Tapusin mo na yang ginagawa mo. Aayusin ko lang yung basket at bilaong paglalagyan natin ng mga yan.”
Hay, salamat! Sana mabentang lahat ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Romancing Miss Makiling (on hold)
Teen FictionFirst time ko siyang nakita, na-in love agad ako sa kanya. Lalo pa noong nakasama ko siya. Ang ganda niya kasi. Ang sweet pa. Pero hindi pala siya ordinaryong tao. At kahit gaano kami ka-close, mawawala rin pala siya sa akin isang araw...