Chapter 23
“Ha! Hindi ka lang pala panget, stupid ka pa!”
MAYA’S POV
I’m so worried. I can’t imagine Mario fighting with that monster. Anong gagawin ko? Hindi pwedeng manood lang ako dito sa gagawin ni Adrian kay Mario. Please be safe Mario my love.
Napapikit ako at napahinga ng malalim. Kung pwede sanang ako na lang ang lumaban sa mayabang na yon.
“Princess Maya…” Napalingon ako sa nagsalita. Si Lara.
“Lara, you’re just in time. What happened?” tanong ko sa kanya.
“Prinsesa, look!” sigaw niya sabay turo sa kinaroroonan nina Mario at Adrian.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
OMG! I don’t want to watch this scene.
Duguan ang mukha ni Mario. Halos pikit na ang kanyang mga mata.
Ang monster na si Adrian. Gumamit pa din ng powers niya. Unfair siya!
I want to help Mario pero hindi pwede.
Naiiyak na ako sa nangyayari sa kanya. Napayuko ako at tinakpan ng aking mga palad ang mukha ko sa awa kay Mario.
“Prinsesa!” sigaw muli ni Lara.
“What?!” ganting sigaw ko kay Lara sabay angat ng ulo.
“Look at them!” sigaw niya.
Anong nangyayari? Bakit parang hindi ko makitang mabuti si Mario? Nasaan na siya? Bakit natatakpan sila ng alikabok?
“Lara, nasan si Mario? Bakit di ko siya makita?” nag-aalala kong tanong sa kanya.
“Can’t you see them?” nagtatakang tanong ni Lara sa akin.
“What do you mean? Wala nga akong makita. Lapitan natin sila,” utos ko sa kanya.
“No, Princess! Wait lang tayo dito. Mas makabubuti sa yo yun,” sabi niya.
“Ano bang pinagsasabi mo? Kelangan kong makita si Mario ko,” sigaw ko sa kanya.
“Pero…” sabi niya.
“A, wala akong pakelam. I need to see him now!” sigaw ko.
Nang papalapit na ako sa kinalalagyan nila ay may biglang humaltak sa akin pabalik sa pwesto ko kanina. Pero nagpumiglas ako.
“Ano ba? Bitiwan mo ako!” sigaw ko.
Nakaramdam ako ng powers. Kinilabutan ako. Imposibleng mangyari yun.
“Maya, ako ito…”
Hindi ako makakilos. Kilala ko ang voice na yon. Hinding-hindi ako maaaring magkamali.
MARIO’S POV
Nagtitigan kami ni Adrian monster. Sa una ay nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang kikilos.
Naramdaman ko na parang may humampas sa aking mukha. Malakas. Parang limang kamao ang sumuntok sa mukha ko.
Napaatras ako. Halos mawalan ako ng ulirat sa lakas ng suntok na yon. Naramdaman kong may dugong umaagos sa bibig ko. Putok ang labi ko.
Nakaramdam ako ng pananakit ng aking mga mata. Halos hindi ko maidilat.
Anong nangyari? Bakit nanlalabo ang aking mga mata?
“Hahahha! Hanggang dyan ka na lang ba taga-lupa?” nang-iinsultong tanong ni Adrian.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Halos hindi ko siya maaninag. Nasaan siya?
“Talunan ka! Hindi ka nababagay kay Prinsesa Maya,” sabi niya sabay tawa nang malakas.
“Ako talunan? Nagpapatawa ka ba?” ganting sagot ko sa kanya. “Ikaw ang talunan at hindi ako.”
“Aba’t…” Narinig kong sabi niya.
“Sa simula pa lang ay talo ka na, Adrian. Kailanman ay hindi mapapasayo si Maya dahil kami ang nakatakdang makasal at hindi kayo. Mahal namin ang isa’t isa. Ipaglalaban ko siya hanggang kamatayan,” matapang kong sabi.
“Hindi ako papayag! Ako lang ang karapat-dapat na makaisang-dibdib ni Maya!” sigaw niya.
“Kahit ipilit mo pa ang sarili mo sa kanya, hinding-hindi ka niya papakasalan at lalong hinding-hindi mapapasayo ang puso, isip at kaluluwa niya,” sabi ko.
“Kahit kelan hindi mapapasayo si Maya taga-lupa! Akin siya! Sa akin siya magpapakasal sa ayaw at sa gusto niya!” nangagalaiti niyang sabi.
“Nakatitiyak ka ba sa sinasabi mo ha? Sa palagay ko hindi papayag ang reyna na makasal sa yo si Maya,” sabi ko.
“A-Anong ibig mong sabihin taga-lupa?” tanong niya at tila kinabahan.
“Ha! Hindi ka lang pala panget, stupid ka pa!” sabi ko.
“S-Stupid?” Tila alanganin niyang sagot.
“Oo, isa kang stupid prince. Walang brains. In short hindi kayo nababagay ng mahal kong prinsesa,” natatawa kong sabi.
“H-Hindi yan totoo. Kami ang bagay at hindi kayong dalawa,” sabi niya.
“Sige nga, patunayan mong hindi ka stupid,” hamon ko sa kanya.
Tila nag-isip siya nang malalim. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para gantihan siya sa ginawa niyang pambubugbog sa akin na alam kong hindi patas dahil gumamit siya ng powers.
Lumapit ako sa kanya. Inipit ko ang kanyang mga braso papunta sa likod niya gamit ang kaliwa kong braso saka ko siya sinakal. Nagpipiglas siya pero ginamit ko ang buo kong lakas upang pigilan siya.
Tinuhod ko ang pagitan ng hita niya at napaluhod siya sa lupa.
Hindi ko alam kung paano ko nagawa yon sa kanya. Parang may kakaiba akong lakas.
Ang sumunod na pangyayari ang hindi ko alam kung talagang ako pa ba ang gumagawa non sa kanya.
_____________________________________________________________________
Author’s Note:
Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update. Nagkasakit kasi ako. Anyway, hope you’ll like my update. :D
BINABASA MO ANG
Romancing Miss Makiling (on hold)
Fiksi RemajaFirst time ko siyang nakita, na-in love agad ako sa kanya. Lalo pa noong nakasama ko siya. Ang ganda niya kasi. Ang sweet pa. Pero hindi pala siya ordinaryong tao. At kahit gaano kami ka-close, mawawala rin pala siya sa akin isang araw...