Chapter 7
“Hindi mo ba alam? Rich ako!”
MAYA’S POV
Maaga akong nagising. Excited ako kasi pupunta kami ngayon ni Mario sa bayan para bumili ng mga bago kong damit. Nakita ko siya sa kusina na nag-aalmusal.
“Good morning, Mario!” masaya kong bati sa kanya. “Si Aling Ela?”
“Hi Maya! Good morning din,” nakangiti nitong sabi. “Wala si Nanay. Nagpunta sa kumare niya. Babalik din siya kaagad. May kailangan ka ba sa kanya?” tanong niya.
“Wala naman,” sagot ko sabay dampot at kagat ng pandesal na nasa supot.
“Di ba ngayon ka magpapasama sa akin sa bayan para bumili ng bago mong damit?” tanong niya.
“Uhmuoh,” sagot ko habang nginunguya ang pandesal.
“Maya, lunukin mo na nga yang kinakain mo. Hindi kita maintindihan e,” sabi niya.
Agad kong nilunok ang pandesal. “ Sabi ko, oo. Ngayon nga ako magpapasama sa yong bumili ng damit,” masaya kong sabi.
“Sapat na ba yung naipon mo para makabili ng bagong damit, Maya?” nag-aalangang tanong ni Mario sa akin.
“Yes, of course. I have other resources you know,” proud kong sagot sa kanya.
Napakunot ang noon i Mario. Tila inaalam niya kung totoo ang sinasabi ko. Uminom ako ng tubig na nasa baso at saka tumayo.
“Let’s go, Mario. Gusto kong makapamili ng magagandang damit sa bayan,” excited kong sabi.
“Tapos ka na agad mag-almusal, Maya?” nagtataka niyang tanong sa akin.
Nginitian ko siya sabay hawak sa tyan ko. “Oo. Busog na ako. At hindi na ako makapaghintay na makabili ng mga bago kong damit.”
Napatigil siya sa pagkain at tinitigan ako nang matagal.
Ano kayang problema niya? Parang di siya naniniwalang kaya ko nang bumili ng bagong damit.
“Hoy Mario! Ano ba? Sasamahan mo ba ako o hindi? Tumayo ka na dyan, pede?” sabi ko sabay lakad palabas sa pinto ng bahay nila.
MARIO’S POV
BINABASA MO ANG
Romancing Miss Makiling (on hold)
Teen FictionFirst time ko siyang nakita, na-in love agad ako sa kanya. Lalo pa noong nakasama ko siya. Ang ganda niya kasi. Ang sweet pa. Pero hindi pala siya ordinaryong tao. At kahit gaano kami ka-close, mawawala rin pala siya sa akin isang araw...