Chapter 8
“Ayaw mo yon? Diwata ako!”
MAYA’S POV
“Saan ka galing?”
Napatalon ako at napahawak sa dibdib ko sa pagkabigla.
“M-Mario? Ginulat mo naman ako e. Buti na lang wala akong sakit sa heart. Ikaw talaga!” sagot ko.
“Saan ka galing?” medyo mataas na boses niya.
Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis. “Dyan lang. Nagpahangin lang. Mainit kasi e.”
“Sinungaling!”
“What?!” gulat kong tanong.
“Wag ka nang magkaila, Maya. Nakita kitang may kausap na dwende sa likod-bahay,” nang-iinsulto niyang sabi.
Kinabahan ako sa sinabi niya. Lagot. I’m dead!
“A, yun ba? Friend ko yun. Gusto mo ipakilala kita?” cool na cool kong sabi.
“Tell me the truth, Maya. Bakit prinsesa tawag niya sa yo? Sino ka bang talaga?” seryoso niyang tanong.
Nawala ang ngiti ko. “Gusto mo talagang malaman?”
Tinitigan niya lang ako. Masama ang tingin niya.
“Diwata ako! Ayaw mo yon?” nakangiti kong sabi.
Napanganga siya.
“Anak ako ni Mariang Makiling. Ang Reyna ng Kagubatan. Doon ang aming kaharian. Ipinatapon ako dito sa lupa ni Ina kasi sumuway ako sa kagustuhan niya. Madalas kasi akong tumakas para magpunta dito sa mundo ng mga tao. Hindi niya yon alam. Pero isang araw may isang diwata na ipinarating kay Ina ang ginagawa ko kaya tuluyan niya na akong itinapon dito. Hindi ako maaaring bumalik sa amin hangga’t hindi ako nagbabago. At 100 days lang ultimatum ni Ina.”
Walang kibo si Mario. Tila malalim ang iniisip. Wala ang galit sa mukha niya. Sadness ang nakikita ko sa kanya.
“O, ano say mo, Mario?”
“So, 100 days ka lang pala dito sa amin,” malungkot niyang sabi.
“Yun e kung magbabago pa ako. Pero kung hindi, hindi na ako makakabalik sa kaharian namin at tuluyan nang tatanggalin ang natitira ko pang powers at magiging katulad nyo na akong tao,” patay-malisyang sabi ko.
“Gusto mo pa bang umuwi sa inyo?”
“Oo naman. Kahit pa nag-eenjoy ako dito sa mundo nyo iba pa rin ang buhay bilang prinsesa,” nakangiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
Romancing Miss Makiling (on hold)
Fiksi RemajaFirst time ko siyang nakita, na-in love agad ako sa kanya. Lalo pa noong nakasama ko siya. Ang ganda niya kasi. Ang sweet pa. Pero hindi pala siya ordinaryong tao. At kahit gaano kami ka-close, mawawala rin pala siya sa akin isang araw...