ChapTER_two_
_now playing_
Stitches
(⏪⏸️⏩)
By: shawn_mendesHabang bumabyahe kami papunta sa baguio ay natulog lamang ako.
Nagising ako sa isang malakas na pagyugyog saakin. Kaya naman kahit na antok na antok pa ako ay pilit kong iminumulat ang aking mga mata sa kung sino ang gumambala sa aking masarap at mahimbing na tulog. Ewan ko ba kung bakit ako inaantok eh sapat naman ang tulog ko kagabi.Si Keila lang pala ang gumising saakin. Nakangiting mukha ang binungad nya saakin. Hindi ko malaman kung bakit sya nakangiti. Doon ko lang napagtanto na nandito na pala kami sa baguio dahil nakasukbit na sa kanyang balikat ang backpack nya at hawak hawak nya sa kamay ang isang maliit na bag. Hindi ko tuloy nakita yung dinaanan namin. Hindi ko rin mawari kung ilang oras ang naging byahe namin dahil dapit hapon na ng dumating kami.
Sinenyasan ko syang mauna ng lumabas at hintayin na lamang ako sa labas kaya naman lumabas nga sya gaya ng sabi ko. Nauna na palang lumabas si Sofia. Tumayo na ako at kinuha ang backpack ko na nakalagay sa taas at isinabit ito sa aking likod. Sunod ko namang kinuha ang isang bag ko ng biglang may bumangga saakin kaya nabitawan ko ang aking hawak hawak sa kamay na bag.
Napapikit ako sa inis ng makita kung sino ang bumangga saakin. Iisipin ko sana na nagmamadali lamang sa pagbaba kaya ako nabangga pero ng makita ko kung sino ang bumangga saakin ay naisip kong sinadya iyon.
Ang girlfriend lang naman ni Lucas ang bumangga saakin.
"Wag ka kasing paharang harang sa daan"-maarteng sabi pa nito
Sarap balatan ng buhay! Kala mo kung sino.. eh hindi naman kagandahan. Pinagmamalaki pa talaga nya na naging boyfriend nya si lucas eh baka nga ginamit lang sya nito...=_=
Hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita.
"Hindi ka ba marunong magsabi ng 'excuse me'?"-diniinan ko talaga ang salitang excuse me. Nakita kong dumaan sa kanyang mukha ang galit at inis
Mabuti nga sakanya! Nagkakamali ka ng binangga oy!
"Dahil kung hindi ay wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan dahil hindi ko kasalanan kung nakaharang ako sa daan"-mariing dagdag ko bago pinulot ang bag na nabitawan ko bago sya iniwan ng nakaawang ang mga bibig
Hindi ako kasing hina gaya ng iniisip mo...
Sabi ko sa loob ng isipan ko. Huminto muna ako ilang dipa ang layo sakanya.
"Hindi ko malaman kung bakit ka nagagalit saakin dahil hindi naman kita inaano. Wag kang mag alala hinding hindi ko sya aagawin sayo"-binigyan ko sya ng panghuling salita bago tuluyang lumabas ng bus.
Pagkababa ko ay hindi magkamayaw sa pagpuri kung gaano kaaganda ang tanawin rito at kung gaano kaperpektong dito idaraos ang field trip ng mga kaklase ko at hindi mga kaklase. Batid kong hindi lahat ng mga estudyante sa Harvard University ang pinayagan na makasama sa field trip dahil hindi gaano karami ang naririto.
"Ang ganda ng napili nilang lugar no? Haays mabuti nalang at di ko kinalimutang dalhin yung hd cam ko"-sabi ni Keila saakin pagkalapit ko sakanya na nakatingin parin sa tanawin.
"Ang lugar na ito ay hindi maipipinta ng isang pintor sa sobrang perpekto ng lugar na ito"-namamangha kong sabi. Napalilibutan ng mga pine trees ang bawat sulok ng lugar. May mga halamang bulaklak din na iba't iba ang klase at kulay. Kitang kita mula rito ang ang papalubog na araw. Nasa itaas na bahagi kasi kami kaya kita ang sunset. Ang kalangitan ay nagiging kulay kahel na mas lalong nagpapaganda sa buong kalangitan.
YOU ARE READING
Behind That Magic
Fantasy𝙷𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚔𝚊 𝚗𝚊 𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚜𝚞𝚔𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚠𝚊𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚗𝚐 𝚎𝚗𝚌𝚑𝚊𝚗𝚝𝚎𝚍 𝚠𝚘𝚛𝚕𝚍?